Chapter 8

3156 Words
Seffira’s POV   Pababa na ako ngayon dahil tapos na akong mag-ayos. Gaya nang sabi kahapon ni tatay Ekay sa akin, ngayon namin pupuntahan ang nasabing pinangyarihan noon. Ang lugar na kailanman hindi ko makakalimutan dahil doon mismo namatay ang dalawang taong pinakamamahal ko.   Nang makababa ako nagtungo naman ako sa opisina ni Mommy. Kita mo rin ang mga maids na busy sa paglilinis ng bahay at binabati nila ako at gano’n din ako sa kanila. Kumatok ako ng tatlong beses saka pumasok sa napaka-eleganteng opisina ni Mommy. Pagkapasok ko, nakita ko naman si Mommy na busy sa mga tambak na papeles.   ‘‘Hi, Mom?’’ Pagkuha ko sa atensiyon ni Mommy.   Tumigil naman ito sa kaniyang ginagawa at tumingin sa akin. ‘‘Yes, Honey? Pasa’n ka today? ‘Di ba mamaya pa ang meeting niyo nila Mamita?’’ takang tanong nito sa akin.   Lumapit naman ako sa kaniya saka humalik sa kaniyang pisngi. ‘‘Yes, Mom. Mayro’n lang akong mahalagang pupuntahan kasama ko po si tatay Ekay at kuya Bert, ‘wag po kayong mag-alala,’’ sagot ko naman.   ‘‘Kung gano’n mag-iingat kayo. Just call me later na lang kung nasa kompanya ka na ng tita Eren mo, okay?’’ she said.   ‘‘Yes, Mom. I gotta go… bye Mom!’’   Matapos ang konting usapan namin na iyon, agad akong nagmadaling lumabas ng mansion. Pagkarating sa garahe nakahanda na ang lahat kaya agad akong sumakay. Tahimik lang ang aming biyahe ni Kuya hanggang sa makarating kami sa bahay nila tatay Ekay. Pinagbuksan ko naman si Tatay ng pinto at agad naman siyang tumabi sa akin.   ‘‘Magandang umaga Tay, kumain na po ba kayo?’’ tanong ko sa kaniya.   ‘‘Oo, Iha kumain na ako. Handa ka na ba malaman ang lahat kahit ano man ang makuha mong impormasyon?’’   Natahimik naman ako saglit sa naging tanong na iyon ni tatay Ekay. ‘‘Actually, Tay kinakabahan ako ng konti. Pero kong ano man po ang makuha kong impormasyon, lubos ko po itong tatanggapin.,’’ sagot ko naman.   ‘‘Tama ka Iha, kahit ano man ang mangyari andito lang kami para sa ‘yo tandaan mo ‘yan,’’ turan niya sa akin kaya napangiti at tango na lang ako sa kaniya.   ‘‘Tay, tama nga ano liliko tayo?’’ Pagtanong ni kuya Bert sa direksiyon na aming pupuntahan.   ‘‘Oo, iliko mo riyan at saka diri-diritso na tayo,’’ sagot naman ni tatay Ekay.   Hindi ko naman kasi alam kong saan ang lugar na iyon at wala rin ako ni isang palatandaan dahil wala na ako sa wisyo no’ng gabing duguan ako at nakita ako ni Tatay. Matapos ang usapan na iyon wala na ni isa sa amin ang nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa mismong sunog na building. Sabi kasi ni Tatay may mga nakatira na rito ngayon at maaring makakuha kami ng impormasyon.   Habang nilalakad namin patungo sa may mga bahay at pilit kong tinatatagan ang aking sarili na hindi bumigay dahil sariwa pa rin sa akin ang mga pangyayari no’ng gabing iyon.   ‘‘Magandang umaga ho, maaring magtanong ho kami?’’ tanong ko sa isang tindera rito.   ‘‘Magandang umaga rin sa inyo. Ano ang iyong tanong,’’ nakangiti nitong turan sa akin.   ‘‘Nais ko lang pong itanong sa inyo kung may alam kayo tungkol diyan sa nasunog na building.’’ Tinuro ko ang building na pinagkulungan noon sa amin ni Kristine na ngayo’y puno na ng mga halaman.   ‘‘Mayro’n, Iha ngunit konti lang ang nalalaman ko. Balita ko riyan ay mag isang pamilyang sinunog pero ang sabi ng mga pulis noon bangkay ng isang lalaki lang ang kanilang nakita,’’ mahabang lintaya ng tindera.   Napanganga naman ako sa sinabi ng tindera at napatingin sa dalawa kong kasama. ‘‘T-tama po ba narinig ko, na isang bangkay lang ng lalaki ang nakita ng mga pulis?’’ tanong ko.   ‘‘Oo, Iha tama ka isang bangkay lang ang nakita,’’ sabi nito muli.   Hindi ko alam, parang anytime iiyak na ako dahil sa aking narinig. Umaasa akong buhay ang aking ina. ‘‘Maraming salamat po, ate mukhang sapat na po ang aking narinig,’’ pasalamat ko sa tindera. ‘‘Tara na po Tay at kuya Bert.’’   Nagsimula naman akong maglakad pabalik sa van at hinayaan ko na ang aking luha na pumatak. Maya-maya bigla na lang ako napahagulgol. Nakarating naman ako sa van kaya ibinuhos ko na ang sakit na aking nararamdaman sa pamamagitan ng aking pag-iyak.   ‘‘O-okay lang ‘yan Iha… puntahan natin ang mga pulis at humingi muli tayo ng panibagong impormasyon,’’ salaysay ni tatay Ekay habang hinahaplos ang aking likod.   ‘‘O-opo Tay salama po sa inyo. Sana buhay pa nga si Mama,’’ sabi ko sabay pahid ng aking mga luha.   ‘‘Huwag ka lang mawawalan ng pag-asa Iha. Hangga’t walang nakikitang bangkay ng magulang mo, ‘wag kang titigil sa paniniwala na siya ay buhay pa,’’ sabi naman sa akin ni kuya Bert.   ‘‘Tama ang iyong kuya Bert Iha. Hangga’t ‘di pa nakikita o kumpirmado mo na wala na ang Mama mo, ‘wag kang mawalan ng pag-asa na mahanap siya,’’ turan naman ni tatay Ekay.   ‘‘Opo, siguro mag-hire na lang po ako ng private investigator para hanapin si Mama at pagsamasamahin ang mga impormasyon. ‘Di ko muna ito ipapaalam kay Mommy Shaira dahil nakakahiya at sana maintindihan mo ako kuya Bert,’’ paliwanag ko sa kanila.   Nag-thumb up naman si kuya Bert hudyat na hindi niya sasabihin kay Mommy ang aking plano. Muli ko namang pinahid ang mga luha sa aking pisngi dahil haharap pa ako sa mga pulis. Makalipas ang ilang minuto nakarating na kami sa pinakamalapit na police station sa lugar na iyon. Actually, malayu-layo na siya sa lugar na iyon pero sigurado akong ito ang police station ang nag-imbestiga sa sunog noon maliban sa mga bombero.   ‘‘Magandang umaga ho Sir! May itatanong lang po ako sa isang krimen na nangyari no’ng taong 2017,’’ diritsong tanong ko sa Pulis.   ‘‘Magandang umaga rin sa ‘yo Ma’am. Ano po kaya ang specific na nangyari sa krimen na sinasabi niyo?’’  tanong ng Pulis sa akin.   Tumayo naman ito at may kinuha sa drawer nila na pagkakapal na mga papel.   ‘‘S-siguro po alam niyo po ang nasunog na building malapit ‘yon po iyon Sir. Isa po ako sa anak ng namatay do’n nais ko lang po itanong kong may impormasyon kayo sa magulang ko dahil balita ko po na si Papa lang po nakita niyo roon,’’ salaysay ko.   ‘‘Naalala ko nga iyan Iha. Tama ka, isang katawan lang ang nakita roon at ‘di namin alam kong buhay ba iyong magulang mo o tuluyang natupok ng apoy,’’ sagot naman ng Pulis.   ‘‘G-gano’n po ba? M-may alam po kaya kayo kong nailibing ba ang nasabing katawan ng Papa ko Sir?’’   Hindi naman ako sinagot ng Pulis bagkus may tinitingnan siya sa isang papel hanggang sa may mabasa siya.   ‘‘Mayro’n nag-claim sa kaniyang bangkay Iha. Mukhang mga Tita at Tito mo ata mga ito.’’ Inilahad naman ng Pulis sa aking ang dokumento at binasa ko ang mga pangalan na nakasulat.   Tama nga sila Tita at Tito nga ang tinutukoy ng Pulis. ‘‘S-sila nga po, salamat po sa impormasyon. Itatanong ko na lang po sa kanila kung sa’n nila inilibing si P-papa. U-una na po kami Sir.’’ Agad naman ako umalis sa harapan ng Pulis at lumabas na ng Police station.   Pagkasakay ko sa van agad akong nag-isip ng plano para sa paghahanap kay Mama at pupuntahan ko mamaya pagkatapos ng lessons ko sa modelling ang bahay nila Tita upang tanungin kong inilibing nila nang maayos si Papa.   ‘‘Sa’n na tayo, Iha?’’ tanong ni kuya Bert sa akin.   ‘‘Ihatid niyo po muna ako sa kompanya ni tita Eren saka niyo po ihatid pauwi si tatay Ekay Kuya,’’ sagot ko naman. ‘‘Tay salamat po sa pagsama ngayon sa akin, ngayon ay may dahilan na ako para pagsama-samahin ang mga impormasyon tungkol kay Mama.’’   ‘‘Masaya ako para sa ‘yo Iha, dahil mukhang may pag-asa ka pang mahanap ang magulang mo kung sakali,’’ turan niya.   ‘‘Tama ka po, Tay. ‘Di ako mawawalan ng pag-asa.’’   Basta ang alam ko lang ngayon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na may isang pamilya pang natitira sa akin. Habang nasa gitna ako nang malalim na pag-iisip bigla namang nagsalita ang imaginary sister ko.   ‘‘It’s good to hear na mukhang buhay pa si Mama,’’ sabi ni Jessa.   ‘‘Can you shut your mouth, Jessa?’’ sarkastikong sabi ko sa kaniya at nakalimutang may kasama pala ako rito sa van.   ‘‘I-iha sino kausap mo?’’ takang tanong ni tatay Ekay. ‘‘S-sino si Jessa?’’ Natuod naman ako sa mga tanong na iyon ni Tatay.   ‘‘A-ah may kausap po ako sa cellphone ko Tay, ‘di niyo lang po naririnig dahil naka earphones po ako.’’ Tinuro ko naman ang earphones sa aking tenga.   ‘‘A-ah, gano’n ba Iha? ‘Wag ka masyado magpa-stress masisira niyan ganda mo, sige ka,’’ salaysay ni Tatay.   ‘‘O-oo Tay…’’ natatawang turan ko at isinawalang bahala ko na lang ang aking kabang naaramdaman.   Hindi na naman ako muling nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa kompanya ni Tita Eren. Nagpaalam naman ako kaagad sa dalawang matanda at agad na pumasok sa loob. Nakita ko naman si Shantal na kumakaway sa akin, kaya napangiti ako at agad na lumapit sa kaniya.   ‘‘Hi, Sis… ano ready ka na ba sa unang araw mo sa modelling?’’ tanong niya sa akin.   Nagsimula naman kaming maglakad patungo sa elevator. ‘‘Yes Sis, naniniwala naman ako na ‘di niyo ako papabayaan ‘di ba?’’ I said.   Pagkabukas ng elevator, pumasok naman kami at pinindot ni Shantal ang 15th floor.   ‘‘Oo naman! Kami bahala sa ‘yo ni Mamita!’’ sagot nito sa amin.   Pagkarating namin sa 11th floor muling nagbukas ang elevator at nagulat ako kong sino ang pumasok. ‘‘T-tyron ano ginagawa mo rito?’’ takang tanong ko.   ‘‘H-hi Seffie, day-off ko kasi ngayon at nandito ako up-’’   ‘‘Magkakilala na pala kayo Sis! Si Tyron ay isa sa mga pamangkin ni Madam Eren at isa siyang modelo,’’ paliwanag sa akin ni Shantal.   Natulala naman ako sa isinawalat na katotohanan ni Shantal. ‘‘Kong gano’n b-bakit ka nagtatrabaho sa r-restaurant k-ko?’’ I asked him.   Bumukas naman ang elevator kaya sabay-sabay kaming lumabas.   ‘‘Actually, ako talaga nag-request no’n kay tita Shaira na ipasok ako para may libangan ako tuwing wala akong ginagawa,’’ nahihiyang sagot ni Tyron.            ‘‘O-okay, dahil sa narinig ko parang nahihiya na tuloy ako sa ‘yo,’’ sabi ko sa kaniya.   Pagkabukas ni Shantal sa isang pinto namangha naman ako sa loob dahil sa harap nito ay napakalaking salamin na kita mo talaga ang iyong repleksiyon.   ‘‘Nah! Don’t be dahil ako naman may gusto no’n, okay?’’ sagot niya sa akin. ‘‘And for your information, kaya ako nandito dahil ka-partner kita sa darating na modelling show sa Singapore.’’   ‘‘Tama si Tyron Seffie sa Singapore gaganapin ang modelling,’’ turan naman ni Mamita.   ‘‘B-bakit po ako at hindi si Sophie?’’ takang tanong ko.   Akmang magsasalita si Mamita ng biglang bumukas ang pinto. ‘‘I’m here na y’all!’’ bulalas ni Sophie. ‘‘Si Sophie ay sa individual modelling, tapos kayo naman ni Tyron ay sa couple,’’ paliwanag sa akin ni Mamita. ‘‘Kaya ngayon nandito tayo upang hasain kayo sa lakad niyo at naayon sa tema ng mga susuotin niyo dahil alam na namin ang mga susuotin niyo. Sa ngayon sa mga lakad niyo muna tayo magfo-focus, okay?’’   Tumango naman kaming lahat at inilagay ko naman ang aking gamit sa isang locker sa loob mismo nitong napakalaking studio na ito.   ‘‘This is your first time right?’’ Nagulat naman ako sa biglaang sulpot ni Tyron sa aking likuran.   ‘‘Y-yes, nakakagulat ka naman…’’ turan ko sabay ayos ng crop-top kong suot.   ‘‘Sorry, I didn’t meant to… Anyway nakita naman kita no’ng isang araw napaka-professional mo na ngang tingnan, eh,’’ turan niya at nagtaka naman ako dahil hindi ko siya nakita no’n. ‘‘Yeah, I was there that time, ‘di mo lang talaga ako nakita,’’ segunda niya.   Mind reader ata itong lalaking ito. ‘‘O-okay? This is actually one of my dreams at ngayon nagkatotoo na kaya pagbubutihin ko ang lahat,’’ paliwanag ko sa kaniya.   Akmang magsasalita sana siya nang bigla na lang kaming tawagin ni Mamita kaya agad naman kaming lumapit sa kaniya. Nagsimula na naman kaming mag stretching para raw hindi mabigla ang aming mga muscles kakalakad mamaya. Pagkatapos namin mag-stretching agad naman kaming nagsimula ni Tyron habang si Sophie ay nakaupo lang dahil maya-maya pa siya.   Seryoso naman akong nakikinig at ina-apply lahat nang sinasabi sa akin ni Mamita at gano’n din si Tyron. Habang pinapanood ko si Tyron hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya. Ikaw ba naman gwapo na ang galing pa sa ganito. Kaso bawal dahil may Sunshine na siya at baka ano pa magawa ko sa bruhang iyon pag-inaway ako dahil kay Tyron.   Matapos ang dalawampung minuto umupo naman kami ni Tyron at si Sophie naman ang sumabak sa training. Kahit sa pagrampa ni Sophie makikitaan mo pa rin talaga ito ng pagkamaldita at bagay naman sa kaniya. Halatang bihasang-bihasa na talaga si Sophie sa ganitong sitwasyon at confident talaga siya hindi tulad ko na may konting kaba pa rin.   Kapag napapatingin sa gawi ko si Sophie bigla na lang ako nitong iniirapan kaya ako naman tinatawanan na lang siya. Ano akala niya sa akin magpapadala sa mga ganiyan niya sa akin? Hindi niya pa lubos na kilala ang tunay na ako kaya huwag na huwag niya akong susubukan. Napatingin naman ako sa gawi ni Tyron dahil sa pagtawag niya sa akin.   ‘‘Ganiyan ‘yan talaga si Sophie, hayaan mo siya,’’ sabi nito sa akin nang nakangiti. ‘‘O-okay lang ano ka ba! Alam ko naman na ganiyan si Sophie dahil sinabi na iyan sa akin ni Shantal,’’ sagot ko naman.   Lumipat naman si Tyron sa pagkakaupo niya malapit sa akin. ‘‘Huwag mo na lang siyang intindihin. You should focus on yourself, okay?’’   ‘‘Yes, thank you for your concern,’’ sabi ko naman.   Akma siyang magsasalita nang bigla na lang may nagsalita sa likod ko. ‘‘At bakit mo nilalandi ang boyfriend ko huh?’’ sabi ni Sunshine.   ‘‘Sunshine? Ano iyang sinasabi mo? Nag-uusap lang naman kami nitong si Seffie Ah?’’ turan naman ni Tyron na ngayo’y nakatayo na.   Habang ako naman ay nakatingin lang kay Sunshine ng normal dahil alam ko naman sa aking sarili na wala akong ginagawang masama. Utak niya lang talaga may ubo kaya kong ano-ano ang kaniyang naiisip.   ‘‘Ba’t ka pala nandito ngayon?’’ tanong ni Tyron kay Sunshine.   ‘‘Wala gusto lang kitang makita ba’t ba? Ayaw mo bang makita ang mahal mo huh?’’ Hinalikan naman ni Sunshine bigla si Tyron kaya napaiwas na lang ako ng tingin.   ‘‘O-okay, tapos na tayo bukas na naman, okay? Magpahinga kayo ng maayos dahil bukas gano’n ulit ang gagawin nating cycle,’’ sigaw ni Mamita.   Agad ko namang kinuha ang aking gamit sabay lakad patungo sa puwesto nila Mamita at Shantal. ‘‘Mamita at Shantal una na po ako,’’ paalam ko sa kanila.   ‘‘Oh, siya ika’y mag-beauty rest sa inyo huh? Mag-iingat ka!’’   Matapos makapagpaalam sa kanila, agad naman akong lumabas ng studio at dumiritso ako sa comfort room nitong palapag na ito. Pagkapasok ko nagulat naman ako dahil nandito pala si Sophie.   ‘‘Bukod sa pagiging sipsip malandi ka rin pala ano?’’ tukso niya sa akin.   Hindi rin pala nagtatanda ang babaeng ito. ‘‘At sa tingin mo, nilalandi ko si Tyron? Alam niyo bagay na bagay kayo ni Sunshine dahil pareho kayong may ubo sa utak!’’ banat ko naman sa kaniya. Nakita ko naman ang pagka-inis sa kaniyang mukha. Sabi ko naman sa kaniya na huwag niya akong sisimulan dahil hindi ako nagpapatalo nang gano’n na lang. Akma naman niya akong sasampalin ngunit mabilis ang aking kamay kaya napigilan ko ito sabay sampal sa kaniya.   ‘‘Ouch!’’ she exclaimed.   ‘‘Hindi ba sabi ko sa ‘yo na ‘wag mo akong sisimulan dahil hindi ako tulad ng ibang kinakalaban mo na mahina!’’ bulalas ko sa kaniya. ‘‘Makaalis na nga, baka mahawaan pa ako ng ubo sa utak!’’ sabi ko sabay talikod at lakad palabas ng banyo.   Hindi pa ako nakakalayo narinig ko naman ang inis na sigaw nito kaya napatawa na lang ako. Agad naman akong sumakay ng elevator hanggang sa pasara na ang pinto nang mahagilap ko ang mga mata ni Tyron na nakatingin sa akin hanggang sa tuluyang sumara ang pinto.   Someone’s POV   ‘‘Hello, ano balita  niyo?’’ tanong ko sa aking tauhan.   ‘‘Madam, mukhang alam na niya na buhay ang kaniyang Ina. Pero ‘wag kayong mag-alala Madam dahil wala namang kasiguraduhan na buhay nga ang kaniyang Ina,’’ sagot ng isang tauhan ko.   ‘‘Sige, kung gano’n ipagpatuloy niyo lang ang pagsunod sa kaniya.’’ Ibinababa ko naman kaagad ang tawag at mabilis na naglakad palabas ng aking kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD