Chapter 4

3081 Words
  Seffira’s POV              Nakarating naman kami nang maayos ni Jessa sa bahay. Matapos kong maiparada ang aking sasakyan sa aming garage ay agad naman akong nagtungo sa loob dahil kailangan daw naming mag-usap ni Mommy. I don’t have any idea yet sa magiging usapan namin dahil wala naman itong sinabi sa akin  these past few days. ‘‘Ate si Mommy kaya?’’ Pagtawag ko sa pansin sa yaya na naglilinis ngayon sa sala habang papalapit ako sa kaniya. Napahinto naman ito sa kaniyang paglilinis nang makita niya ako. ‘‘Magandang tanghali Señiora naliligo pa po si Madam,’’ sagot niya sa akin. Tanging tango lang ang aking naging sagot sa kaniya. ‘‘Pasabi na lang kay Mommy Ate na nasa kuwarto lang ako at saka Ate padala rin ako ng dalawang baso ng redwine sa aking kuwarto,’’ Pagbigay alam ko naman kay Ate. ‘‘Bakit po dalawa Señiora?’’ tanong nito sa akin. Napangiti naman ako bahagya dahil sa kaniyang naging tanong sa akin. ‘‘Basta Ate pakidala na lang sa taas, salamat po,’’ mahinahon kong sagot sa kaniya. Dahil ayoko naman magmukhang masama sa tingin nila kaya, I need to calm myself kahit gusto kong magalit. Tumango naman ito sa akin, kaya agad akong umalis sa harapan nito upang magtungo na sa aking kuwarto. ‘‘Alam mo nakakairita rin ‘yong ibang mga kasambahay dito.’’ Pagsabi ko sa kawalan habang dahan-dahang umuupo sa aking table rito sa aking kuwarto. ‘‘Bakit ‘di mo pinagalitan kanina? Puwede ka naman magalit sa kanila beside they’re intruding your personal life,’’ sagot ni Jessa sa akin. Napangisi naman ako nang mapait dito dahil sa kaniyang naging komento sa aking frustration ngayon. ‘‘Hindi ko puwedeng gawin ‘yon baka paalisin ako ni mommy dito at saka ‘yong mga plano ko baka hindi matuloy pag nagkataon na gano’n nga ang mangyari,’’ I said while changing my clothes. Sakto naman nang matapos akong magpalit ng damit ay siyang pagkatok ng yaya naming sa pinto. ‘‘Pakilagay na lang diyan sa table Ate salamat,’’ pagpasalamat ko habang ako’y nagsusuklay ng aking buhok. ‘‘Bait-baitan ka rin Ate ‘no?’’ komento ni Jessa nang makalabas si Ate sa aking silid. Tumawa lang naman ako rito dahil tama naman siya sa kaniyang sinabi. Hindi niyo ako masisisi kung bakit nagbago ang aking ugali at kung bakit ako naging ganito. ‘‘Alam mo uminom na lang tayo Jessa. Halika ka para sa ‘yo ‘tong isang baso ng wine.’’Pagsabi ko na lang sa kaniya habang iniikot-ikot ko ang baso ng wine. ‘‘Cheers,’’ turan ko sabay bunggo ng baso ko sa baso ni Jessa. ‘‘Honey?Sino kausap mo? Bakit dalawa ang baso ng wine mo at bakit sabi mo cheers?’’ takang tanong sa ‘kin ni Mommy na ngayo’y kakapasok lang sa aking kuwarto. Kinabahan naman ako dahil baka malaman na talaga ni mommy na may mali sa aking pagkatao ngayon. ‘‘Well, I’m just celebrating with my own Mom, you know, masaya ako ngayon,’’ kalmadong sagot ko para hindi niya mahalata na may ‘tinatago ako sa kaniya. ‘‘Ikaw huh, napapansin ko na talaga sa ‘yo na may ‘tinatago ka sa akin. ‘Wag gano’n Anak okay? You should tell me everything, don’t worry I won’t judge you,’’ sagot naman nito sa akin habang inaayos ang kaniyang bathrobe.  Napatawa naman ako sa mga sinabi nito sa akin as one of my way para mabawasan ang tension usapan namin ni mommy. ‘‘Of course Mommy, I will tell you everything but not now, okay Mom? Ano pala pag-uusapan natin Mom?’’ Pag-iba ko sa aming usapan dahil ayaw ko na ‘yon pa ang maging usapan baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at makagawa pa ako nang masama kay mommy. Umupo naman ito sa katabi kong upuan. Uminom naman ito ng wine na para kay Jessa sana, bago siya magsalita. ‘‘Well Anak Iha, gusto ko lang sabihin sa ‘yo na bukas ay bubuksan na ‘yong restaurant na ipinagawa ko sa ‘yo,’’ salaysay niya. Nagulat naman ako dahil sa kaniyang sinabi kung kaya nalang napatayo ako sa aking pagkakaupo. ‘‘Mom, this is too much! Sure po kayo na para sa akin po talaga iyon?’’ tanong ko naman habang dahan-dahang bumabalik sa pag-upo. ‘‘Of course Honey, para sa ‘yo talaga ‘yon at saka regalo ko na ‘yon sa iyo diba sa katapusan na ang birthday mo?’’ paliwanag nito sa akin habang nakangiti. Honestly speaking guys, kung hindi sinabi ngayon ni mommy na birthday ko na sa katapusan ‘di ko talaga siya maalala. ‘‘Gosh mommy if you did’nt tell me that right now, hindi ko talaga maalala na birthday ko na pala sa katapusan,’’ I honestly convey the truth. Napatawa naman si mommy sa aking ibinulala na katotohanan sa kaniya. Patayin ko kaya ‘to ngayon? Kidding! ‘‘Lucky for you Honey, by the way before I forgot tomorrow is the ribbon cutting of your new restaurant,’’ she informed me while combing her hair using her hands. I am surprised a little ‘cause I thought it will open on my birthday but I was wrong. ‘‘Don’t worry honey may damit ka nang susuotin bukas and I think nandito na ‘yon mamaya,’’ she said faintly and sighed then, I walk towards my mirror to see my reflection. ‘‘Mom, this is too much. Nahihiya na ako sa ‘yo,’’ turan ko. ‘‘Pero if that’s the case then, I will accept it wholeheartedly.’’ Tumayo naman ako sabay yakap kay Mommy at halik sa kaniyang pisngi. Agad naman akong humiwalay sa kaniya  sabay balik sa aking upuan. ‘‘Anyway, I need to go na Honey may gagawin pa ako. Basta, ready your self tomorrow, okay?’’ Tumango lang naman ako at saka umalis na siya sa aking harapan. Nakahinga naman ako ng maluwag nang tuluyang makalabas sa kuwarto si Mommy. I just rolled my eyes dahil muntikan na ‘yon kanina. ‘‘Salamat naman at wala na si Mommy, I can do whatever I want na,’’ sarkastiko kong turan. ‘‘Jessa what do you think, maganda kaya ang dress na binili ni Mommy para sa akin bukas?’’ tanong ko kay Jessa. ‘‘Of course! ‘Di naman bibili si Mommy ng hindi bagay sa ‘yo.’’ I just rolled my eyes at agad na nagtungo sa walk-in closet ko para magbihis na. Matapos kong magbihis agad akong sumampa sa aking napakalambot na kama. ‘‘Jessa, what do you think? Am I sexy?’’ I asked her. ‘‘Aren’t you going to answer me! I asked you, if I am sexy!?’’ I shouted. Bigla namang may kumatok sa pinto kaya napa-rolled eyes na lang ako. Ano na naman kaya kailangan ng mga ito sa akin. Kitang nagpapahinga na iyong tao. ‘‘Come in,’’ kalmadong sabi ko. Nakita ko naman ang isa sa mga yaya namin na may pagtataka sa kaniyang mukha. ‘‘Seniora? S-sino po si Jessa? May kausap po ba kayo?’’ takang tanong nito sa aki. ‘‘A-ah Seniora ito pala ipinapabigay ni Madam, ito raw po susuotin niyong sandal bukas.’’ Habol nito sa nauna niyang turan sa akin. ‘‘Wala akong kausap at puwede ba ‘wag mo na akong pakialaman. Makakaalis ka na,’’ sarkastiko kong sabi. Aligaga naman siyang lumabas kaya napangiti na lang ako ng mala-demonyo. Kailangan ko talagang mag-ingat na hindi nila malaman na may isang sikreto akong itinatago sa kanila. ‘‘You should be careful next time Seffira. Dahil sa katangahan mo, siguradong nagtataka na ‘yong maid na ‘yon sa ‘yo,’’ sabi ni Jessa sa akin. Tumayo naman ako upang tingnan ang heels na susuotin ko bukas. ‘‘Ba’t kasi ‘di ka kaagad sumagot kanina edi sana walang nangyari ngayon. At saka kamalayan ko bang may tao pala sa labas ng kuwarto ko.’’ Binuksan ko naman ang lalagyan ng heels and I was shock to see the color of the heels. ‘‘I love it, it’s gold and it’s shining,’’ turan ko sabay lagay muli nito sa lalagyan. ‘‘I’m going to prepare myself tomorrow at mukhang gold din ang gown na susuotin ko bukas. Good night Jessa,’’ I said sabay talukbong ng kumot.   The following day, maaga akong nagising dahil kailangan kong maglinis ng aking mga kuko para mamaya sa ribbon-cutting event ng bago kong restaurant. At ngayon ay alas-otso na ng umaga at mamayang alas-diyes ang mismong kaganapan. May isang oras pa ako sa pag-aayos.   ‘‘Good morning Mommy,’’ I greeted Mom na ngayo’y kumakain na. Umupo naman ako sa aking puwesto upang makapagsimula na ring kumain.   ‘‘Good morning, Honey. Kumusta tulog mo is it okay?’’ tanong niya sa akin. ‘‘Are you ready for the opening of your restaurant?’’   ‘‘First of all Mom, I had a good sleep. Secondly, I’m a little bit nervouse but, I can handle naman,’’ I replied.   ‘‘Good, so how’s the gown you like it?’’ she asked me again.   Matapos kong mailagay ang ulam sa aking pinggan, tumingin naman ako kay Mommy at ngumiti. ‘‘Of course Mom! Lahar ng bagay na ibinibigay niyo sa akin ay nagugustuhan ko lahat, lalo na sa mga damit. You really have a good taste Mom when it comes to clothing style. Hmm… thank you so much, and I love you for that!’’ Mahabang salaysay ko sa kaniya.   ‘‘Walang anuman Honey, your smile and your happiness are the only thing I want to see from you, okay?’’ I just nodded at her and we continue eating.   Matapos ang dalawampung pinutong pagkain natapos din kami. Agad naman akong nagpaalam kay Mommy dahil ako’y mag-aayos na rin para sa event. Nang makarating ako sa aking kuwarto agad ko namang inilabas ang gown na nakalagay pa rin sa box nito pati na rin ang heels na ibinigay sa akin kagabi.   Matapos kong mai-prepare lahat ng aking kailangan dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa aking salamin na puno ng mga bagay para sa mukha at katawan ko. Dahan-dahan kong hinaplos ang aking makinis na mukha sabay upo.   ‘‘Ngayon ‘di ka na tampulan ng tukso ‘di tulad noon. Hahangaan ka nila dahil sa ganda at kinis ng ‘yong mukha,’’ bulalas ko sa aking sarili.   May pumatak namang butil ng luha sa aking mga mata. Dahan-dahan ko itong pinunasan gamit ang aking daliri sabay ngiti ng mapait sa harap ng salamin.   ‘‘Hindi ka dapat umiiyak Seffira dahil wala ng lugar ang mga luha mong ‘yan!’’   At sa pangalawang pagkakataon ngumiti ako ng mapait sabay kuha ng suklay. Matapos kong suklayin ang aking buhok agad naman akong pumasok sa banyo upang magsimula ng maligo dahil alas-niyebe na ng umaga. Isang oras na lang ang aking natitirang oras para sa pag-prepare ng aking sarili.   I told my Mom na hindi ko na kailangan ng make up artist dahil alam ko namang mag-ayos. I turn on the shower and I let the water falls down on my body. I feel the coldness of the water but I just ignore it because it feels great. After taking a bath for almost thirty minutes, I hurriedly wear the gown.   This gown is backless kaya kita ang makinis kong likod. Sobrang ganda ng gown na ito. Bagay na bagay sa maputi kong kutis kaya na lang lalo akong pumuti. You guys maybe wondering why, I already wore the gown instead of fixing my face first or drying my wet hair. Ganito kasi iyan, nakalugay lang kasi ang buhok ko dahil straight naman ito dahil alam kong babagay ito sa aking gown. Hahayaan ko na lang itong matuyo habang nag-aayos ako sa aking mukha. Habang nag-aayos ako sa aking mukha bigla namang may kumatok sa pinto.   ‘‘Come in,’’ I said.   Iniluwa naman nito ang maid na nagbigay din sa akin ng heels kagabi.   ‘‘Ma’am hinihintay na po kayo ni Madam sa baba.’’ Pagbigay alam niya sa akin.   ‘‘Okay, just give me more minutes matatapos na ako. Pasabi na lang kay Mommy, thank you.’’ Sagot ko naman.   Tumango lang naman ito sa akin at agad na lumabas. Nagpatuloy naman muli ako sa paglalagay ng powder sa aking mukha dahil tapos ko nang ayusin ang kurba ng aking kilay. Konting lagay ng blush on and I’m done.   ‘‘What do you think about my look, Jessa?’’ kausap ko sa sarili ko sa harap ng salami habang pangiti-ngiti.   ‘‘It’s good, and you look georgeous and simple.’’ I just smiled demonically, and I hurriedly went down. Habang pababa ako sa semi-circle naming hagdan nakatingin naman sa akin si Mommy na namamangha sa aking ayos. I just smiled at her and I kiss her on her cheek.   ‘‘I never thought, that gown will suits on you. You’re georgeous!’’ Mom said.   ‘‘Thank you Mom, ikaw din po ang ganda niyo sa suot niyong gown,’’ sabi ko naman sa kaniya. ‘‘Let’s go?’’ tanong ko.   Tumango naman si Mommy kaya  lumabas na kami ng mansion at agad na sumakay sa private van namin patungo sa restaurant ko. Habang nasa biyahe kami naisipan kong itanong kay Mommy ang pangalan ng restaurant dahil hindi niya pa sinasabi sa akin.   ‘‘Mom? Ano pala name ng restaurant ko?’’ tanong ko kay Mommy. ‘‘You haven’t told me about it yet.’’ Habol ko pa sa nauna kong sinabi sa kaniya.   ‘‘It’s ‘Seffira’s Dine Dime’ Honey,’’ turan nito sa akin.   ‘‘Well, that’s awesome Mom and I think the foods there are affordable. Isn’t it?’’ sabi ko naman.   ‘‘Exactly! Anyone can be a customer there, Honey,’’ she replied while she’s browsing on her phone.   I just nodded and I turned my gaze outside the window. I never talk again until we reached the said restaurant. The restaurant is completely modernize. I fixed myself bago lumabas ng van at gano’n din si Mommy.   Nakikita ko na rin ang mga staff na naka-uniporme na. They’re wearing a white polo shirt while naka-slacks. They’re all smiling at me but one person caught my attention. It was the guy na nakabungguan ko no’ng isang araw. I smiled at him at mukhang magiging masaya ang pamamahala ko sa restaurant na ito.   ‘‘Good morning Seniora Seffira!’’ sabay-sabay nilang bati sa akin.   ‘‘Magandang umaga rin sa inyong lahat, nawa’y maging maayos ang ating pagsasama sa restaurant ko!’’ sagot ko naman sa kanila.   Makikita mo sa paligid na nag-aantay na ang mga customer na mabuksan ng tuluyan ang restaurant. Mukhang sabik na sabik sila matikman ang mga pagkain.   ‘‘Shall we start?’’ Mom asked.   I just nodded at her as sign of my answer to her question. Kasabay ng pagputol ko sa ribbon ay siyang pagpalakpakan ng mga tao sa paligid. Dahan-dahan naman akong naglakad patungo sa pinto ng restauran matapos naming makuhanan ng ilang litrato.   ‘‘Welcome to Seffira’s Dine Dime! Enjoy everyone!’’ sabi ko at tuluyang binuksan ang pinto.   Isa-isa namang pumasok ang mga customer at kaniya-kaniya silang puwesto. May iba na gusto sa taas may iba naman na gusto rito sa first floor.     ‘‘This will be your office Honey. Dito ka lagi araw-araw mananatili upang i-monitor ang ‘yong restaurant.   ‘‘Mom, thank you for everything,’’ I said sabay yakap kay Mommy. After naming magyakapan lumabas naman muli kami upang i-check ang mag staff.   I excuse myself from Mommy dahil gusto kong makausap si Tyron. Matapos niyang mai-serve ang order agad ko naman siyang sinalubong sa hallway papasok sa kusina ng restaurant.   ‘‘Hi? I never thought na isa ka pala sa mga staff nitong restaurant ko,’’ sabi ko sa kaniya.   ‘‘Gano’n din a-ako Ma’am,’’ nahihiyang turan niya sa akin.   ‘‘Please remove that ‘Ma’am’ call me by name. Just Seffira, okay?’’ I said.   Akma siyang magsasalita ng bigla na lang may sumingit sa usapan namin.   ‘‘At nilalandi mo pa talaga ang boyfrien ko huh?’’ Napalingon naman ako sa gawi kung sa’n nagmumula ang tinig.   Nagulat ako nang makita ko ang anak ni Kristine. Mukhang magiging masaya nga talaga ang pamamahala ko rito at mukhang umaayon sa akin ang panahon.   ‘‘Sunshine, mali ‘yang iniisip mo, okay?’’ sabi ni Tyron sa kaniya. ‘‘She’s just talking to me.’’   ‘‘Wala akong pakialam! At ikaw na babae ka, lumayo ka sa boyfriend ko! Wala akong pakialam kong restaurant mo ‘to!’’ Pagbabanta sa akin ni Sunshine.   Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya sabay bulong…   ‘‘Let’s see kong sa susunod na mga araw matatawag mo pa siyang boyfriend!’’ May diin kong pagkakasabi sabay alis at lakad patungo sa direksiyon ni Mommy.   ‘‘Let’s go Mom,’’ I said at tuluyang kaming lumabas ng restaurant.     -End- 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD