Lumabas kami ng bahay ni Jennifer at naglakad-lakad sa maalon na parang. Burol burol na maliliit ang nilakad namin kaya para itong mga alon kung titingnan sa kalayuan at kalawakan nito. Napakalawak na parang at walang katao-tao hanggang sa nakarating kami sa silong ng isang puno na malago ang mga dahon. Dun kami umupo. "Tignan mo 'yung ulap o... Parang UFO." "Unidentified flying object?", tugon ko kay Jennifer. "Ano bang ibig sabihin ng unidentified flying object, Chris?" "'Yung ano... bagay siya na lumilipad pero hindi mawari kung ano. Hindi s'ya tao, hindi siya hayop... pero bagay s'ya na mahirap i-explain." "Sana may UFO na lang na kumidnap sa akin. Ha ha ha!!!", maiksi ang tawa sa dulo na pinipilit lang ni Jennifer. "Bakit parati mo na lang sinasabi... ke ma-reyp ka at patayin; o

