Chapter 9

2887 Words
Seffira’s POV   ‘‘Kuya Bert diritso po muna tayo sa bahay nila Tita,’’ sabi ko kay Kuya nang marating ko ang parking lot nitong kompanya.   ‘‘Sige, Iha at sana nga inilibing ng maayos ng Tiyahin iyong ama mo or ‘di kaya cremate man lang,’’ turan naman ni Kuya.   ‘‘Iyan nga po iniisip ko ngayon kuya Bert… nako pag ‘di nila man lang ginawa ang dalawang bagay na iyan mas lalo akong magagalit sa kanila.’’   Matapos ang usapan naming iyon ni Kuya ay wala na ni isa sa amin muling nagsalita pa. Ayaw ko na rin naman magsalita pa dahil napagod ako sa practice namin kanina. Buong akala ko kasi ay mag-aaral lang ako pero hindi pala. Agad akong isasabak sa isang modelling show kahit hindi pa naman ako gano’n kagaling.   Siguradong matutuwa talaga si Mommy kapag sinabi ko sa kaniya mamaya ang lahat ng ito. Sa kabila ng lahat ng iyan, hindi ko pa rin maiwasang hindi malungkot at matuwa dahil sa aking mga nalaman ngayong araw. Una, umaasa akong nailibing or cremate man lang si Papa. Pangalawa umaasa akong mahahanap ko pa si Mama.   ‘‘Iha, nandito na tayo.’’   Pagkuha sa atensiyon ko ni Kuya Bert. Napatingin naman ako sa labas ng bintana ng van at nandito na nga kami. Grabe, gano’n na lang ba kalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko namalayang nakarating na pala kami.   ‘‘Hintayin niyo na lang po ako rito Kuya, saglit lang din po ako sa kanila.’’ Bumaba naman ako matapos kong sabihin ang mga katagang iyon.   Nang makarating ako sa pinto ng bahay nila Tita kumatok naman ako ng tatlong beses. Narinig ko naman ang mga yabag na papalapit sa pinto kaya umatras ako ng kaunti.   ‘‘K-Kyla?’’ takot na turan ni Tita sa akin. ‘‘A-ano kailangan mo?’’ habol niya.   Binuksan naman ni Tita ang kanilang pinto at agad naman akong pinapasok. Nakita ko naman ang gulat sa mga mata ng aking bubutihin Tiyuhin na nakaupo ngayon sa sala.   ‘‘Puwede ba Tita, ‘wag niyo na akong tawagin Kyla? ‘Di na ako si Kyla ako na si Seffira,’’ sarkastikong sabi ko sa kaniya. ‘‘At saka ba’t ba takot na takot kayo sa akin? Nandito lang naman ako dahil may itatanong lang ako. Relax… okay?’’   ‘‘A-ano naman itatanong mo sa amin?’’ tanong ni Tiya sa akin.   ‘‘Ano ginawa niyo sa bangkay ni Papa?’’ diritsuhang tanong ko. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Tiyo at muling humarap sa akin.   Tumayo naman si Tiya Josephine at naglakad patungo sa kanilang TV cabinet at may kinuhang isang beso. Dahan-dahan niyang inilapag sa lamesang nasa aming harapan.   ‘‘I-iyan ang abo ng Papa mo, Iha at tama nga ako babalik ka rito kaya iyan na,’’ salaysay niya sa akin.   Kinuha ko naman ang beso at tumayo. ‘‘Hindi ibig sabihin nito ay ‘di na ako galit sa inyo. Hindi pa ako handang patawarin kayo.’’ Tumalikod naman ako sa kanila at tuluyang lumabas sa kanilang bahay.   Habang naglalakad ako pabalik sa van, nakaramdam naman ako ng konting awa sa aking Tiyahin at Tiyuhin. Syempre hindi naman ako gano’n kasama at may natitira pa rin namang konting awa sa akin. Nang makapasok ako sa van napatingin naman sa aking hawak si kuya Bert.   ‘‘Iyan ba ang abo ng Papa mo, Iha?’’ tanong ni Kuya.   ‘‘Oo, Kuya kahit papa’no gumaan pakiramdam ko. Kahit ganito na lang si Papa feeling ko yakap-yakap ko pa rin siya,’’ paliwanag ko naman at mas lalong niyakap ang maliit na beso.   ‘‘Kung nakikita ka ngayon ng Papa mo, siguradong tuwang-tuwa siya.’’   Nagsimula namang umandar at van at makikita mo sa labas ay nag-aagaw na ang dilim at liwanag hudyat na pagabi na. Habang bumibiyahe tinitingnan ko naman ang beso at hindi ko maiwasang mapaluha dahil naalala ko ang mga mukha nila ni Mama no’ng bago sila iwanan sa building na iyon.   Kung puwede ko lang patayin agad si Kristine ginawa ko na kaso hindi ako rin ang makukulong kaya dahan-dahan lang tayo. Kailangan ko ng maayos na plano kung paano ko ibabalik ang pagpapahirap noon sa amin ni Kristine. Makalipas ang ilang minuto nakarating naman kami sa aming mansion.   ‘‘Salamat Kuya sa paghatid at pagsundo sa akin.’’   Tumango lang naman si Kuya at lumabas na ako ng van. Dala-dala ang beso dinadamdam ko ang bawat hakbang na ginagawa ko papasok sa mansion. Nang makapasok ako, nakita ko naman si Mommy sa sala na nagkakape.   ‘‘Honey, what’s that?’’ takang tanong sa akin ni Mommy. Bumeso muna ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi.   ‘‘Mom, this is my father’s ashes,’’ I said. ‘‘I went again kanina sa pinangyarihan ng krimen at sa isang police station kaya nalaman kong kinuha pala ng Tiyahin ko ang bangkay ni Papa,’’ paliwanag ko naman sa kaniya. ‘‘Oh… I’m sorry Honey, but wait only your father?’’ Tumango naman ako bilang tugon. ‘‘Then where’s the ashes of your mother?’’   Inilagay ko naman ang beso sa gold naming lamesita rito sa sala. ‘‘Mom, sabi ng Police kanina tanging bangkay lang ni Papa ang kanilang nakita. Umaasa po akong nakatakas si Mama pero hindi ko po alam kung saan ko siya hahanapin,’’ mahabang lintaya ko.   ‘‘Oh, that’s great! Let me help you with that matter, okay?’’ she said. ‘‘Go, cheer up Honey! Sige ka ‘di matutuwa Papa mo kapag ganiyan ka,’’ banta nito sa akin.   ‘‘Thank you, Mom. Akyat na po ako magpapalit pa ako ng damit,’’ sabi ko at agad na tumayo dala-dala ang beso.   Hindi naman siguro masama kong ipaalam ko kay Mommy ang lahat hindi ba? Bahala na, nadulas ako kaya ipinagpatuloy ko na lang. Ayos lang naman kay Mommy ang lahat wala naman akong nakitang malisya sa kaniyang mukha kanina no’ng sinabi ko ang lahat. Nakarating naman ako sa aking kuwarto at inilagay ko naman ang urns ni Papa sa ibabaw ng aking mamahaling drawer.   Nagtungo ako sa walk in closet ko at agad na nagpalit ng damit. Nang matapos akong magbihis, kinuha ko naman ang aking cellphone upang bumili ng glass urn na ipapalit ko sa pinaglagyan nila Tita ng abo ni Papa. Umupo ako sa kama ko, at nagsimulang maghanap ng magandang lalagyan. May nakita naman akong kulay ginto na glass urn na may design na mga bulaklak sa paligid nito kaya ito ang aking pinili.   Matapos makapag-order agad naman akong bumaba dahil alam kong maya-maya tatawagin na ako para kumain. Sakto naman pagkarating ko sa kusina nakaupo na si Mommy. Pero ang ipinagtataka ko ay wala pang laman ang kaniyang plato.   ‘‘Mom, bakit wala pang laman ang plato mo? Are we waiting for someone?’’ I asked.   ‘‘Yes, Honey… your tita Eren and Josephn is on their way na here. Dito sila kakain ng dinner,’’ Mom answered.   ‘‘Okay, I wasn’t informed by Joseph,’’ turan ko naman.   ‘‘So… you and Joseph are exchanging messages na?’’ Umupo naman ako sa puwesto ko malapit kay Mommy.   ‘‘Yes, Mom the day you’ve gave my number to him, he texted me right away,’’ I said. Akma namang magsasalita si Mommy ng bigla na lang nagsalita ang isang Maid namin.   ‘‘Madam, andiyan na po sila Madam Eren,’’ sabit nito kay Mommy.   ‘‘Sige, papasukin niyo agad, thank you.’’   Agad namang tumalima ang maid at makalipas ang ilang minuto dumating naman sila tita Eren kasama si Joseph. Napaka-gwapo talaga ng nilalang na ito. Makapal na mga kilay, mapupungay na mga mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Animo’y may pagkahawig kay Zayn Malik, sigurado akong may lahi ang ama nito.   ‘‘Welcome po Tita,’’ I said sabay beso sa kaniya at gano’n din sila ni Mommy.   Tumingin naman ako sa gawi ni Joseph na may dala-dalang bulaklak. ‘‘For you,’’ sabi nito sabay abot sa akin ng bulaklak.   ‘‘Nag-abala ka pa talaga, pero thank you.’’ Umupo naman kaming dalawa at gano’n din sila Mommy.   Nagsimula na ang aming pagkain habang nag-uusap-usap ng iba’t-ibang bagay. Nandiyan iyong interrogation ni tita Eren pero nama-manage ko naman ang lahat ng mga tanong niya sa tulong din ni Mommy. Nandiyan naman ang mga sweet gestures ni Joseph na lalong nagpapahulog sa akin sa kaniya. Pa-fall din ang isang ito sarap kurutin sa singit. Nakakatakot kaya makipagrelasyon sa ganitong lalaki kasi feeling ko womanizer sila. Pero mukhang mabait naman si Joseph.   ‘‘Iha? Sinabi mo na ba kay Mommy mo?’’ Pagkuha sa atensiyon ni Tita Eren sa akin.   Naalala ko na hindi ko pa pala nasasabi kay Mommy na sasabak ako sa international modelling show sa Singapore.   ‘‘I haven’t yet Tita… Mom sasabak po ako sa international modelling sa Singapore,’’ turan ko.   Nakita ko naman ang pagkagulat ni Mommy dahil napatakip din ito sa kaniyang bibig. ‘‘Really? I wasn’t expecting that, you will be sent interanationally,’’ she uttered.   ‘‘Well, I have no doubts for that Tita Shai. Seffira is really good and she really suits on modelling,’’ Joseph said.   Kinilig naman ako dahil pinuri ako ng gwapong nilalang na ito. ‘‘Well, support lang ako sa ‘yo Honey. ‘Di ba sabi ko naman sa ‘yo na magugustuhan ka nitong tita Eren mo.’’   Tawanan naman kami at nagpatuloy muli sa pagkain. Matapos naming kumain ni Joseph nagpaalam muna kaming dalawa dahil naisipan niyang magpahangin kami sa likod nitong mansion. Naisipan naming sa sala na kami dumaan dahil mas malapit ito. Makikita mo sa aming sala na halos glass ang nakapalibot kaya kita mo ang ganda sa labas dahil puno ng flowers.   ‘‘Ganda talaga ng mansion ni Tita Shai,’’ simula sa usapan ni Joseph.   Nandito kami ngayon sa gitna nitong maze ng santan at nakaupo sa isang kahot na upuan at sa kaliwa nito ay may isang ilaw na ang design ay pang luma kung saan napakagandang tingnan.   ‘‘Oo nga eh… alam mo ba sa lahat ng lugar dito sa mansion, ito ang pinaka-paborito ko dahil sa kaniyang location which is mahangin.’’ Umupo naman ako at gano’n din siya na nakatingin ngayon sa mga bituin.   ‘‘Ganda ng panahon ngayon ano?’’ tanong niya sa akin.   Natawa naman ako dahil sa kaniyang naging tanong. ‘‘Ang random naman ng tanong mo,’’ I said. ‘‘Yeah, I used to be here sometimes when I’m stress. The moment I sat down here, I will just going to look up the sky and all of my frustrations are slowly losing,’’ I narrated.   Tumingin naman siya sa akin kaya napatingin din ako sa kaniya. ‘‘What if, yayain kitang mag-date, I mean friendly date, papayag ka ba?’’ he said, seriously.   ‘‘Of course at bakit naman hindi ‘di ba? ‘Wag lang bukas maghapon, alam mo na busy ako no’n’’ sabi ko naman.   ‘‘Then, sa gabi kaya? Like, dinner I’m going to fetch you after your practice.’’   ‘‘O-okay, I’m fine with it. Pa’no ba ‘yan pasok na tayo at malalim na rin ang gabi?’’ turan ko at saka tumayo.   Ngumiti lang siya sa akin at agad din namang tumayo. Hindi naman kami nalito kung saan ang daanan palabas nitong maze dahil may mga signs na nakalagay. Pagkarating namin sa sala nakita naman namin si Tita at Mommy na mukhang nagpapaalam na rin sa isa’t-isa.   ‘‘Pa’no ba ‘yan, bukas na lang? Wala nang bawian huh?’’   ‘‘Oo naman, ‘di naman ako paasa baliw,’’ sagot ko sa kaniya. Lumapit naman ako kay tita Eren upang makapagpaalam. ‘‘Ingat po kayo, Tita at balik po kayo sa susunod,’’ sabi ko sabay beso sa kaniya.   ‘‘Oo naman, Iha! Pa’no ba ‘yan Shaira, una na kami nitong si Joseph.’’   Tumango naman kami ni Mommy at nagsimula naman silang maglakad palabas. Makalipas ang ilang minuto tumunog naman ang aking cellphone hudyat na may tumatawag. Nakita ko naman sa caller ang pangalan ni Lando.   