Seffira’s POV
‘‘Mom, if you were there siguradong magagalit din kayo sa ginawa no’ng babaeng ‘yon,’’ bulalas ko nang makarating kami sa mansion. ‘‘I-I’m sorry Mom, I just defended myself sa babaeng ‘yon.’’
Umupo naman kami ni Mommy sa sala at tumingin naman ito sa akin habang nakangiti. Nakahinga naman ako nang malalim dahil akala ko galit siya sa akin dahil nga sa nangyari kanina.
‘‘I’m not mad at you, Honey. I know naman na ‘di ikaw ang nagsimula nang away at saka kilala ko ‘yong si Sophie. Spoiled brat ‘yon kaya alam kong siya ang unang nag-initiate ng away sa inyo,’’ salaysay ni Mommy.
‘‘Thank you so much Mom, and I love you,’’ I said.
‘‘I love you too, Honey. By the way, sabi sa akin ng tita Eren mo tatawagan ka na lang niya kapag may handler ka na sa pagmo-modelling mo .’’
Napaayos naman ako ng upo nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Mommy. ‘‘Mom! You’re not joking right? Is this for real? Papasok na ako sa mundo ng modelling?’’ I asked.
‘‘Of course not! Eren likes you a lot lalo na kanina no’ng rumampa ka!’’ Mom replied.
‘‘Mom, what do you think, makakaya ko kaya ang pagmomodelo?’’ Tumayo naman ako sabay halukipkip ng aking mga kamay. ‘‘No’n pangarap ko lang ‘yon tapos ngayon totoong-too na,’’ sabi ko sabay tingin sa malaking litrato ko nakasabit sa wall dito sa bahay.
Naramdaman ko naman ang mga kamay ni Mommy na yumakap sa akin ngayon. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.
‘‘Of course, Honey! Ikaw pa ba!? I know you can do it! Kaya grab the opportunity na. Isipin mo ‘yon ‘di ka lang isang business woman kun’di isa ka ring modelo ‘di ba?’’ turan niya sa akin.
Mula sa pagkakayakap niya sa akin, humarap naman ako sa kaniya.
‘‘Thank you Mom for always being there to support and help me with everything,’’ sabi ko sabay halik sa kaniyang pisngi.
‘‘I’m so happy na masaya ka, whatever may happen, you always got me. Always remember that, okay?’’ Tumango ako sa kaniya at muli siyang niyakap.
Habang nagyayakapan kami bigla na lang may dumating na maid. ‘‘Seniora Seffira, may nagpadala po sa inyo, ito po,’’ sabi ng maid at inabot niya sa akin ang isang may kalakihang kahon.
‘‘Pa’no ‘yan Mom… akyat na po muna ako sa taas upang makapagpalit na?’’
‘‘A-Ah yes Honey, gano’n din ako. Mauna ka nang umakyat sunod na lang ako may kakausapin lang ako,’’ Mom replied.
I nodded at her sabay lakad patungo sa taas dala-dala ang kahon na ibinigay sa akin ng maid. Hindi ko alam kong ano ang laman nito, medyo mabigat kasi. Sino naman kaya ang nagpadala nito sa akin.
‘‘Jessa, I know you’re in here lumabas ka!’’ sarkastiko kong sabi sa loob ng aking kuwarto. ‘‘Look my Dear, may nagpadala sa akin at ‘di ko alam kong anong laman.’’
‘‘Honey? S-sino kausap mo?’’ Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Mommy sa aking likuran.
‘‘Who’s Jessa? Ilang beses mo nang binabanggit ang pangalan na ‘yan,’’ tanong niya sa akin.
‘‘Mom, I’m just practicing again malay niyo bukod sa pagmomodelo ay may isang network ang gustong kumuha sa akin sa pag-aartista ‘di ba?’’ palusot ko.
Nakita ko naman ang pagngiti ni Mommy kaya napawi ang konting kaba na nararamdaman ko.
‘‘A-ano pala ginagawa niyo rito Mom?’’ I asked her.
‘‘Well, I’m just going to ask for your permission bago ibigay itong digit mo kay Joseph,’’ she replied.
‘‘A-ah… yeah sure Mom! I’m fine with it!’’ sagot ko naman.
‘‘O-okay gotta go, maliligo pa ako. Bye, Honey.’’ I kissed her before she lefts the room.
Napaupo naman ako sa upuan ko rito sa kuwarto dahil sa nangyari. ‘‘We’re almost get caught, Jessa,’’ I uttered while plastering my demonic smile. ‘‘Whatever!’’ Tumayo muli ako upang kumuha ng pamalit dahil nasasagwaan na ako sa aking suot.
