"Kumusta? Hindi ka ba nahirapan sa inaanak mo?" tanong ko kay Bestie. Napagod si Skeet kaya nakatulog agad ito pagkatapos ko siyang bihisan. "Hindi naman Best. Hindi ko nga 'yan masyadong nakakasama kasi nilibang ng mga co-teachers ko ng kung anu-anong pakulo." "Salamat Bestie ha?" "Ayan ka na naman sa walang katapusang pasasalamat na 'yan Bestie. Ay siya nga pala, may video ako dito ng tugtog ni Skeet kanina." Inabot sa akin ni Bestie ang cellphone nito. Namangha naman ako sa ginawa ng anak ko. Pa'no naman kaya niya natutunang tugtugin 'yon? Hindi ko maiwasang mapatakip sa sariling bibig at mapaluha. "Si Skeet ba talaga 'to, Bestie?" "Walang duda! Ano? Hindi ka makapinawala no? Pati nga raw ang tatlong may-ari ng university napanganga sa ginawa niya. Hindi lang akong masyadong nakap

