Seffira’s POV
‘‘Handa ka na ba talagang magpakilala sa matanda?’’ tanong ni Kuya Bert sa akin.
Nandito na kami ngayon sa isang kalye malapit sa bahay nila Tatay Ekay. Hindi ko alam kong itutuloy ko ba ang pagpapakilala o hindi at ibigay na lang itong mga grocery na pinamili namin kanina.
‘‘Yes, Kuya itutuloy ko na po. Wala naman pong mawawala sa akin kapag magpakilala ako sa kanila,’’ sagot ko. ‘‘Pakidala na lang po ako ng ibang pinamili natin Kuya Bert,’’ habol ko pa.
Tumango naman si Kuya at ako naman ay lumabas na ng van dala-dala ang ibang pinamili namin. Huminto muna ako sa tapat ng maliit na gate nila Tatay Ekay sabay hinga ng malalim. Habang nasa gano’ng estado ako, bigla namang bumukas ang pinto ng kanilang bahay at iniluwa nito si Tatay Ekay.
‘‘Magandang umaga, Iha… ano kailangan mo?’’ tanong niya sa akin.
‘‘T-tay ‘di niyo ba ako namumukhaan man lang?’’ I said. Naglakad naman ako papalapit sa matanda habang nagtatakang nakatingin pa rin ito sa akin. ‘‘T-tay kahit boses ko ‘di niyo mabosesan?’’
Inilapag ko naman ang mga pinamili namin dahil nakabalot naman ito sa plastic habang si Kuya Bert naman ay nasa likod ko. ‘‘May natatandaan ako sa ‘yo, Iha. ‘Yong babaeng tinulungan ko noon sa hospital,’’ turan niya sa akin.
Napangiti naman ako dahil sa kaniyang sinabi. ‘‘A-ako nga po ito si K-kyla Tay Ekay,’’ bulalas ko sa katotohanan. Natulala naman siya dahil sa aking sinabi. ‘‘Tay ako po talaga ito si Kyla mamaya ipapaliwanag ko po sa inyo,’’ I added.
‘‘Ekay sino ba ‘yang kausap mo riyan sa labas,’’ sambit ng isang tinig. Napatingin naman ako sa b****a ng pinto nila at iniluwa nito ang asawa ni tatay Ekay. ‘‘Ba’t ‘di mo sila papasukin at mukhang kanina pa ‘yan sila nakatayo riyan.’’
May pag-aalinlangan man sa mukha ni tatay Ekay, pinapasok niya pa rin kami. Umupo naman kami ni kuya Bert sa isang kawayang upuan nila.
‘‘I-iha, puwede mo ba ipaliwanag sa akin ang lahat? Ako’y may pag-aalinlangan pa rin kasi.’’ Pagsisimula sa usapan ni tatay Ekay.
Huminga muna ako nang malalim at saka nagsalita. ‘‘Ako po talaga si Kyla Tay Ekay at alam kong kayo po ang gumastos lahat no’ng bayarin sa hospital dahil nakita niyo akong duguan at sunog ang mukha. Hindi lang ‘yan dahil pinatuloy niyo rin po ako sa bahay niyo at pinakain hanggang sa isang araw nagkahiwalay na tayo,’’ mahabang salaysay ko.
‘‘I-Ikaw nga, Iha! P-pero pa’no nangyari at nagbago ang iyong mukha?’’ takang tanong nito sa akin.
‘‘No’ng araw po na inihatid niyo ako sa sinabi kong lugar ay do’n din po nagbago ang lahat. May isang napakabait na taong tumulong sa akin kung kaya ganito na po ako ngayon,’’ paliwanag ko. ‘‘Ako po ay nanatili ng dalawang taon sa Korea para lang po sa pag-aayos ng aking mukha kaya makikita niyo ay ibang-iba na ako,’’ habol ko pa.