Nang makarating ako sa walk in closet ko, agad ko namang kinuha ang isang spaghetti na sando and a wide short para presko dahil naiinitan ako ngayon. Matapos makapagpalit, agad naman akong bumalik sa table ko upang tuluyang buksan ang regalo.
‘‘A-ah!’’ sigaw ko nang makita ko ang laman ng box. ‘‘S-sino k-kaya ang walang-hiya ang nagpadala nito sa akin!’’ bulalas ko.
Sino ba naman kasi ang hindi magugulat, ikaw ba naman padalhan ng isang ahas na mukhang totoo. May nakita naman akong isang piraso ng papel at agad ko itong binuklat.
Kumusta ka na Kyla? Nagustuhan mo ba ang regalo ko?
‘Wag kang mag-alala dahil ‘di lang ‘yan ang makukuha mo!
Gusto ko lang naman ipaalam sa ‘yo na nagsisimula pa lang ang laro natin!
-Lady M-
I quickly crumpled the paper and throw it immediately on the trash. ‘‘Who the hel* are you!? And you think, magpapatalo ako sa isang tulad mo! Walang hiya ka! Arg!’’ sigaw ko sabay hampas ko sa aking unan dahil sa inis.
‘‘Who do you think it wa, Jessa? Do you think it’s Kristine?’’ tanong ko sa sarili ko.
‘‘I don’t know either bitc*. Problema mo na ‘yan duh!’’ Agad ko namang sinampal ang aking sarili dahil sa naging sagot ng aking kambal.
Napadaing naman ako ng kaunti dahil sa aking pagkakasampal. ‘‘Tanga ka talaga minsan Seffira ano? Nakalimutan mo bang iisa lang ang ating katawan?’’ sarkastikong sabi sa akin ni Jessa sabay tawa ng malakas.
Mula sa aking pagkatulala nagulat naman ako dahil may biglang kumatok sa pinto. Agad naman akong napatayo upang tingnan kong sino ito. ‘‘Yes, po? Ano kailangan niyo?’’ tanong ko sa maid.
‘‘Pinapatanong lang po ni Madam kong, okay lang daw po kayo dahil narinig niya po kayong sumigaw? At saka bakit po kayo nagsasalita mag-isa Seniora sa loob ng kuwarto niyo?’’ Natuod naman ako sa tanong ng maid sa akin.
‘‘U-una sabihin mo kay M-mommy na ayos lang ako. Pangalawa, wala kang pakialam may kausap ako sa telepono! Makakaalis ka na!’’ inis kong turan sa kaniya.
Mukhang nakumbinsi naman siya sa aking pagsisinungaling kaya agad kong isinara ang pinto ng aking kuwarto at muling humiga sa kama. Kailangan ko na talagang mag-ingat sa susunod. Buti na lang at iba-iba ang maid na umaakyat dito sa akin, kaya hindi nila mahahalatang may diperensiya ako sa utak. And, I won’t let them know about it.
‘‘Bukas na bukas, pupuntahan ko ang walang hiyang si Kristine na ‘yan. Alam kong siya ang nagpadala nito!’’
The following day, maaga akong nagising dahil kailangan kong pumunta ngayon sa restaurant upang i-check ang mga tauhan ko.
‘‘Honey, aren’t you going to eat your breakfast before going to your restaurant?’’ tanong ni Mommy sa akin nang makita niya ako.
Naglakad ako patungo sa kaniya sabay humalik sa kaniyang pisngi. ‘‘No, Mom sa restaurant na po ako kakain para matuwa ang mga staff ko,’’ sagot ko naman.
‘‘O-okay, Honey. Magpahatid ka na kay Kuya Bert mo, alam na no’n inaantay ka na sa labas.’’
Tumango lang naman ako at tuluyang lumabas ng mansion. Pagkadating ko sa garage nakita ko naman ang nakangiting si kuya Bert. ‘‘Magandang umaga kuya Bert!’’ bati ko sa kaniya.
‘‘Magandang umaga rin Iha, sa restaurant mo ba tayo?’’ tanong niya sa akin.
Tumango lang ako at pinagbuksan niya ako ng pinto. Nagpasalamat naman ako bago pumasok sa loob ng sasakyan. Tahimik lang ang aming naging biyahe hanggang sa marating namin ang restaurant ko. Kita mo naman mula rito sa loob ng van ang mga masisipag kong staff. Ang galing talaga ni Mommy sa mga ganito. Sabagay hindi na ako magtataka kong bakit siya mayaman.
‘‘Salamat Kuya Bert sa paghatid. Tara sama po kayo sa loob kain po tayo,’’ sabi ko.
