Chapter 14
Limang araw lumipas, matapos magkaroon ng celebration sa foundation ni Sir Leander. Pinaalala sa akin niya ngayon, panahon ko naman raw bisitahin sina lola at aking mga kapatid. Nkalimutan ko na nga eh, Mabuti pa siya naalala pa niya yong agreement namin. Masasabi kong bukod sa mabait, sobrang talas pa rin ng kanyang memorya at hindi tulad kong malimutin. “Do we want to drive you home? Para namang siguradong safe kang makakarating sa bahay niyo?” Nag-alala niyang tanong habang inaayos ko naman kwelyo at necktie niya. Actually nahihiya na rin ako sa kanya kaya napagdesisyon kong huwag na lang din. Ayaw ko pang abalahin ang pagpasok sa trabaho. “Huwag na lang saka mali-late ka pa niyan pagpasok mo ng opisina. Huwag mo na ako alalahin.” Aking saad na pagtatanggi sa alok niya dahil nahihiya na talaga ako. “I don’t care if I will be late. Just wanted to make sure you are going home safe.” Pagpupumilit pa niya kaya nakipagtalo ulit ako. Napabuntong-hininga ako bago sumagot. “No. Lean, you don’t have too.” Nakikiusap kong saad. “Don’t worry I will be safe, ok? Saka ayaw ko namang istorbihin pa ang pagpasok mo eh. Hindi ako ganun ka-importanteng……” Hindi na niya ako pinatuloy ng sasabihin nang sumabat kaagad siya. “Do not say that, Miss Faith. You are special to me that’s why I am treating you like this. I don’t want you to be hurt or harmed by someone else. Hindi ako makakapayad na gawin nila sa’yo. I will regret when it happens.” Ano ba ‘yan nata-touch na ako sa mga sinasabi niya pero hindi pa rin ito tama. No, I have to insist na hayaan na lang niya ako umiwi mag-isa. “Lean…..” Pakiusap ko pa rin sa kanya. He looked away then he made a final decision. “Fine but I have to book a grab for you.” Mabilis niyang sabi kasabay na paghablot ng kanyang phone sa bag. “Hindi ako mapapalagay na hayaan kitang umalis na walang assurance ang security mo.” Ma-otoridad niya pang sambit kaya hindi na lang din ako umangal pagkatapos. Maya-maya nagpaalam na rin siya sa akin dahil papasok na raw siya at binilinan akong hintayin ko na lang ang pagdating ng grab at tawagan o i-text ko raw siya kapag nakasakay na. “I have to go now. Mag-iingat ka sa biyahe, Miss Faith and enjoy your vacation.” Biglaan niya akong hinalikan sa pisngi na ikinagulat ko. Para kasing girlfriend na niya ako sa lagay na ito eh, hays. Aaminin ko, sincere naman ang pinapakita niya sa akin. Hindi ko ikakaila ‘yon kaso nagi-gulity pa rin ako dahil sa wala akong nararamdaman for him pero he is keep doing everything just to show his genuine love to me. Muli nanaman akong napa-buntong hininga sa aking iniisip. Nang makaalis na sila, nadatnan ko sina Tito at Tita na kumakain pa lang ng almusal. Napansin nila kaagad ang presensya ko kaya agad nila akong tinawag, “Did you already eat you breakfast, my dear?" Tanong naman ni Mrs. Rojero at pinaupo nila ako kaagad. “Opo, eh.” Nahihiya ko pa ring tugon. “Ayos lang ‘yan, dear. Inom ka na lang muna ng juice.” Sabay alok ulit sa akin ng maiinom. “Bakit hindi kayo magkasabay ni Leander pumasok ng opsina?” Tanong naman ng kanyang ama habang patuloy lamang ito sa pagkain. “Uuwi po kasi ako sa amin.” Nakangiti kong sagot at napatangu-tango lamang sila. “Oh really? Bakit hindi ka nagpahatid sa anak namin, iha? Baka mapano ka niyan. Marami pa naman ngayon ang masasamang loob.” Muling saad ng ama ni Tito Mariano. “Pina-book naman niya po ako sa grab saka nahihiya na