Seffira’s POV
‘‘Ano ba talaga mga plano mo Seffira?’’ tanong ng imaginary Sister ko.
‘‘Watch and learn Jessa, ‘wag kang magmadali. Habang pinapahanap ko si Mama, kikilos din
tayo ng paunti-unti,’’ paliwanag ko sa kaniya.
Tumayo naman ako sa harap ng malaking salamin dito sa aking kuwarto upang tingnan ang
aking ayos ngayon. Naka-fitted stretchable rip jeans at ang pang-itaas ko naman ay long-sleeve
crop top na damit dahil malamig sa studio.
‘‘Kung gano’n bahala ka sa buhay mo!’’ mataray na turan niya.
‘‘Alam mo, Jessa ‘wag ka na magpakita sa akin kung ganiyan ka umasta sa akin! Ikaw lang
naman ang pilit na nagpapakita sa akin!’’ bulalas ko sa harap mismo ng salamin.
‘‘Baliw ka na talaga Seffira! Baka nakalimutan mong ikaw mismo ang lumilikha sa akin!?’’
bulalas niya. ‘‘Dahil sa baliw mong utak kaya ako lumilitaw tapos ngayon ako pa sisisihin
mo!?’’
‘‘I don’t care b***h! I gotta go, baka ma-late pa ako sa practice!’’ Lumabas na ako ng kuwarto at
pagkadating ko sa sala nakita ko naman si Mommy na nagbabasa ng diyaryo.
‘‘Mukhang maaga ka ata ngayon, Iha?’’ tanong niya sa akin.
Humalik muna ako sa kaniyang pisngi bago magsalita. ‘‘Yes, Mom. Binago po kagabi ni Mamita
ang schedule namin.’’ paliwanag ko sa kaniya.
‘‘Okay, break a leg Honey!’’
‘‘I will Mom! Gotta go, bye Mom!’’ sabi ko at muling humalik sa kaniyang pisngi.
Pagkatapos ng tagpong iyon agad akong nagtungo sa garahe at agad naman akong sumakay sa
van.
‘‘Kuya Bert, ihinto niyo po pala muna saglit sa guardhouse dahil may ihahabilin lang po ako,
salamat po!’’ Pagbigay alam ko kay Kuya.
Tumango naman siya at inihinto mismo ang van sa tapat ng guardhouse kaya lumabas muna ako
saglit.
‘‘Magandang umaga Kuya! May ihahabilin lang po ako baka mamaya may dumating pong order
ko pasabi na lang sa mga maids na dalhin sa kuwarto ko at ito po ang bayad, salamat po!’’
‘‘Yes, Seniora’’ nakangiting tugon nito sa akin.
Nagpaalam naman ako at muling sumakay sa van. Tahimik lang ang aming biyahe dahil wala
namang gustong itanong si Kuya Bert sa akin, kaya hindi na rin ako nag-i****t na magsimula ng
usapan. Pagkarating ko sa kompanya, nagpasalamat naman ako kay Kuya at agad na pumasok
dahil nag-text sa akin si Shantal na nando’n na raw sila.
Buti na lang walang tao ngayon sa elevator. No’ng pasara na ang pinto ng elevator nagulat
naman ako ng biglang may kamay na pumigil dito kaya bumukas muli ito. Nagulat naman ako
nang makita ko si Tyron.
‘‘Good, morning! How’s your day?’’ bati nito sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya. ‘‘Maayos naman gising ko, akala ko nando’n ka na rin,’’ sabi ko
naman.
‘‘Nah, medyo late rin dahil dumaan muna ako sa restaurant mo upang kumain.’’ Sumandal
naman siya sabay halukipkip ng kaniyang mga kamay at nakatingin lang sa akin.
‘‘Kumusta naman sila? Ayos lang mga staff ko?’’ I asked her, confused since, I haven’t visited
them for two consecutive days already.
Bumukas naman ang pinto ng elevator at sabay kaming lumabas.
‘‘They’re fine at alam nilang magkasama tayo. I informed them about the modelling,’’ he
answered.
‘‘Thank you! At least they’re now informed about it for I haven’t visited them for two days
already.’’ Binuksan naman ni Tyron ang pinto at pinauna niya akong pinapasok. Napaka-gentleman naman
pala ng lalaking ito.
Pagkadating ko sa puwesto nila Mamita at Shantal, binati ko naman silang
dalawa. Mukhang maganda ang kanilang gisingd dahil kanina pa silang nakangiti sa akin.
"Since, kayong dalawa ay nandito na naman, let’s start, okay?’’ sabi ni Mamita sa amin ni Tyron. ‘‘Huwag na kayong umasa na maagang darating si Sophie dahil lagi iyong late.’’
Sumunod naman kami kay Mamita at nagsimulang pumuwesto gaya ng ginawa namin kahapon.
Kasabay ng malakas na tugtog nagsimula kaming maglakad ni Tyron. Medyo hindi na ako
naiilang sa kaniya ngayon kapag hinahawakan niya ang bewang ko at sobrang lapit namin sa
isa’t-isa dahil may ganito eksena raw kami.
Paulit-ulit lang ginagawa namin, hanggang sa dumating din si Sophie kaya nakahinga kaming
dalawa ni Tyron dahil kanina pa kami nagpra-practice. Umupo naman ako sa aking upuan at
kinuha ang lalagyan ng tubig ko sabay lagok. Gano’n din ang ginawa ni Tyron na ngayo’y puno
ng pawis ang kaniyang mukha.
‘‘Magpunas ka nga, ito oh!’’ Inabot ko naman sa kaniya ang bimpong dala-dala ko. ‘‘Get it,
okay? I have an extra pa naman don’t worry,’’ segunda ko dahil nag-aalinlangan siyang
tanggapin ito.
‘‘Thanks, nakalimutan ko kasing magdala. Bimpo pala ang nakalimutan ko dahil kanina pa ako
‘di mapakali no’ng kumakain ako at feeling ko may naiwan ako… kaya pala,’’ paliwanag niya sa
akin.
Umupo naman siya at napatingin naman ako sa gawi ng pinto dahil sa biglaang pagbukas nito.
Nagulat naman ako nang iniluwa nito si Joseph. Nakita niya naman ako at ngumiti ito sa akin at
gano’n din ang ginawa ko.
‘‘Good morning, mukhang pagod ka na ata?’’ tukoy niya sa akin. ‘‘Pinsan kumusta, ngayon lang
kita ulit nakita?’’
Nag-bro hug naman sila ni Tyron at sabay silang umupo. ‘‘Yeah, you’re right, kanina pa kasi
kami nitong naglalakad nang paulit-ulit ni Tyron,’’ paliwanag ko kay Joseph.
‘‘That’s why, I brought some ice cream for all of you to freshen up your feeling.’’ Ibinigay niya
naman sa aking ang isang chocolate flavor na ice cream at gano’n din kay Tyron.
‘‘Tita Shai told me that you like chocolate so I bought chocolate ice cream,’’ turan niya sa akin.
Ang sweet naman nitong lalaking ito. ‘‘Thank you so much! Napaka-sweet mo naman,’’ sabi ko
sa kaniya.
Napakamot naman siya sa batok at mukhang nahihiya ang loko. Napatawa naman si Tyron sa
inakto ng kaniyang pinsan kaya napangiti na lang din ako.
‘‘Hey, Mamita, Shantal and Sophie!’’ Pagtawag niya sa pansin nila Mamita. ‘‘Take a break first
and eat some ice cream that I bought for you!’’ Hindi naman pinatay ni Mamita ang music at nagsilapitan naman sila sa aming puwesto.Ang malditang si Sophie naman ay umupo sa tabi ni Joseph.
