"Pasensya na talaga, pre... Nag-dilim paningin ko wala akong nakikilala kanina gusto ko lang manghambalos.", pagka-daop ko sa kanang balikat ni Bernard, dahil wala talaga akong naaalaala sa nagawa ko. "Okay lang, 'tol! Grabe akala ko tahimik ka lang. Kaya mo rin palang makipagbakbakan! Matagal ka nang kinukursunada ni Cons, ta laging nagse-selos sa inyo ni Jennifer. Pati 'yung sumuntok sa iyo kanina, na fourth year." Si Magnolia nakahawak lang sa itaas na bahagi ng kanang braso ko at nananahimik. "Turo mo sa 'kin 'yun, pre kung sino 'yun... magpapakilala lang din ako.", pag-aangas ko na para bang may malaki na akong napatunayan. First time kong mapuri ng ganun kaya nagsilbi iyong pataba sa lumalaki ko nang ego. "Uy, ano ka ba... 'Di ka pa nga nagagamot kita mo may bukol ka pa o. Masyad

