Chapter 3 - Kabataan

1615 Words
Balik tanaw: KABATAAN "Sa wakas may magre-rescue na rin sa akin, akala ko dito na ako mamamatay," sabi ko habang humihikbi hindi ko na kasi napigilan ang umiyak. Napaiyak ako sa tuwa dahil sa wakas may tutulong din sa akin. Pero teka lang ang guwapo niya, lalo pa at nakangiti siya. Lumalabas ang biloy niya parang si Allen Richards. Pero mas guwapo si Allen. Crush ko kasi 'yon eh. Pero si kuyang nasa harap ko puwede na kasi may biloy siya. "Nasaan ang dalawa mong kasama?" tanong niya sa akin. "Teka lang paano mo nalaman na may kasama ako kanina?" balik tanong ko sa kan'ya na may pagtataka. "Hindi ba't hinahabol kayo kanina ng aso?" "Paano mo nalaman na hinahabol kami ng aso?" balik tanong ko ulit para kasing nahihiwagaan ako sa kaniya. "Kasi..." "Kasi ano? Binibitin mo ako eh," sabi ko na kunwaring nagagalit. "It was my fault. Sorry talaga," hingi niya ng paumanhin sa akin. "Alam mo kung ipaliwanag mo kaya sa akin ng mabuti at kung bakit kasalanan mo at nang maintindihan ko," pagalit kong sabi sa kan'ya. Pero this time medyo nagagalit na ako. Pero medyo-medyo lang naman. Guwapo niya eh. "Ganito kasi," pag-uumpisa niya. "Nasa likod ako ng mansion and I played with the dogs pero naka-cage naman kasi sila, I didn't expect na makakalabas ang isa sa kanila. Actually mabait naman si Shark 'yon nga lang excited lang talaga siya lumabas at nagkataon namang open ang gate sa likod at diri-diretso siyang tumakbo hinahabol ko siya pero sobrang bilis niya lang talaga. Bukod sa akin may mga trabahador din ang sumusunod sa akin para habulin si Shark at sa hindi kalayuan natanaw ko kayo at mayamaya ay nagsi-takbuhan na rin kayo pero sumusunod pa rin ako sa direksiyon ni Shark at nang maabutan ako ng mga trabahador ang sabi nila sumipol ako para bumalik ang aso. So, 'yon nga bumalik si Shark at nakuha na rin siya at ibinalik na sa mansion," mahaba niyang paliwanag. "Kasalanan mo pala eh kaya nagkandaligaw-ligaw ako rito, tuloy hindi ko na alam ang pabalik sa bahay," pagsusungit ko. "Kaya nga sabi ko 'di ba it was my fault. Kaya nga 'di ba sorry na," pagsusungit niya rin. Aba ang mokong na 'to siya pa may ganang magsungit kasalanan na nga niya. "Teka nga lang din, ano ba ginagawa niyo rito at bakit kayo nandito?" tanong niya sa akin. "Bakit hindi ba kami puwedeng pumunta rito?" pagtataray kong tanong sa kaniya. "Hindi ko na naman sinabi na hindi puwede nagtataka lang ako bakit kayo nandito at alam mo bang delikado rito at madaming mga wild animals dito paano kung...." Hindi niya naituloy ang kaniyang sasabihin dahil dinugtungan ko kaagad. "Kung kakainin ako?" taas kilay na tanong ko. "Expect ko na iyan kaya nga nagpapa-salamat ako at may tutulong sa akin. Kaya thank you ha hulog ka ng langit," pasasalamat ko sa kaniya na may halong biro. "Kaya next time huwag na kayong pumunta rito dahil delikado," pangaral niya. "Eh sa mamimingwit lang naman kasi kami sana, bawal ba 'yon? At isa pa palagi kaming pumupunta rito kaso hindi rito doon sa ilog," pagra-rason ko at may pagkumpas pa ng kamay sa ere. "Kung hindi lang naman kasi kami hinabol ng aso edi sana hindi ako napadpad dito," pagmamaktol ko. "Kasalanan mo kasi," pabulong kong sabi. "May sinasabi ka ba?" tanong niya. "Ayyy wala po kinakausap ko lang ang sarili ko," sarkastiko kong sagot. "Baliw ka pala eh," sabi niyang natatawa. "Eh ano ngayon kung baliw ako. Hindi mo ako tutulungan?" balik tanong ko sa kaniya. "Bakit may sinabi ba akong tutulungan kita?" "Aba lakas din ng apog mo kuya ah ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa itong ayaw tumulong," naiinis kong sabi. "Ang arte-arte mo kasi." "Ako pa talaga maarte ha edi dapat kanina pa ako rito nagda-drama," pangangatuwiran ko naman. "Ano tawag mo riyan sa ginagawa mo? Acting?" pang-aasar pa niya at lalo pang tumawa. "Alam mo, kaysa magbangayan tayo rito tumayo ka na lang kaya riyan ng makaalis ka na rito." Pagkasabi niyang iyon tatayo na sana ako ngunit biglang naalala ko basa pala ang shorts ko. Nakakahiya baka mas lalo niya akong alaskahin. Kaya nag dahilan ako na mauna na siya at susunod na lang ako. Iyong tipong may social distancing. Sumunod naman siya at laking pasasalamat ko dahil nagpatiuna siya. Habang naglalakad kami wala kaming imikan. Para kaming strangers sa isa't isa. Sabagay stranger nga naman talaga dahil hindi ko naman siya kilala at hindi rin niya ako kilala kaya ayos na 'yon at mabuti na rin ang gano'n. Pero ka ano ano niya kaya ang mga Galvez bakit nandito siya sa hacienda at ngayon ko lang din nakikita pagmumukha niya? Hmmmn, malaking question mark talaga siya. Mabuti na lang at hindi siya lumilingon kung hindi makikita niya ang basa sa shorts ko. Ang layo na ng nilakad namin hindi ko mawari kong saang parti na iyon ng hacienda. At bigla siyang nagsalita at lumingon. Mabuti na lang at bitbit ko pa rin ang bayong kaya 'yon ang ginawa kong pantakip sa harapan ko. "Saan banda bahay niyo?" seryoso niyang tanong. "Sa labas ng bakod ng mansion." "Isa ka ba sa mga anak ng trabahador ng hacienda?" tanong niya habang patuloy kami sa paglalakad. "Opo, anak ako ni tatay Eduardo ang driver ng mag-asawang Galvez at ang nanay ko naman si Selena ang taga-luto sa mansion," magalang kong wika. "Talaga anak ka nila?" may pagtataka niyang tanong. "Bakit may problema ba kung anak nila ako?" balik kong tanong na bahagyang nakataas ang isang kilay. "Wala naman, mababait kasi sila," sabi nito. "Eh ano ibig mong ipahiwatig?" "Wala naman. Bakit masama ba magtanong?" "Hindi!" mataray kong sagot. Ngayon napahinto na talaga siya at nagtanong ulit. "Eh ano pangalan mo?" "Puwedeng hindi sagutin ang tanong mo?" balik kong tanong sa kan'ya. "Pangalan lang naman ang tinatanong ko ang damot-damot mo. Baka kasi siguro ang pangit ng pangalan mo kaya ayaw mo sabihin." "Aba kung maka-pangit ka ah, pakialam mo kung ayaw kong sabihin sa'yo. Ano gagawin mo?" paghahamon ko. "Gusto mo may gagawin ako sa'yo?" pang-aasar niyang tanong. Bigla siyang lumapit sa akin at hindi ko expect 'yon. At ngayon nasa harap ko na siya at bumulong sa tainga ko. "Iki-kiss kita!" Biglang nagsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Dugtong pa niya. "Kaso ang panghi mo," sabi niya sabay tawa nang malakas. Dumistansiya rin siya sa akin. Ako naman hiyang-hiya sa sarili ko na gusto na lang magpalamon sa lupa. Bwesit talaga lumapit pa kasi. At bakit naman kasi hindi pa ako umiwas? Pagalit ko sa aking sarili. Kasalanan kasi 'to ng ahas eh. Lahat kasalanan nila. Hindi ko namalayan tumutulo na pala luha ko sa sobrang hiya. At halos hindi na ako makaalis sa kinakatayuan ko. Siya naman tawa pa rin nang tawa habang naglalakad. Tuwang-tuwa na mapanghi ako. Nang mapansin niya na hindi ako sumusunod sa kaniya. Bumalik siya. "Sorry na, ikaw naman kasi pangalan lang ayaw mo pa sabihin. Actually kanina ko pa naamoy iyan," panghihingi niya ng tawad ngunit humahagikhik. Hindi pa rin ako umiimik kasi sobrang napahiya talaga ako. Napayuko na lang ako. Nagsalita ulit siya. "Sige na sabihin mo na kasi ang pangalan mo at hindi na kita aasarin. Promise!" itinaas nito ang kanang kamay niya na tila namamanata. Nakita ko naman ang sinsiridad sa mukha niya kaya sinabi ko na lang para hindi niya na ako asarin pa. Nakakahiya talaga. As in. "S-shaira," nauutal ko pang sambit. "Ok. Shaira, tara na!" pagyaya niya sa akin at hindi naalis ang nakaka-bwesit niyang ngiti. Pero infairness guwapo niya talaga. Pagpantasyahan ba naman. Hanggang sa ngayon kasi hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko. "Shaira, let's go!" untag niya sa akin. Hindi pa rin ako umaalis. "Ayaw mo pa ring umalis diyan bubuhatin na kita kahit mapanghi ka," pagbabanta niya na may halong pang-aasar. Naglakad na ako baka kasi tototohanin niya, mas lalong nakakahiya. As if naman gagawin niya. Asa pa ako. Lumakad na rin siya ngunit hinintay niya pa rin ako. "Mauna ka na, susunod na lang ako nakakahiya kapag nagsabay tayo maamoy mo," mahinahon kong sabi. "Huwag ka ng mahiya kahit mapanghi ka maganda ka pa rin naman," sabi niya sabay tawa. "Unli ka din pala ano, paulit-ulit lang," naasar kong sambit. Pero bakit parang hindi na rin ako nahihiya sa kan'ya at nakuha ko na ring magbiro. Tahimik na ulit kaming naglalakad. Bigla namang tumigil ito. "Enrico Galvez nga pala," pakilala niya sa sarili niya sabay lahad ng kan'yang kamay sa akin. Tinanggap ko ang pakikipag-kamay niya. Ang lambot, ngunit hindi ko napigilan ang tumawa. "Ohh bakit tawang-tawa ka riyan?" tanong niyang nagtataka. "Mas pangit pala pangalan mo eh, Enrico pang matanda," sabi kong natatawa. "Mabuti na rin iyan. Bakit saan pa tayo papunta niyan, 'di ba sa pagka-matanda rin?" depensa niya. "Hoyyy wag kang assuming walang tayo," sabi kong natatawa pa rin. "Hoyyy mas lalong 'wag kang assuming dahil hindi ako magkakagusto sa'yo. NEVER!" madiin niyang pagkakasabi. Bakit parang ang sakit ng sinabi niya. May kurot sa tagiliran ko later na lang iyong dibdib kasi bata pa ako. Hindi na ako umimik parang naumid bigla ang dila ko. Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa bahay namin. Hindi na ako pumayag na ihatid niya ako sa loob at umalis na siya pabalik ng mansion. At nagpasalamat din ako sa kaniya. Parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kan'ya kahit ngayon lang kami nagkita. Konting oras lang ang pinagsamahan namin ngunit parang magkakilala na kami nang matagal. Napapangiti na lamang ako sa asaran naming dalawa at hindi na rin ako affected kahit amoy mapanghi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD