Madami pa ring tao sa Divisoria kahit dalawang linggo nang nagsimula ang klase. Umulan din ng hapong iyon. Umakap sa akin si Kate para ma-protektahan niya ang kanyang katawan sa mga rumaragasang tao. Gusto niyang bumili ng murang bag kaysa sa mga mamahaling may tatak. Hindi nila tinitipid si Kate sa mga gusto nito sadya lang kuripot din itong si Kate pagdating sa pera. Kung kaya n'yang makabili ng magandang gamit sa murang halaga mas pipiliin n'ya 'yun. Nang makapamili si Kate ng kanyang pakay na bag ay isinuot niya 'yun sa kanyang harapan bilang pananggalang pa rin. Inalok ko siyang bilhan ng jacket pero ayaw n'ya. Nagagalit s'ya. Ang gastos gastos ko raw. Kaya ayun sabi ko kain na lang kami. Sabi n'ya ayaw n'ya ng fast food, kaya inalok ko siya kung trip ba niya ang wanton soup, beef o

