Pinagpahinga ko muna si nanay ngunit ayaw niya. Nagpaalam muna ako sa kaniya upang pumanhik saglit sa kuwarto ko para tawagan si kuya Randy na nasa Australia. Nagri-ring lang ang cellphone niya. Nag-iwan na lang ako nang mensahe sa kaniya para mabasa niya ito. Medyo masakit ang ulo ko kung kaya't humiga muna ako at hinihilot-hilot ang sintido ko para maibsan ang pananakit nito. Marahil dala ito nang pagod at kakaiyak ko. Hindi ko namalayang napaidlip pala ako. Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag basta ko na lamang ito sinagot. "Hello?" Tinatamad kong tanong. "Shai, are you okay?" tila nag-aalalang tanong nito. "Naistorbo yata kita. Tatawag na lang ulit ako." Tinig ni Enrico ang narinig ko sa kabilang linya kung kaya't napaupo ako mula

