Gabi na nang makabalik kami sa Hacienda Santorini. Binati lang namin ang mag-asawang Santorini saka pumanhik na rin kami sa aming tinutuluyang kuwarto rito sa mansion nila. Agad na ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama saka nakipagtitigan sa kisame. Ano kaya ginagawa niya ngayon? Ang kulit talaga ng utak kong 'to tanong nang tanong. End game na nga eh gusto lang pasakitan ang sarili. Humugot ako nang malalim na buntong hininga. Saka naman tumunog ang cellphone ko. Pangalan ni Kevin ang nakita ko sa screen ng cellphone ko. Hiningi niya pala kanina ang number ko para magkatawagan daw kaming dalawa. Lakas maka-teenager gusto ng ka call mate. Napangiti na lamang ako sa sarili ko saka ko sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Hi, still up?" tanong nito. "Kausap mo nga 'di ba?

