Apat na jeep ang napalampas namin ni Kate. Naga-abang kasi kami nung jeep na makakaupo kami sa harapan. At nu'ng matiyempo nga ang isa ay nakasakay kami dito. Inabot ko agad ang apat na pisong pamasahe para sa aming dalawa. Walang masyadong pasahero ang jeep kung kaya patigil tigil ito sa mga kanto para makakuha ng maisasakay. Habang papalapit kami sa may Pritil ay halos napuno na rin ang jeep ni Manong kaya doon na bumilis ng takbo ang jeep. "Uy, si Jeric 'yun a?", namukhaan ni Kate sa kabilang ibayo pa lang nu'ng huminto sa stop light ang jeep. May mga kasama itong mga malilit na kabataan siguro mga nasa 8 hanggang 10 taon, at siya ang matanda at parang lider. Hindi naman niya kami napapansin na nakasakay sa unahan ng jeep, nasa tapat pa siya ng palengke; malayo pa kami. "Masama kutob

