''Kamukhang-kamukha niya talaga si Stanley. Oh God! Wala manlang kaming kamuwang-muwang na may apo na pala kami,'' maluha luhang saad ni Mommy Tamara habang sinisipat ng tingin si Skeet. Hawak-hawak niya ito sa magkabilang pisngi. Nakatingin lang sa kanya si Skeet na parang naguguluhan. Napatungo ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Titig na titig din si Daddy Travis kay Skeet. Hindi ko na rin alam kung dapat ko pa ba silang tawaging daddy at mommy gayong wala na kami ng anak nila. Nagi-guilty ako at nahihiya sa kanila. Nagi-guilty ako na ipinagkait ko sa kanila ang mga panahong nakilala at nakasama sana nila ang kanilang apo. Pero higit sa ano pa man, nangingibabaw ang takot sa dibdib ko ngayon. Natatakot ako sa mga maaaring mangyayari pagkatapos nilang matuklasan ang