‘‘Nako, Iha sa susunod na lang. Kumain na ako kanina,’’ sagot niya sa akin. ‘‘Hintayin na lang kita rito, okay?’’
‘‘Salamat po, Kuya Bert. Una na po ako.’’
Agad naman akong lumabas ng van. Sakto naman pagkalabas ko ng van ay nakita ko ang anak ni Kristine na si Sunshine. ‘‘Good morning Ms. Eredeo! Ang Mommy mo ba ay nasa bahay niyo?’’ tanong ko sa kaniya.
‘‘At bakit ko naman sasabihin sa ‘yo aber!?’’ mataray nitong sagot sa akin.
Napatawa naman ako ng mapait dahil sa kaniyang tinuran. ‘‘Baka nakakalimutan mo kong ano ang kaya kong gawin Ms. Eredeo? Kaya sagutin mo tanong ko!’’ May diin kong pagkakasabi sa bawat salita.
‘‘Fine! Don’t you dare to lay your fingers on Tyron! Do you get me!’’ banta nito sa akin. ‘‘Nasa bahay lang si Mom, okay? Bye bitc*’’ sabi niya sabay alis sa aking harapan.
I just rolled my eyes dahil sa babaeng iyon. Pumasok na naman ako sa restaurant at isa-isa naman akong binati ng mga staff. Tingnan mo nga naman si Tyron na mismo ang lumalapit sa akin, kaya hindi ko maipapangako kay Sunshine ang sinabi niya kanina sa akin.
‘‘Good morning ma’am este Seffi.’’ Pagbati ni Tyron sa akin.
‘‘Good morning din, pasabi na lang ako sa head chef na gawan ako ng breakfast at saka pakidala na rin sa office ko. Thank you!’’
Tumango naman siya kaya agad na rin akong umalis sa harapan niya at nagtungo sa aking opisina rito sa restaurant. Nang makapasok ako sa loob ng opisina ko pinagmasdan ko lang ito. Napaka-aesthetic ng office ko dahil sa mga designs nito. Kulay brown na pintura, while there are different paintings on the wall. Plants on the four corners of my office, and a matching chandelier on the center of the ceiling that gives a dim light inside.
‘‘Come in!?’’ I said nang may kumatok sa pinto.
Pagkabukas ng pinto iniluwa naman nito si Tyron na may dalang pagkain na pinasuyo ko sa kaniya.
‘‘Pakilagay na lang diyan sa table, salamat!’’ Pagturo ko sa maliit na table sa right side nitong office.
‘‘No worries, labas na muna ako marami kasi ang customer,’’ turan niya.
Tumango naman ako sa kaniya at tuluyan niya naman akong iniwan dito sa loob ng office ko. Makalipas ang dalawang minuto, tumayo naman ako nagsimulang kumain. While eating naisipan kong magpatugtog dahil sobrang tahimik naman kasi rito sa office.
‘‘Eating alone? So, sad naman Seffi.’’
It was Jessa teasing me at mukhang sinusumpong na naman ako ng aking sakit. Sabagay kapag mag-isa at tahimik talaga lumalabas itong si Jessa.
‘‘Puwede ba Jessa, manahimik ka na lang!? At saka may pupuntahan ako ngayon kaya ‘wag kang magulo!?’’ bulalas ko.
‘‘O-okay, fine! Diyan ka na nga!’’
I just rolled my eyes, and I continue eating hanggang sa matapos ako. Tinawagan ko naman si Kuya Bert upang ipaalam na aalis na ulit kami. After a couple of minutes tumayo na naman ako at lumabas ng office.
‘‘A-ah Joyce right?’’ Pagtawag ko sa isang staff nitong restaurant. Tumango naman siya sa akin hudyat na tama ang pangalang tinawag ko. ‘‘A-ano, may naiwan kasi akong pinagkainan sa loob ng office ko, pakisuyo na lang ako huh?’’ sabi ko.
‘‘A-ah of course Ma’am ako na po bahala,’’ sagot niya sa akin.
Ngumiti lang naman ako sa kaniya at tuluyang nagpaalam dahil kailangan ko pang puntahan si Kristine.
‘‘Sa’n tayo ngayon, Iha?’’ tanong ni kuya Bert nang makapasok ako sa van.
‘‘Hmm… sa bahay po tayo muli ni Kristine kuya Bert may itatanong lang po kasi ako,’’ sagot ko sa kaniya.