Naglakad naman ako palayo kay Mommy bago sagutin ang tawag. ‘‘Yes, Lando kumusta buo na ba ang grupo?’’ tanong ko kaagad sa kaniya.   ‘‘Yes, Ma’am okay na po. Nandito na po sila lahat,’’ sagot nito sa akin.   ‘‘Okay, just wait for me magpapaalam lang ako rito.’’ Ibinaba ko naman kaagad ang tawag at agad na nagtungo kay Mommy na ngayo’y nasa sala pa rin.   ‘‘Mom, lalabas lang po ako saglit may emergency lang po akong pupuntahan sa Tita ko,’’ pagsisinungaling ko.   ‘‘Sure, Honey! Gusto mo bang magpahatid kay kuya Bert mo?’’ turan nito.   ‘‘No, Mom ‘wag na nakakahiya naman mukhang nagpapahinga na po sila. Magta-taxi na lang po ako don’t worry.’’ Humalik naman ako sa pisngi ni Mommy at agad na naglakad palabas ng mansion.   Mga ilang minuto rin ang nilakad ko bago tuluyang makalabas ng mansion. Agad naman dumating ang grab taxi na kinontak ko kaya nakarating din ako kaagad sa nasabing lokasyon ng aming hideout.   ‘‘Manong, pahintay na lang po ako. Babayaran na lang po kita ng doble,’’ sabi ko sa grab driver.   Tumango naman ito kaya agad akong umalis at pumasok sa nasabing bahay. Pagkarating ko nakita ko naman si Lando at ang ibang kasamahan nito.   ‘‘Guys, ito pala si Ma’am Seffira,’’ pakilala sa akin ni Lando sa kaniyang mga tauhan.   Kaniya-kaniya naman silang bati sa akin. ‘‘Magandang gabi sa inyong lahat. Ikinagagalak ko kayong makilala. Pumunta lang ako rito upang ipaalam na may misyon kayo ngayon ang hanapin ang aking magulang, ito siya.’’ Inilapag ko naman ang mga litrato ni Mama at kaniya-kaniya naman silang kuha.   ‘‘Gusto ko siyang mahanap, buhay o patay man ang gusto ko lang masagot na lahat ng katanungan sa utak ko.’’   Umupo naman ako sa magandang sofa rito at mukhang nakalaan talaga ito para sa akin.   ‘‘At saka ‘di lang ‘yan ang gagawin natin mga Brad, dahil may mga plano itong maliit si Ma’am na gagawin natin naiintindihan niyo?’’   Kaniya-kaniya naman silang sagot sa sinabi ni Lando. Tumayo naman ako upang makapagpaalam na sa kanila dahil baka magtaka na si Mommy sa akin dahil sa tagal kong umuwi.   ‘‘Lando, ikaw na bahala huh? Hindi na ako magtatagal pa rito at baka magtaka na si Mommy sa akin, bye Boys!’’   Inihatid naman ako ni Lando palabas hanggang sa tuluyan akong makaalis. Napangiti naman ako nang mala-demonyo dahil sa aking mga plano.   Someone’s POV   ‘‘Madam, may pinuntahan po siyang isang bahay,’’ turan ng isa kong tauhan.   Mukhang kumikilos na siya. ‘‘Sige lang ipagpatuloy niyo lang ang pagsunod sa kaniya, okay?’’ sabi ko naman.   Matapos ang usapang iyon, agad ko namang ibinaba ang tawag at lumabas ng kwarto.   ‘‘Sure ka ba talaga sa gagawin mo?’’ tanong niya sa akin.   ‘‘Oo bakit? Wala kang pakialam kaya tumahimik ka riyan at sumang-ayon ka na lang sa mga plano ko!’’   ‘‘Tsk! Oo na!’’   Pagkatapos namin mag bottoms up agad ko namang ininom ang red wine. Napangiti na lang ako ng mala-demonyo dahil sa mga naiisip kong plano. Kung siya ay dahan-dahan nang kumikilos puwes gano’n din ako. Masyado pang maaga para malaman niya ang katotohanan. Someone’s POV   ‘‘Madam, mukhang kumikilos na siya dahil nakita kong pumunta siya sa isang bahay.’’ Pagbigay alam sa akin ng tauhan ko.   ‘‘Don’t worry ako bahala masyado pang maaga para malaman niya ang lahat. Sa ngayon ipagpatuloy niyo lang ang ginagawa niyo. Naiintindihan niyo ako?’’ turan ko.   ‘‘Yes, Madam masusunod!’’   Ibinaba ko naman agad ang tawag at inubos ang wine na hawak-hawak ko sabay alis sa aking opisina.   ‘‘Hindi pa oras para malaman mo ang katotohanan, Seffira!’’  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD