Seffira’s POV
Kasalukuyan akong nasa sala ngayon at nakaupo lang habang nagkakape. Alas-sais pa lang ng umaga at ngayon ay araw ng linggo. Maayos naman ang naging takbo ng unang linggo ng pamamahala ko sa restaurant ko. Lahat naman ng staff ko ay mababait at gano’n din ako sa kanila.
‘‘Good morning, Mom,’’ bati ko kay Mommy na ngayo’y may dala-dala na ring kape. ‘‘Wala po ba kayong pupuntahan ngayon?’’ I asked.
‘‘Mayro’n Honey… by the way puwede ikaw mag-ayos sa akin mamaya? Alam ko naman na magaling ka sa pag make-up,’’ Mom said.
‘‘Sure Mom! What’s the color of your dress or the theme of that event?’’ Kinuha ko naman ang aking kape sabay higop dito at muling tumingin kay Mommy.
‘‘It’s red Honey, and by the way may isa ka pang aayusan. One of my friend na event organizer, malay mo magustuhan niya kung pa’no ka mag make-up at kuhanin ka ‘di ba?’’ paliwanag niya sa akin.
‘‘Mom, I know that I’m into make-up pero pa’no ang restaurant sino mamamahala no’n if gano’n nga mangyari sa akin?’’ Tumayo naman siya at umupo sa tabi ko sabay hawak ng aking dalawang kamay.
‘‘Honey, don’t worry about your restaurant dahil may manager ka naman. Ang gusto ko lang ay gawin mo ang passion mo. At saka sinabi rin sa akin ni Eren na puwede ka niyang kuning model dahil ang ganda mo raw,’’ she said.
Inisip ko naman ang mga posibleng mangyari kapag tinanggap ko ang gano’ng alok sa akin. Kung gano’n maaring sumikat ako at marami akong opportunity na makukuha. Kailangan ko rin mag-invest ng sarili kong pera para sa mga plano ko. Kailangan ko pang bumuo ng grupo para do’n kaya kong ano man ang opportunity na dumating ay lubos ko itong tatanggapin.
‘‘Kung gano’n Mom, handa akong tanggapin lahat ng opportunity na darating sa akin.’’ Tumayo naman ako sabay halukipkip at seryosong tumingin kay Mommy. ‘‘At alam mo Mom, kung ano ang pinakagusto ko sa lahat?’’ I asked her then I flip my hair.
‘‘What is it, Honey?’’
‘‘Walang iba kung ‘di ang pagmomodelo,’’ mahinahon kong turan. Napangiti naman si Mommy sa aking tinuran. Tumayo naman siya at dahan-dahang lumapit sa akin sabay yumakap.
‘‘If ‘yan gusto mo nandito lang ako lagi para suportahan ka.’’ Kumalas naman siya mula sa pagkakayakap sa akin sabay kuha ng tasa niya. ‘‘Anyway, I have to prepare na at ikaw din mag-ayos ka na. You should wear ‘yong mapapalingon sila sa ‘yo huh?’’
I just nodded and she left me hangin. Matapos kong inumin ang kape ko ay agad ko itong ipinasuyo sa maid namin. Agad naman akong nagtungo sa taas upang makapagsimula nang mag-ayos. Agad akong nagtungo sa banyo at nagsimulang maligo. Matapos ang thirty minutes na pagligo natapos din ako.
Agad akong umupo sa harap ng salamin at nagsimulang magpatuyo ng aking buhok. After that, agad naman akong nagsimulang mag-ayos ng mukha ko. Light make up lang dahil ‘yon naman ang maganda, hindi iyong sobrang bigat na sa mukha.
Hindi ko pala nasasabi sa inyo na I’m wearing a brown plated dress cascading my chest. Tama, bagay na bagay sa akin ang dress na ito. Makikita mo rin ang kakinisan ng aking harapan. Matapos kong mag-ayos agad naman akong bumaba at nakita ko naman si Mom na may kausap na isang babaeng kaedaran niya.
‘‘Honey, this is your Tita Jasmine Fuente,’’ pakilala sa akin ni Mommy sa babae. Nakipag-beso naman ako sa kaniya.
‘‘Hello, Tita ako po si Seffira nice meeting you po,’’ sabi ko naman.
‘‘Gano’n din ako Iha, balita ko ikaw daw mag-aayos sa akin?’’ tanong niya. ‘‘At mukhang tama nga ang iyong Mommy na magaling ka sa make up dahil sa nakikita ko sa ‘yo ngayon.’’
Napangiti naman ako sa sinabi niya at agad naman kaming umupo. ‘‘Yes, Tita ako nga po,’’ sagot ko naman sabay prepare ng aking mga gagamitin sa pag-aayos.
‘‘Shall we start, Tita?’’ tanong ko.
Tumango naman siya kaya agad akong nagsimulang mag-ayos sa kaniyang mukha. Sobrang nipis lang ang nilagay kong foundation sa mukha dahil makinis naman si Tita. At saka gano’n talaga ako dahil mas maganda kapag hindi gaanong makapal ang make up mo. Habang inaayusan ko si Tita, kung ano-ano naman napag-uusapan namin. After thirty minutes na pag-aayos natapos din ako.
‘‘Wow! This is very simple yet stunning make up of yous Iha.’’
‘‘Thank you po, dahil na-appreciate niyo po ang aking skill,’’ sagot ko naman.
Napatingin naman ako kay Mom at ngumiti siya sa akin at may paghangang makikita sa kaniyang mukha.
‘‘So, I bet the next one you’re going to attend with is your Mommy, right?’’ I just nodded at nagpalit naman sila ng puwesto ni Mommy.
‘‘Sabi ko naman sa ‘yo na magugustuhan ng Tita Jasmine mo ang pag-aayos mo,’’ sabi niya sa akin.
‘‘Of course, Shaira! Bukod sa maganda pa ‘yang anak mo, napakagaling pa sa make up!’’ Complement muli sa akin ni Tita.
Napangiti na lang ako at nagsimulang ayusan si Mom. Habang seryoso akong nag-aayos kay Mommy, bigla namang nagsalita itong si Tita Jasmine.
‘‘Iha, matanong ko lang. Do you have a boyfriend?’’ tanong nito sa akin. Nakita ko naman ang pagngiti ni Mommy sa tanong ni Tita Jasmine sa akin.
‘‘W-wala po, Tita… Wala pa po sa isip ko ngayon ang mag-boyfriend,’’ turan ko naman.
‘‘Why not! ‘Di ka naman ata pinagbabawalan niyang si Shaira, ‘di ba?’’
‘‘Of course not! Ayaw niya lang talaga mag-boyfriend ngayon, ewan ko ba sa batang ito,’’ sagot ni Mommy.
‘‘If that’s the case, I will introduce you to Kyron. He’s my son, Iha,’’ turan ni Tita.
Tumango na lang ako bilang tugon at muling ibinaling ang tingin ko sa mukha ni Mommy. Makalipas ang ilang minuto natapos ko na ring ayusan si Mommy. Agad naman kaming nagtungo sa private Van namin. Bale kasabay na namin ngayon si Tita Jasmine.
Nalaman ko rin kay Tita na iyong anak niyang si Joseph ay isa pa lang psychiatrist. I don’t know kung matutuwa ba ako na makikipagkilala ako sa isang psychiatrist o hindi. Natatakot kasi akong malaman na may sakit ako. Anyway, I can handle na situation naman. Alam ko naman na madaling paikutin ang mga tao ngayon at gano’n ang gagawin ko if ever na may makaalam sa nag-iisa kong sikreto.
Makalipas ang ilang minuto nakarating naman kami sa isang napakatayog na building. Pagkalabas na pagkalabas namin sa aming van ay makikita mo sa labas pa lang ng naturang building ay madaming media ang nakaabang at naka-red carpet pa. I never thought na ganito pala pupuntahan namin. Kaya pala pinagsusuot ako ni Mommy ng isang magandang damit.
‘‘Anak, ito ‘yong company ng tita Eren mo. This is Wicked Stitch Clothing Line,’’ sabi sa akin ni Mommy habang naglalakad kami papasok.
Ngumiti lang ako dahil kanina ko pa tinitingnan itong company. Sobrang napaka-modernize nito. Putting tiles na ‘di mo makikitaan ng dumi. Gold ceiling with matching round chandelier sa pinakagitna nitong entrance. Halos lahat ng taong pumapasok dito ay napaka-sophisticated tingnan lahat.
‘‘By the way, Iha… nandito pala ang Anak ko, ipapakilala kita mamaya sa kaniya,’’ sabi ni Tita Jasmine sa akin.
‘‘O-okay, no worries Tita…’’ sagot ko naman.
Sumakay naman kami ng elavator at kahit sa elevator na ito napaka-sophisticated. Purong salamin kaya makikita mo ang reflection mo. Kinuha ko naman ang dala kong lipstick at naglagay ng kaunti. Inayos ko rin ang buhok ko na ngayo’y bagsak na bagsak at makintab.
‘‘Pupuntahan muna natin ang Tita Eren mo sa kaniyang office, ipapakilala kita, Honey.’’
Pagbigay alam sa akin ni Mommy. Medyo kinakabahan ako dahil nararamdaman ko na hindi lang basta-basta ang tinutukoy ni Mommy. For the second time around, muli kong inayos ang aking sarili hanggang sa bumukas na ang elevator.
Lumiko kami sa kaliwa at pagkarating namin sa dulo ng pasilyo kumanan kami hanggang sa makita namin ang isang napakagandang pinto. Mukhang ito na ang opisina na sinasabi ni Mommy. Kumatok naman si Tita Jasmine at agad naman itong bumukas.
Nakita ko naman ang isang babaeng naka-cocktail dress na blue. Exposing her chest and also her smooth legs. Sobrang ganda niya sa kaniyang ayos. Para siyang isang Disney Princess.
‘‘Hello, Shaira and Jasmine… kanina ko pa kayo inaantay,’’ she said while staring at me.
‘‘Who’s this beautiful lady?’’
Napayuko naman ako dahil sa hiya. Hinawakan naman ako ni Mommy sa kaliwa kong braso kaya napaangat muli ako ng aking mukha.
‘‘A-ah Eren she’s my daughter Seffira… Seffira this is your Tita Eren.’’ Agad naman akong lumapit kay Tita Eren at sabay na bumeso rito.
‘‘Nice meeting you po, Tita Eren,’’ sabi ko.
‘‘Gano’n din ako Iha,’’ she replied.
Pinapasok niya naman kami sa kaniyang napakagandang opisina na over-looking ang lugar namin. You will see the people who’s busy at may kaniya-kaniyang distinasyon na pupuntahan.
‘‘Sino nag-ayos sa inyong dalawa? It’s simple yet elegant,’’ sabi ni Tita Jasmine nang makaupo kami.
‘‘Well, the one and only my daughter Seffira…’’ sagot ni Mommy.
‘‘Really! I never knew na magaling ka pala Iha sa pag make up.’’ Pagtukoy nito sa akin. ‘‘Keep it up baka sa susunod na event kunin kita para sa pag-aayos ng mga models.’’
‘‘Yeah, sure Tita! It’s a great opportunity and I won’t waste the chance…’’ I said while plasttering my beautiful smile.
Akmang magsasalita si Tita Eren ng bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Nakita ko naman ang isang babaeng naka-formal attire. Mukhang siya ang sekretarya nitong si Tita Eren.
‘‘Ma’am ‘di pa po dumadating si Sophie and according to her manager naliligo pa lang.’’
Napatayo naman si Tita Eren and she compose herself. Mukhang naalala niya na may kasama siya sa kaniyang opisina kaya pinipigilan niyang hindi magalit. Napaka-professional ni Tita Eren at hindi lang iyan, dahil mukhang mabait itong si Tita base sa awra na nakikita ko sa kaniya.
‘‘That woman!’’ sarkastikong turan ni Tita. ‘‘Bahala siya sa buhay niya! I will look for another person who will take part of her responsibility!’’
Napatingin naman ito sa akin kaya napayuko na lang ako dahil nahihiya ako. ‘‘Would you accept my request Seffira, if I’m going to choose you to take part of Sophie’s responsibility as a model?’’ tanong niya sa akin.
Napatingin naman ako kay Mommy at pati siya nagulat sa tanong ni Tita Eren sa akin. ‘‘If that’s the c-case Tita, Yes po pumapayag ako.’’ Nakangiti kong sagot.
‘‘Grea! Faye, please bring this beautiful lady sa fitting room at pakiayusan na lang konti, okay?’’
At sa pangalawang pagkakataon tumingin ako sa gawi ni Mommy at tanging tango lang ang naibigay niya, kaya tumango na lang din ako at sumama sa sekretarya ni Tita Eren. Isang palapag lang ata binabaan namin at agad kaming lumabas ng elevator. Sumunod lang naman ako kay Faye hanggang sa pumasok kami sa isang silid.
‘‘Miss Shantal, siya ‘yong aayusan niyo sabi ni Ma’am dahil ‘di na raw aabot si Sophie,’’ sabi ni Faye sa isang trans.
‘‘OMG! Come here Dear, excited na akong ayusan ka ng konti dahil maayos na naman ang make up mo bagay sa theme ng fashion show ngayon ni Madam,’’ salaysay niya sa akin.
Nagpasalamat naman ako kay Faye at umupo ako sa tinurong upuan ni Shantal. ‘‘Alam mo bang laging late ‘yong si Sophie, kaya laging gulat ko na ngayo’y nagbago ang isip ni Madam Eren at may ipinalit,’’ turan niya sa akin.
‘‘Hindi ko nga rin alam ba’t niya ako pinili at saka this is my first time na sumalang sa isang fashion show,’’ sagot ko naman.
‘‘No wonder Ate, ang ganda mo kaya at saka bagay na bagay sa ‘yo ang mag-model dahil napaka-fierce ng face niyo at siguradong papatok ‘yan sa mga company and even sa public,’’ salaysay niya. ‘‘Ayan! Tapos na, halika tutulungan kitang magbihis sa dress na susuotin mo.’’
Tumango lang ako kay Shantal at agad niya akong tinulungan mag-ayos ng gown na susuotin ko. Nang matapos kong maisuot ang dress sobrang nagandahan ako. Isa itong sky blue fantasy dress na may touch ng brown lining. It’s a v-ship gown exposing my chest at ang buka nitong harap ay hanggang ibabaw ng pusod ko. Habang sa magkabilaang shoulder ay may mahabang tela na pabagsak na animo’y isang kapa kaya makikita mo aking dalawang maputing kamay.
‘‘Gosh! I never knew na ganito kaganda ang dress kapag sinuot mo! Wait upo ka ulit lagyan kita ng brown na contact lenses and kukulutin ko ‘yang hair mo para magmukha ka talagang Goddess,’’ turan ni Shantal.
Agad naman akong umupo muli sa upuan at hinayaan siyang gawin ang lahat. Matapos ang lahat pinatukan niya naman ako ng bulaklak sa ulo na pinaghalong puti at blue na bulaklak. Nagulat naman ako nang tumingin ako sa salamin. Hinawakan naman ako ni Shantal sa magkabilang braso sabay ngiti sa akin sa harap ng salamin.
‘‘Ang ganda mo! Mukha ka talagang Greek Goddess! Galingan mo mamaya!’’ sabi nito sa akin. Humarap naman ako sa kaniya sabay ngiti at tango.
Nagulat naman kami ng biglang bumukas ang pinto nitong fitting room. Nakita ko ang mga gulay nilang reaction. Si Mommy, Tita Jasmine and Tita Eren all of them are shock. Awkward naman akong ngumiti sa kanila.
‘‘Hindi ako magsisisi na ikaw ang ipinalit ko Iha. Ang ganda mo!’’ Tita Eren complimented me. ‘‘I know naman na may idea ka sa pagrampa kaya alam kong kaya mo ‘yan mamaya, okay?’’
Tumango naman ako kay Tita at ngumiti bilang tugon sa kaniyang sinabi. ‘‘Show ‘em what you’ve got my daughter!’’ Pag-cheer up sa akin ni Mommy kaya napatawa na lang kami lahat.
‘‘Let’s go?’’ It’s Tita Eren.
Tumango naman kaming lahat at sabay-sabay kaming lumabas ng fitting room. Humiwalay naman ako sa kanila dahil sa harap sila mismo ng runway habang kami ay nasa back stage. May hawak-hawak akong isang putting rosas kailangan ko raw dalhin ito mamaya habang naglalakad ako sa runway.
After a couple of minutes dito sa back stage nagsimula nang rumampa ang mga kasamahan ko. Magaganda rin naman mga kasama ko at ako lang ang kakaiba ng gown sa kanila pati na ang kulay nito. Ako raw ang pinakahuling rarampa. Kaya habang wala pa, I’m trying to compose myself dahil kinakabahan ako.
‘‘Miss, ready ikaw na ang susunod,’’ sabi ng isang staff.
Tumango naman ako at agad na tumayo. Nang makita ko ang huling rumampa, agad akong pumuwesto sa entrance nitong runway. Nang tinawag ang aking pangalan, huminga muna ako ng malalim at tuluyang lumabas ng stage.
Nakita ko naman ang pagkamangha ng mga taong nanonood sa akin habang naglalakad ako patungo sa pinaka-dulo nitong runway. When I reached the mid of the runway I stop and I do some pose. Habang inililibot ko ang aking paningin, sa mismong harapan nitong runway nakita ko ang kaibigan kong si JC. Nanlaki ang aking mata pero agad kong ibinalik sa dati at muling naglakad.
Nang nasa dulo na ako ng runway, dahan-dahan naman akong lumuhod at ibinigay ang dala kong rose sa isang gwapong lalaki. Nagulat naman siya ngunit tinanggap niya naman ito. Ngumiti ako sa kaniya at muling tumayo. Tumalikod ako at muling nagtungo sa pinaka unang bahagi ng stage at do’n kami pumuwesto lahat ng mga kasali at ako ang nasa pinaka-gitna nilang lahat.
Matapos iyon, agad akong nagtungo sa fitting room. Buti na lang pagdating ko ay nandito na si Shantal. ‘‘Ang ganda mo Ateng! Galing mo rin rumampa huh!’’ sabi nito sa akin.
Akmang magsasalita ako ng bigla na lang bumukas ang pinto ng fitting room at iniluwa nito ang isang babae.
‘‘So… ikaw pala ang pinalit sa akin?’’ sabi nito habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. ‘‘Hindi na rin pangit, may maibubuga ka rin naman!’’ sarkastiko nitong turan.
Mukhang ito ang Sophie na tinutukoy nila. ‘‘Ako nga bakit, sino ka ba?’’ mataray kong tanong. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay nito kaya napangiti na lang ako. ‘‘Ako lang naman ang ipinalit sa ‘yo because of your irresponsibiliy!’’
‘‘What the fuc*!? ‘Di mo ako kilala?’’ tanong niya sa akin. ‘‘Itong mukhang ‘to, ‘di mo kilala? Nagpapatawa ka ba?’’
‘‘Hindi at bakit ko naman kikilalanin ang isang tulad mo?’’ mataray na tanong ko sa kaniya.
Ang ikinagulat ko ay bigla ako nitong sinampal. ‘‘Iyan ang nararapat sa’yo napakabastos mo! Tapos ano binigyan mo pa ng bulaklak si Joseph!’’ sigaw nito.
Hinimas-himas ko naman ang aking pisngi kong saan dumampi ang kaniyang kamay. Nang maka-recover ako, agad ko siyang sinampal.
‘‘Iyan ang nararapat sa isang tulad mong Bruha!’’ sigaw ko sabay tulak sa kaniya at lumabas ng fitting room.
-End-