‘‘Hi, Joseph I haven’t seen you for a while,’’ malanding turan nito.
Napaikot na lang ako ng mata dahil may kalandian din pa lang tinatago ang babaeng ito bukod sa
pagiging maldita. Nagsimula naman silang kumain ng ice cream maliban lang kay Joseph.
‘‘Himala, Joseph napadayo ka rito?’’ tanong ni Shantal at napatingin sa akin. ‘‘Mukhang alam
ko na, shut up na lang ako,’’ dugtong pa niya.
Ano naman kaya kinalaman ko at bakit napatingin sa akin si Shantal. ‘‘Wala ka bang trabaho
ngayon at nandito ka?’’ tanong ko kay Joseph.
Nakakapagtaka lang kasi hindi ba. Kasi pagkakaalam ko iyong mga ganitong lalaki ay may
kompanyang inaasikaso.
‘‘Nope, kahapon ko pa tapos, I’m just waiting for the report of my staff… at saka nandito lang
naman ako sa mismong company so, you don’t have to worry about it,’’ paliwanag niya sa akin.
‘‘So, you guys are dating?’’ Mamita directly asked.
Muntik naman akong mabulunan dahil sa tanong niyang iyon. ‘‘H-hindi po, Mamita,’’ sagot ko
naman sabay kain muli ng ice cream.
‘‘Well, niyaya ko siya kagabi na mag-dinner kami later after ng practice niyo,’’ turan naman ni
Joseph.
Nanlaki naman ang mata ni Sophie dahil sa sinabing iyon ni Joseph. Napatingin naman siya sa
akin nang masama kaya ang ginawa ko, I just smiled at her sweetly para mas lalo siyang mainis.
Kung gano’n lang din siya at puro kalandian lang pinapairal hindi siya mananalo sa puso ng
lalaki. Maliban na lang kung papatol din ang lalaki hindi ba.
‘‘Aba, himala Brad ngayon ka lang ulit gumaganiyan!’’ Tyron said. ‘‘Pero, okay lang bagay
naman kayo nitong si Seffira,’’ habol nito.
Napatingin naman ako kay Tyron dahil nang sabihin niya ang mga huling katagang iyon parang
kakaiba ang tono. Parang hindi siya nasisiyahan sa mga nangyayari. Isinawalang bahala ko na
lang iyon dahil ayaw ko naman maging assumera katulad ni Sophie na ngayo’y hindi maipinta
ang mukha. Mukhang aawayin niya na naman ako nito mamaya kaya I need to ready myself.
‘‘Thanks for this ice cream, Joseph!’’ masayang pasalamat ko sa kaniya.
‘‘Anything for you,’’ sabi nito sabay kindat sa akin, kaya napayuko na lang ako.
Narinig ko naman ang pagtili ni Mamita at Shantal. ‘‘Ano ba ‘yan baka langgamin tayo rito sa
studio,’’ turan ni Mamita. ‘‘Anyway, since we’re all done eating, at nakapagpahinga na rin
naman tayo… let’s continue practicing!’’
‘‘Pa’no ba ‘yan mamaya na lang ulit? Magsisimula na kami ulit, balik ka na lang sa trabaho
mo,’’ sabi ko kay Joseph na ngayo’y kami na lang dalawa ang nasa puwesto namin ngayon.
‘‘Okay, so pa’no sunduin na lang kita mamaya sa inyo?’’ he asked me
‘‘Yeah sure! Sakto magpapalit pa ako ng suot... nakakahiya naman kapag ito pa rin suot ko
mamaya,’’ I answered.
‘‘Kahit ano suot mo, maganda ka pa rin naman,’’ he complimented me.
‘‘Baliw! Umalis ka na nga baka pagalitan ka pa ni Mamita.’’
‘‘Okay… okay… bye!’’
