Tahimik lang kaming dalawa habang lulan ng kaniyang sasakyan papuntang airport. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at siya naman ay tahimik lang din habang nagmamaneho. Hindi ko inaasahan, nang bigla niyang kunin ang kamay ko at pinagsalikop sa kamay niya habang ang isa naman nasa manibela. Nilingon ko siya, tumingin din siya sa akin at bahagyang ngumiti. Hindi ko binawi ang kamay kong hawak-hawak nito. Hinayaan ko lang siyang hawakan niya ito. Para kasing ang sarap sa pakiramdam na hawak-hawak niya ito, feeling ko gumaan ang pakiramdam ko. Ramdam ko rin ang init ng kamay nito sa kamay ko. Hawak kamay kami hanggang sa makarating kami ng airport. Sumunod din na dumating ang van na sinasakyan ng mga kaibigan ko. Inalalayan niya ako pababa sa sasakyan niya. Siya pa rin ang nagbuhat