‘‘Ikaw nga! Ngayo’y naliliwanagan na ako. Cora ‘di mo ba siya naalala?’’ tanong niya sa kaniyang asawa.
‘‘Syempre naalala ko sino ba ‘di makakaalala sa batang ‘yan. Kumusta ka pala Iha?’’ tanong niya sa akin.
‘‘Maayos naman po ako Nay, Cora. Wait, ito po pala mga pinamili kong grocery para sa inyo rito sa bahay.’’ Ibinigay ko naman ang mga dala-dala kong grocery kanina at gano’n din si kuya Bert.
‘‘Ang dami naman nito Iha, nakakahiya naman sa inyo. ‘Wag mong sabihin, ikaw din ‘yong nagbigay ng grocery no’ng nakaraang linggo ba ‘yon?’’ tanong ni nay Cora sa akin. ‘‘Tama ikaw nga! Naalala ko iyang driver na kasama mo,’’ she added.
‘‘Ako nga po nay Cora. Ngayon lang po ako nagkaroon ng lakas ng loob na magpakita talaga sa inyo,’’ paliwanag ko naman.
‘‘Nako, Iha okay lang. Masaya ako at ikaw ay maayos na. Mukhang mayaman ang kumupkop sa ‘yo tama ba ako?’’ tanong ni tatay Ekay.
‘‘Opo, Tay at sobrang bait niya talaga. Sinusuportahan niya po ako sa lahat ng bagay. Ngayon nga po ay may sarili na akong restaurant at next time po dalhin ko kayo ro’n,’’ turan ko naman.
‘‘Aba, mukhang maganda nga ‘yan Iha! Sandali kayo ba ay kumain na niyang driver na kasama mo?’’ It was tatay Ekay asking. ‘‘Kung ‘di pa ay sumabay na kayo sa amin nitong nanay Cora mo at saktong-sakto nagluto siya ng sinigang na baboy.’’
‘‘Ayan ‘di pa ho Tay, mukhang mapaparami ata kain ko ngayon dahil sa sinigang ni nanay Cora.’’
Tumayo naman kami lahat at dinala rin namin ang mga grocery namin sa maliit na kusina nila tatay Ekay. Nagsimula kaming kumain at buti naman nakikipag-usap na rin si kuya Bert sa kanila hindi tulad kanina na tanging ako lang ang nakikipag-usap sa dalawang matanda.
‘‘Matanong ko lang Iha… w-wala ka bang alam kong may naglibing o kumuha man lang sa bangkay ng mga magulang mo?’’ tanong ni nanay Cora.
Natuod naman ako sa aking pagkakaupo dahil sa tanong na iyon. Hindi ko kasi maiwasang hindi maging ganito lalo na’t magulang ko iyon. ‘‘H-hindi ko po alam, Tay. W-wala po kasi akong kakayahan noon. Saka po no’ng gumising ako isang araw nasa Korea na po kami no’n kaya wala na akong nagawang paraan para balikan ang pinangyarihan ng sunog,’’ paliwanag ko naman.
‘‘Kung gano’n bakit ‘di natin balikan iyong lugar at magtanong-tanong? Pati na rin puntahan natin ang malapit na police station do’n?’’ turan ni tatay Ekay. ‘‘Baka sakaling may makuha kang impormasyon.’’
Nabuhayan naman ako nang marinig ko ang mga katagang iyon ni tatay Ekay. ‘‘Tama po kayo Tay! Kailan po ba kayo puwede?’’ tanong ko.
‘‘Bukas Iha, ngayon ay may lakad kami nitong si Cora kaya ‘di kita masasamahan ngayon,’’ sagot niya sa aking tanong.
‘‘O-okay lang po Tay, bukas po ng alas-diyes ng umaga susunduin ko po kayo rito sa inyo,’’ I suggested.
‘‘Kung gano’n sige, hintayin na lang kita bukas dito sa bahay.’’
Akma akong magsasalita ng may tumawag sa akin. Agad ko namang kinuha ang aking cellphone at nakita kong si Mommy ang caller kaya agad ko itong sinagot. Tumayo naman ako at nagtungo sa sala.
‘‘Yes, Mom?’’ sagot ko sa tawag ni Mommy.
‘‘I have a good news for you Honey,’’ she replied. ‘‘Your tita Eren is going to pick you as one of their model at ang hahawak sa ‘yo ay sila Shantal.’’
‘‘Wait! Mom is this for real!?’’ I asked because I couldn’t believe on it. ‘‘It would be great and I won’t waste this opportunity Mom, I swear to God!’’
‘‘Yes, Honey… kaya magpahatid ka na kay kuya Bert mo sa company mismo ng tita Eren mo. I’ll be waiting for you, okay?’’ turan niya.
‘‘Yes, Mom bye.’’ Agad naman akong bumalik sa kusina matapos ang usapan namin ni Mommy. ‘‘Tay at Nay, ‘di na po ako makakapagtagal dito ngayon, may meeting kasi akong pupuntahan,’’ sabi ko sa kanila.
‘‘Ano ka ba Iha, ayos lang at saka may lakad din kami nitong si tatay Ekay mo. Pero bago kayo umalis niyang si Bert ay tapusin niyo muna iyang pagkain niyo,’’ sagot ni nanay Cora sa akin.
Tumango lang naman ako nagpatuloy sa pagkain. Makalipas ang ilang minuto natapos din akong kumain at sakto may thirty minutes pa akong oras para makapunta ng kompanya ni tita Eren. Agad naman kaming nagpaalam at nagpasalamat ni kuya Bert sa dalawang matanda dahil kanina pa ando’n si Mommy sa kompanya.
‘‘Para sa’n ba ‘yang pupuntahan mong meeting, Iha?’’ tanong ni Kuya habang binabagtas namin ang daan patungo sa nasabing kompanya.
‘‘Kinuha po ako bilang isang model po Kuya,’’ nakangiti kong sagot. ‘‘Matagal ko na rin pong pangarap na makapasok sa isang modelling industry kaya ‘di ko po papalampasin ang pagkakataong ito.’’
‘‘Masaya ako para sa ‘yo Iha at siguradong natutuwa rin mga magulang mo sa ‘yo sa mga nakakamit mo ngayon,’’ salaysay niya.
Tanging ngiti lang ang aking naging tugon kay Kuya at hindi na ako muling nagsalita pa. Hindi ko alam sa sinabing iyon ni Kuya, bigla akong nakaramdam ng awa sa aking sarili. Natanong ko bigla kong matutuwa ba mga magulang ko kapag nalaman nila ang pinakapakay ko kung bakit ko ito ginagawa. Basta ang alam ko lang ngayon ay kailangan ko silang ipaghigante. Kailangan kong humanap ng paraan at ebidensiya na mas lalong magpapatibay sa pagsampa ko ng kaso kay Kristine.
Makalipas ang dalawampung minutong paglalakbay nakarating na kami ni Kuya. Agad naman akong bumaba ng van at naglakad na papasok. Habang naglalakad ako, hindi ko tuloy maiwasang ma-confused sa aking sarili dahil sa tingin ng mga taong nakakakita at nadadaanan ko. Hindi ko alam kung napapangitan ba sila sa akin o nagagandahan. Nakahinga naman ako ng malalim nang makasakay ako ng elevator at walang kasama.
Tiningnan ko naman ang aking sarili at wala namang mali sa akin bagkus ang ganda ng suot ko ngayon. Isang putting puting long-sleeve, exposing my smooth chest at naka-high waist rip jeans with matching brown 3 inches heels. Ang ganda ko kaya sa suot ko kahit napaka-simply lang niya.
Nang marating ko ang palapag ng nasabing opisina ni tita Eren agad akong lumabas. Pagkarating ko may dalawang lalaki sa labas at agad na pinagbuksan ako ng pinto. Nakita ko naman ang mga nakangiti nilang mukha maliban kay Sophie na animo’y diring-diri sa akin. Manigas siya dahil babawiin ko sa kaniya ang titulo ng pagiging sikat. Ngumiti naman ako sa kaniya para mas lalo siyang mainsulto at tama nga ako nainsulto siya dahil inirapan niya ako.
‘‘Pasensiya na po medyo natagalan ng konti,’’ hingi ko ng paumanhin. Umupo naman ako sa tabi ni Mommy.
‘‘No, it’s okay Iha, you’re just in time,’’ turan ni Tita Eren. ‘‘Anyway, sigurado naman akong nasabi na ng Mommy mo kung bakit ka narito ngayon ‘di ba Iha?’’
Tumango lang ako kay tita Eren dahil nahihiya pa rin ako sa kaniya ng konti.
‘‘Dahil nagandahan ako sa performance mo kaya kita ipapasok sa modelling,’’ salaysay ni tita.
‘‘What? Ipapasok niyo siya Tita? She doesn’t even have a proper training for modelling unlike me duh!’’ sarkastikong turan ni Sophie.
Mukhang takot talaga maagawan ng truno ang babaeng ito. Nakita ko naman ang pagngiti ni Shantal mukhang ayaw niya rin talaga kay Sophie.
‘‘Tama ka Iha at wala kang magagawa dahil ako mismo ang nagdesisyon ng lahat, okay? At saka, Seffi looks professional than those other models we had right mamita Jesh?’’ Tumingin naman si tita Eren sa gawi no’ng katabi ni Shantal.
Mukhang siya ang magiging manager ko na sinasabi sa akin ni Mommy.
‘‘Yes Madam! She’s really good at it. Konting training na lang laban na laban na siya,’’ turan ni Mamita Jesh.
‘‘Agree ako riyan Mamita!’’ segunda ni Shantal na siyang dahilan para mapangiti ako.
‘‘By the way, Iha siya si Mamita Jesh mo ang magiging manager mo sa ‘yong journey,’’ pakilala ni tita Eren kay Mamita Jesh.
Tumayo naman ako at dahan-dahang inabot ang aking kamay kay Mamita Jesh. ‘‘Nice meeting you po Mamita Jesh. Ako po si Seffira but you can call me Seff or Seffi,’’ nakangiti kong pagpapakilala.
‘‘Tunay ngang ika’y maganda at napakahinhin din kong kumilos. Tawagin mo na lang akong Mamita, okay?’’ sabi niya sa akin.
‘‘Yes, M-mamita,’’ I replied.
Umupo naman kami muli sa aming kaniya-kaniyang upuan at saka muling nagsalita si tita Eren.
‘‘Starting tomorrow Iha, you will undergo a lot of trainings, okay?’’ salaysay ni Tita. ‘‘This is the start of your journey Iha and I know for sure you will bloom just like the other flowers, right Shaira?’’
‘‘Of course Eren! Alam ko naman na kaya ‘yan ng anak ko. ‘Di ba, Honey?’’ tanong ni Mommy sa akin.
‘‘Of course Mom! I know I can do it beside I am willing to take the challenge!’’ I replied.
‘‘That’s the Spirit!’’ bulalas ni tita Eren. ‘‘So, that’s all for today! ‘Yon lang naman so far ang gusto kong pag-usapan dahil si Mamita Jesh na ang bahala sa ‘yo Seffi. And by the way, give your digits to Mamita Jesh and Shantal para ma-contact ka nila anytime.’’
‘‘Ito, Iha paki-type na lang ng digits mo.’’ Inabot ni Mamita Jesh ang kaniyang cellphone at agad ko namang tinipa ang aking numero at gano’n din kay Shantal.
‘‘By the way Mamita Jesh, anong oras pala tayo tomorrow?’’ tanong ko. ‘‘Kasi sa umaga po may pupuntahan lang po akong importante,’’ segunda ko pa.
‘‘We will meet at 1pm tomorrow dito rin huh, okay?’’ I just nodded as sign of my answers.
Pagkatapos naming mag-ayos nagsilabasan naman kami ng opisina maliban kay Mommy at tita Eren dahil may kailangan pa raw silang pag-usapan. Dumiritso naman ako sa comfort room dahil naiihi na ako kanina pa. Pagkarating ko sa banyo saktong-sakto walang tao. Sabagay mukhang kakaiba kasi ang palapag na ito sobrang sophisticated.
Habang nasa loob ako ng cubicle narinig ko namang may pumasok at isinawalang-bahala ko na lang iyon. Nang matapos akong umihi agad naman akong lumabas at nagulat ako sa aking nakita. It’s Sophie staring at me angrily.
‘‘Ano kailangan mo?’’ mataray kong tanong sa kaniya.
‘‘Napaka bida-bida mo pala ano?’’ mataray ding turan niya sa akin. ‘‘Bukod sa pagiging bida-bida napakasipsip mo pa! Linta ka ba?’’
Natapos naman ako maghugas ng kamay at naglakad ako patungo sa hand dryer. Nang matuyo ang aking kamay tumingin naman ako kay Sophie ng mala-demonyo at saka ngumiti.
‘‘Ba’t parang threatened ka sa akin, Sophie?’’ tanong ko sa kaniya habang naglalakad nang dahan-dahan papalapit sa kaniya. ‘‘Takot ka bang malamangan kita at maagaw ko ang truno sa ‘yo huh?’’
‘‘Ang kapal din pala ng mukha mo ano!? At sa tingin mo makakaupo ka sa truno ko? Well, hindi dahil mas maganda ako sa ‘yo!’’ sarkastiko nitong sabi.
‘‘O-okay? Then so be it! Excuse me,’’ sabi ko sabay lampas sa kaniya upang lumabas na ng banyo.
Ngunit hindi pa ako nakakalayo bigla na lang nitong hablutin ang buhok ko kaya napadaing ako sa sakit.
‘‘Huwag kang bastos dahil kinakausap pa kita!’’ bulalas niya sabay sampal sa akin.
Napahawak naman ako sa parte ng pisngi na sinampal niya at saka ngumiti. Nang hindi siya kumikilos sinampal ko kaagad siya ng magkabilaan sabay hawak sa kaniyang mga braso at gamit ang tuhod ko sinuntok ko ang kaniyang tiyan kaya napaupo siya sa sahig nitong banyo.
‘‘It serves you right Sophie! Tandaan mo ‘di mo pa ako lubos na kilala kaya ‘di mo ako madadala sa mga pa ganiyan mo! Kung bruha ka mas bruha ako! Diyan ka na nga sinisira mo magandang araw ko!’’ Tumalikod naman ako at tuluyang lumabas ng banyo habang nakangiting mala-demonyo.
‘‘Wala nang makakaapi sa akin dahil hindi na ako si Kyla kung ‘di ako na si Seffira ang babaeng ‘di magpapatalo.’’
Turan ko sa loob ng elevator saka sumara ang pinto nito.
Someone’s POV
‘‘Yes, kumusta ‘yong pinadala kong regalo sa kaniya?’’ tanong ko sa aking tauhan.
‘‘Okay Madam umaayon ang lahat ayon sa mga plano mo. Pumunta nga siya sa bahay ni Kristine Eredeo at mukhang siya ang pinagbibintangan Madam,’’ sagot ng aking tauhan.
‘‘Good! Do the next plan now!’’ Agad kong ibinaba ang tawag sabay kuha ng kape at humigop.
Umupo naman ako sa mamahaling sofa ko rito sa mansion. ‘‘Humanda ka sa akin Shaira at lalong-lalo ka na Seffira dahil magsisimula pa lang ang tunay na laban!’’ turan ko sabay halakhak ng mala-demonyo.
-end-