Nagsimula naman siyang maglakad matapos makapagpaalam sa iba namin kasama rito. Ako
naman ay naglakad na patungo sa puwesto nila Mamita. Pagkarating ko sa puwesto nila, narinig
ko naman ang parinig sa akin ni Sophie na kesyo malandi raw ako. I just rolled my eyes because
she’s referring to herself.
Nagsimula naman muli ang aming practice at seryoso kaming lahat. Kailangan talaga naming
magseryoso dahil hindi ito local fashion show kung hindi international. Kahit paulit-ulit ang
aming ginagawa kailangan naming gawin to make us better models. Kailangan naming
makipagpantayan sa ibang international models.
Minsan kapag nakakalapit sa akin si Sophie bigla na lang niya akong sasabihan ng ‘malandi’ at
hindi pa rin siya nakakapag-move on na niyaya akong makipag-date ni Joseph instead of her.
Pa’no ba naman kasi siya yayayain kung puro kaartehan at kalandian lang pinapairal niya hindi
ba? Matapos ang dalawang oras na practice natapos din kami. Agad naman akong nagpaalam sa
kanila upang magtungo sa banyo.
Pagkarating ko sa banyo agad akong naghilamos at nagpunas ng aking katawan upang matuyo
ang mga butil ng pawis. After kong maghilamos, nag-ayos naman ako muli ng konti sa aking
mukha. Habang naglalagay ako ng lipstick bigla namang may pumasok sa banyo.
‘‘Ano, kailangan mo?’’ tanong ko kay Sunshine.
Dahan-dahan naman itong naglakad papalapit hanggang sa tumigil siya sa aking tabi. Tumingin
naman siya sa harap ng salamin sa akin. Kita mo ang mala-demonyo nitong titig sa akin.
‘‘Nilalandi mo raw si Tyron, totoo ba?’’ Nang matapos akong maglagay ng lipstick humarap naman ako sa kaniya.
‘‘At sino namang nagsabi niyan sa ‘yo na nilalandi ko si Tyron, huh?’’ mataray kong tanong sa kaniya.
Napahalukipkip naman siya ng kaniyang mga kamay. ‘‘Si Sophie at bakit naman? Balita ko rin,
nilalandi mo si Joseph?’’
‘‘Ang bobita mo rin ano? Naniwala ka naman?’’ turan ko sabay lagay ng mga gamit ko sa pouch.
Bigla naman ako nitong hinawi kaya muli akong napaharap sa kaniya. ‘‘Huwag mo akong
tinatalikuran kapag kinakausap kita, okay!’’ bulalas niya sa akin.
‘‘At bakit sino ka ba para sundin ko? ‘Di ka naman gano’n ka importante para pagtuunan ng
pansin,’’ galit kong sabi sa kaniya.
‘‘You bitc*! Sinabi sa akin ni Sophie na pinahiram mo si Tyron ng bimpo!’’
‘‘Tell me, what’s wrong with it! Tell me!’’ bulalas ko. ‘‘Wala kang masabi ‘di ba dahil wala
naman talaga masama ro’n ‘di ba!?’’ habol ko pa.
Nagulat naman ako ng bigla na lang ako nitong sampalin. Napahawak naman ako sa kaliwang
kong pisngi dahil sa hapdi.
‘‘Iyan ang nararapat sa malalanding tulad mo!’’ sigaw niya sa akin habang nakangiting mala-
demonyo.
Pak…pak…
Tunog ng sampal ko sa kaniya. Dalawang beses lang naman dahil nainis ako sa kaniya.
‘‘Don’t you dare to lay your filthy hands on my face, bitc*!’’ mataray kong turan sa kaniya.
‘‘Pareho nga pala kayo ni Sophie mga bruha! Sabagay, tama nga sila sa kasabihang, Birds with
the same feathers flock together!’’ Tinulak ko naman siya dahil humaharang siya sa daan.