Nagsimula namang umandar ang van at tahimik lang akong nakatingin sa daan patungo sa bahay nila Kristine. ‘‘Kuya Bert, bukas po pala punta tayo ng grocery ipagbibili ko muli sila tatay Ekay ng mga kailangan.’’ Pagputol ko sa katahimikang namumutawi sa pagitan namin ni Kuya Bert.
‘‘Sige lang, Iha mga anong oras ba? At saka ‘yong Tita at Tito mo, ‘di mo ba sila kakamustahin?’’
Natuod naman ako sa tanong ni Kuya Bert dahil ngayon ko lang narinig ang mga salitang iyon. Hindi ko alam nakaramdam naman ako ng awa nang marinig ko iyon pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ang galit dahil naalala ko noon ang kanilang ginawa sa akin.
‘‘Hindi ko alam Kuya Bert mas nangingibabaw pa rin sa akin ngayon ang galit kaysa sa awa. Hindi pa po ako handang patawarin sila dahil sa nangyari sa akin noon,’’ paliwanag ko sa kaniya.
‘‘Naiintindihan kita, Iha. Lahat naman kailangan muna paglaanan ng panahon at saka naniniwala naman ako na darating ang isang araw, handa mo na silang patawarin. Naniniwala akong may natitira pang awa riyan sa puso mo.’’
Dahil sa sinabing iyon ni Kuya Bert, hindi ko na napigilan ang aking luha at hinayaan ko na lang itong pumatak sa aking mukha. Muli namang naging tahimik sa loob ng van at pinahid ko naman ang mga luha ko dahil malapit na kami sa bahay nila Kristine.
‘‘Hintayin niyo na lang po ako Kuya, saglit lang po ako sa loob,’’ sabi ko nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Kristine.
Matapos marinig ang sagot ni kuya Bert agad naman akong lumabas. Pinapasok ako kaagad ng guard dahil nakilala niya ako. Pagkarating ko sa loob agad akong dumiritso sa opisina ni Kristine. Kumatok ako ng tatlong beses bago ko marinig ang kaniyang boses sa loob.
Pagkabukas ko ng pinto, nanlaki naman ang kaniyang mata ngunit agad itong bumalik sa normal. ‘‘What brought you here, K-kyla?’’ she asked confused. ‘‘Kung nandito ka na naman para guluhin ako wala akong oras para riyan,’’ she added.
‘‘Buksan mo ‘to ngayon din.’’ Binigay ko sa kaniya ang kahon na binuksan ko kagabi.
‘‘Ahh!?’’ tili niya nang makita ang laman ng kahon. ‘‘Ano ba ‘tong pinaggagawa mo K-kyla?’’ May diin niyang pagkakasabi.
‘‘Could you please stop calling me Kyla!? I’m no longer Kyla, I am now Seffira!?’’ mataray kong sabi. ‘‘At saka ‘wag ka ngang magmaang-maangan, alam kong ikaw ang nagpadala niyan sa akin! Tama ba ako!?’’ sigaw ko.
‘‘What the fuc* are you talking about? W-wala akong alam diyan sa sinasabi mo! At saka I wasn’t here yesterday!’’ she answered angrily.
Mukhang nagsasabi naman siya ng totoo base sa expreksiyon ng kaniyang mukha. ‘‘Then let me see your penmanship, kailangan ko lang i-confirm na ‘di nga sa ‘yo galing ang regalong ito.’’ Kinuha ko naman ang pirasong papel at may ibinigay naman siyang isang notebook.
‘‘Sinabi ko naman sa ‘yo na ‘di sa akin galing ‘yan!’’ bulalas niya.
‘‘Can you please shut your mouth!’’ sabi ko sabay hugot ng baril ko ngunit gano’n din siya.
‘‘At sa tingin mo gano’n na lang ang lahat Seffira? ‘Di lang ikaw ang handa rito,’’ sarkastiko niyang turan. ‘‘Magkakamatayan talaga tayo rito sinasabi ko sa ‘yo!’’ she added.
‘‘Fine! Sa oras na malaman ko na sa ‘yo nga galing ang regalong ito alam mo na kung ano ang mangyayari sayo,’’ turan ko. ‘‘Bang! Bang! Bye Bitc*.’’
Agad naman akong tumalikod sa kaniya ngunit hindi pa ako nakakalabas ng kaniyang office nang muli itong magsalita.
‘‘Mukhang ‘di lang ako ang kalaban mo, mayro’n pang iba! Mukhang nakaka-excite ata ‘tong laro ngayon!’’ she said.
I turned my body while holding on the doorknob. I just smiled at her demonically but deep inside I’m confused on what she said. After that, I shut the door and I immediately went outside.
‘‘Let’s go home Kuya Bert,’’ I said and I closed my eyes.
-End-