Nang malapit na ako sa pinto, muli ko siyang nilingon na ngayo’y hawak-hawak pa rin ang
kaniyang dalawang pisngi. Sabagay nilakasan ko talaga ang pagkakasampal sa kaniya dahil lintik
lang ang walang ganti.
‘‘Hindi ba sinabi ko naman sa ‘yo na, ‘wag mo akong kalalabanin dahil ‘di mo pa ako lubusang
kilala! Bye Bitc*!?’’
Hindi pa ako nakakalayo nang marinig ko ang kaniyang tili sa loob ng banyo. Ano akala niya sa
akin magpapadaig pagdating sa mga bangayan puwes hindi dahil nasa Korea pa lang ako
pinaghandaan ko na ang lahat ng ito.
Habang naglalakad ako patungo sa elevator someone called me. It was Joseph na ngayo’y
tumatakbo.
‘‘Why? Are you looking for me?’’ I asked him, confused.
‘‘Yeah, I’m actually looking for you. You know, since you’re here then why not we eat
together?’’ he asked me.
‘‘Yeah, sure!’’ Pumasok na kami sa elevator dahil nasa first floor ang kainan nitong company.
Pagkarating namin sa baba, kung sino man makasalubong namin ay binabati itong kasama ko.
Sabagay anak pala ito ng may-ari ng kompanya kaya hindi na ako magtataka pa. Nang
makarating kami sa bakanteng table agad naman kaming umupo. May lumapit sa aming waiter at
nagtanong.
‘‘Good morning sir, Joseph! Ano po order niyo sir! And also you Miss?’’ tanong nito sa amin.
‘‘Ah… please give us the best selling foods of our restaurant, Josh,’’ he said.
Kaya hindi na ako um-order pa dahil alam kong marami na iyon. Umalis naman ang waiter sa
aming harapan at agad na nagtungo sa counter.
‘‘Kilala mo pala mga staff dito,’’ I said randomly.
‘‘Yes, I eat here everyday kaya kilala ko na halos silang lahat. ‘Di ko na kasi magawa na sa labas
pa kumain dahil maya’t-maya may tumatawag sa akin at saka limited lang talaga oras ko,’’
paliwanag niya sa akin. ‘‘But, don’t worry free talaga ako today as what I’ve said earlier.’’
‘‘Oo nga, at saka expected na talaga na busy ka dahil bukod kay tita Eren alam kong ikaw lang
ang nagma-manage ng company niyo,’’ sabi ko naman.
Akmang siyang magsasalita ng bigla na lang dumating ang samu’t-saring pagkain kaya hindi na
niya naituloy. Inayos naman namin ang mga pagkain pati na rin ang mga gagamitin namin sa
pagkain. Matapos naming maihanda lahat nagsimula na kaming kumain at nagsimula muling
mag-usap about random things.
Nakakatuwa rin pa lang kasama itong si Joseph dahil akala ko napaka-seryoso niya kasi nga
hindi ba gano’n ang mindset natin kapag CEO ng isang company? But this guys is different, he’s
very simple and approachable one. At napansin ko rin sa mga staff dito na sobrang
accommodating kaya siguro marami rin ang kumakain dito kahit ‘di sila workers nitong
company.
Nang matapos kaming kumain agad naman siyang nagpaalam sa akin dahil may kailangan pa
raw siyang pirmahan. We just bid goodbye after that. Wala na rin akong sinayang pang oras at
agad akong umakyat pabalik sa studio. Pagkarating ko nakita ko naman si Sunshine at Tyron na
kumakain pa rin hanggang ngayon.
Naglakad naman ako sa puwesto nila Mamita na ngayo’y nagse-cellphone lang at
mukhang inaantay nga na matapos ang dalawa. After a couple of minutes pinatawag sila Mamita
dahil may meeting daw sila kaya cancel ang practice today. Agad naman akong nag-text kay
Joseph na sa mansion na lang ako sunduin at agad din naman itong nag-reply.