po ako sa anak niyo.” Napaamin pa rin ako na ikinagulat naman nila. “Why? Wala ka dapat ikahiya sa anak namin, dear. Mahal ka niyon eh, hindi niya hahayaan na mapahamak ang taong mahalaga sa buhay niya.” Sambit ni Tito Mariano na sinang-ayunan naman ni Tita Soledad. “Iba kung magmahal si Leander, napaka-di karaniwang. Hinding-hindi mo mahahanap sa ibang lalaki kaya simula noong namatay si Marinela sa aksidente, masyado niyang sinarili lahat ang kanyang pighati. Naaawa at di kami mapalagay ng asawa ko sa kanya at nalaman naming na nakilala ka niya, muli kaming nabuhayan ng loob dahil unti-unting bumalik ang sigla ng anak namin dahil sayo.” Nakangiti ring kwento ni Tita Soledad at hindi ko namalayan, naubos na rin yung juice sa baso na iniinom ko. “Kaya hinihiling naming sayo, iha na huwag mong pababayaan ang anak namin. Pasayahin mo siya at huwag mong hahayaan mabigo siya ulit sa pag-ibig.” Pagpapaalala naman sa akin ni Mr. Rojero. Napatangu-tango lamang din ang nagging tugon ko sa kanila. Kasi hindi ko sigurado napapanindigan ko ‘yon. Ayaw ko rin namang masaktan si Sir Leander dahil kaibigan ko siya. Ang lahat ng nagiging kaibigan ko, aking pinahahalagahan at iniingitan yung pinagsamahan namin. Tulad na lang sa amin ni Tristan, hinayaan ko na lang din siya sa ibang babae kahit nasasaktan ako ng sobra, basta huwag lang mawala ang pagkakaibigan namin. Hindi ko kakayanin ‘yon kaya isasantabi ko na lang ang feelings ko para sa kanya kaya heto nagpakalayo ako para hindi ko na rin siya makita. Sa ganitong paraan, may pagkakataon na makalimot ako sa kanya. Pagkatapos ng pag-uusap namin nila, Tito at Tita, umakyat ako ulit patungong kwarto para kunin na rin ang mga gamit dahil maya-maya, parating na rin yong grab na pina-book ni Sir Leander. Pagkalipas ng ilang mga minuto, dumating na rin yung sasakyan kaya hindi na nagdalawang isip na magpaalam kina Tito at Tita. “Mag-iingat ka iha, sa pag-uwi. Don’t forget to text or call us if you already reached your home, iha.” Pagpapaalala sa akin ng Papa ni Sir Leander. “Hindi ko po, makakalimutan ‘yon.” Nakangiting saad ko at bigla na lang nila ako niyakap nang mahigpit para na isang anak na rin turing nila sa akin. Nakaramdam ako bigla ng pagka-miss sa yakap ng mga magulang ko kaya medyo napaluha ako ng kaunti na agad ko namang pinunasan. “Sige my dear, pasok ka sa loob.” Sinunod ko naman kaagad sila at pumasok na rin sa loob ng sasakyan. Kumaway na muna ako sa kanila bago nang nilisan ang lugar. May kalayuan ang mansion nila Sir Leander sa bahay namin kaya medyo matagal ang biyahe. Nagsoundtrip lang ako ng mga kanta sa phone ko nang makarating na rin ako sa aking munting tahanan. Sobra ko ng na-miss ang lugar na ito, yung paligid na puno ng mga halaman at bulaklak na tinatanim ni lola at ang mga bata na naglalaro sa kalsada. Simple ko lamang binabaybay patungo sa bahay namin, nang mapansin kong tahimik ang buong paligid kaya madali kong binuksan ang gate na dati ng bukas at tumakbo papasok sa loob. Bumungad sa akin ang napakadilim at tahimik sa palibot nito, hindi na nagdalawang isip akong hanapin ang aking mga kapatid at si lola. Maya-maya pa bigla na lang sumindi ang ilaw at bumungad sa akin sila at ang nakasulat sa tarpaulin na sabay nilang sambitin sa akin. “WELCOME BACK, CAROLINE.” Napangiti naman ako sa biglaang surpresa nila at di ko tuloy maiwasan mapai-iling sa paligid. Niyakap ako nang mahigpit ni lola at ng aking mga kapatid. “Welcome back, Ate Carol, sobrang miss ka na namin” Nakangusong-saad nila at napaluha naman ako. “Maligayang pagbabalik, mahal kong apo.” Malambing na saad ni lola kaya mas lalo kong hinigpit ang yakap sa kanila. Pagkatapos, humiwalay ito na sa akin at bumungad naman ng yakap sa akin si Tristan na ikinatuwa ko naman pero madali lang din ‘yon mawala nang makita ko ang girlfriend niya. Inalis ko na rin kaagad ang yakap sa kaibigan ko pero niyakap niya pa rin ako at may binulong. “I missed you, Carol.” Kaya ang puso ko nagkakarera nanaman. Masyado akong naapektuhan sa sinabi niya kaya hinayaan ko na lang siya ang bumitaw sa pagkakayakap. Ngumiti lang ako ng pilit pagkatapos inilayo na ni Tristan ang sarii niya sa akin. “Ako lahat naghanda nito, Carol kaya kumain ka ng marami at magpakasaya.” Hinampas ko siya sa balikat at nagpasalamat na lang din sa kanya. Nagulat nga ako na siya lahat gumawa at nagplano nito, kaya mas lalo tuloy bumibilis at lumalakas ang t***k ng puso ko. “Hay nako Carol, halos hindi ‘yan natulog kakaasikaso ng mga ito.” Sigaw naman ni Tita Cynthia habang tinuturo nito ang mga bagay nakapalibot dito. Grabe nag-effort pa siya ng matindi para lamang sa pagbabalik ko at nagawa pa niya magpuyat? Ano naman nakain ng bestfriend kong ito at biglang naging sweet. Mga ilang segundo nakita ko na rin na nasa katabi na siya ng girllfriend at binati naman ako nito. “Mabuti pa simulan na natin ang selebrasyong ito at bago ‘yan, tayo’y manalangin muna.” Panimula ni Tristan kaya pinikit na rin namin ang aming mga mata at ngasimula na siyang mag-lead ng prayer. Tatlong minuto tinagal ng panalangin dahil marami pa siyang ipinagpasalamat kay Bathala. Sumunod, sinumulan na namin ang pagkain kaya inalok na ako ng iba ng sari-saring pagkain lalo na itong si Tristan na ikinangiwi ko naman. “Kumain ka ng marami ah. Alam ko pagod sa biyahe saka para tumaba ka na rin. Halata kasing namamayat ka na eh.” Pang-aasar pa niya kaya pinandilatan ko siya ng mata at nginusuan ko ang girlfriend niya para bumalik siya sa tabi nito at sumunod naman. “Pikon ka pa rin talaga, walang nabago.” Sabi ni Tristan na may ngisi sa kanyang mga labi. Loko talaga siya eh, ano? Sobrang lakas makapang-asar kaya inirapan ko na lang din siya at napalingon sa gilid saka umupo para kumain. Hindi nila ako pinakilos sa kung anuman ang gagawin at hinayaan nila akong nakaupo at pinagmasdan sila. Ayaw ko pa naman yung ganito nakatunganga at walang gagawin.Pagkalipas ng isang oras, napagdesisyon na ng bisita na umuwi pero nagtaka na lang ako na sina Tristan at Francesca ang naiwan rito.Nagtitinginan muna ang dalawa bago sila lumapit sa akin. Mukhang may sasabihin silang importante ngayon. Baka ipapaalam na nila sa akin na ikakasal na silang dalawa at ako yung kukunin nilang matron of honor. Bigla na lang ako nalungkot sa aking iniisip. Hindi ko pa rin talaga matanggap na ikakasal na silang dalawa. Wala na akong pag-asa kay Tristan. “Ahmmm, Carol.” Bungad ng childhood bestfriend ko sa akin habang pailing-iling pa siya sa girlfriend niya. Alam kong nahihiya siya sa akin na ipaalam ang tungkol sa kanilang pagpapakasal. Lumunok muna siya bago magsalita ulit. “Gusto ko lang sana ipaalam na dito muna si Cesca pansamantalang matutulog ngayong gabi.” Bigla na lang ako nakahinga nang maluwag na sabihin niya ‘yon. Magpapaalam lang pala siya pero bakit hindi na lang sa kanilang bahay mismo. “Alam mo naman, Carol na mahigpit ang parents ko pagdating sa ganitong bagay. Kung ako lang sana masusunod, hahayaan kong matulog girlfriend kaso sila pa rin masusunod.” Medyo naiinids niyang saad. Oo nga pala ganun sila tita at tito ka-conservative, ayaw nila ng ganoong set up. Bigla na lang tuloy pumasok sa aking isip ang aking pagtuloy at pagtulog sa bahay nila Sir Leander. Kapag nalaman kaya nila ang totoo, kakadirian o mawawalan na sila ng tiwala sa akin? Iniisip ko pa lang parang iba na yong nararamdaman ko. “Uy Carol.” Nagulat na lang ako nang bigla akong tawagin ni Francesca. “Pasensya na. Napagod lang talaga ako kaya lutang na rin ang isip.” Pagdadahilan ko na lang kahit nag-o-over analyze na ako sa magiging sitwasyon. “Siguro nga, Carol kaya mabuti pa magpahinga na kayo ni Cesca sa kwarto mo.” Iyon nga pinatulog ni Tristan ng kanyang girlfriend dito sa kwarto ko. First time ko ulit na may makakasama akong matulog sa sariling silid. Maya-maya nagpaalam na rin sa amin si Tristan at umalis na rin. Napagdesisyon na si Francesca muna raw mauuna maghihilamos at maglilinis ng sarili at ako naman yung sunod. Pagkarating ko pa lang sa kwarto, busy siya magbasa ng isang magazine na nakalapag lang sa aking front desk kaya di niya namalayan na nakapasok na pala ako. Sobra siyang tutok sa kanyang binabasa kaso medyo napapaisip lang ako kung paano magnanakaw na yong nakapasok di pa siya aware. Saka niya lang napansin nang kinausap ko siya. “Nariyan ka na pala…” sabi niya saka tiniklop ulit ang magazine para humarap siya sa akin. Nginitian ko lang siya bilang tugon. “Alam mo dahil sa kwento ni Tristan sa akin parang nakikilala na rin kita. Nakaka-touch lang kasi naging mabuti kayong magkaibigan at tumagal ng ganito. Hindi ko akalain na ganito siya ka-proud sayo, hehe.” Pagsisimula niya ng kwento. “Kung gaano man siya proud sayo, ganoon din siya sa aking bilang girlfriend niya. I am happy because I meet someone like him.” “Hindi ko rin akalain na ikukwento niya ‘yan sayo lalo pa wala naman siyang ginawa sakin kundi kontrahin ako.” Napangisi naman siya. “Hindi mo nga talaga inexpect na ganun siya, may tinatagong good side kaya isa ‘yan sa dahilan kung bakit minahal ko siya.” Nakangiting saad nito habang di ko naman mapigilan ang masaktan sa kanyang sinasabi. Pinilit ko lang na maging kalmado pa rin dahil ayaw kong mapansin niya ‘yon at magkaroon pa ng isyu at magkaroon na siya ng hinala dahilan masira din ang relasyon nilang dalawa na ayaw kong mangyari. “Oo nga eh di ko inaasahan na positive comment yung maririnig ko buhat sa kanya…” “May pagkaloko-loko talaga ang isang ‘yon eh kaya noong unang pagkikita pa lang namin naiinis ako sa kanya pero kalaunan nakita ko yung good side niya kaya naman napatibok ito.” Sabay turo niya sa kanyang puso at napangiti lang ako ng pilit. “Siya ‘yung unang nagpapansin sa akin hanggang sa naging friends na kami at nagkadevelopan ng feelings.” Mas dumiin yong sakit dahil sa huling sinabi niya kaya naman nagawa kong mag-iba ng posisyon para i-relax ulit ang saril at kunwari hindi ako affected. Tanggap ko naman na hindi ako yung klaseng babae na magugustuhan niya pero masakit pa rin malaman yung ganito kung paano siya nagkagusto sa isang babae. Masasabi ko ngang tulad ni Francesca ang tipo niya sa ibang babae na wala sa akin. Siya kasi maganda, may katamtamang height, sexy, bubbly rin na hindi nauubusan ng sasabihin at higit sa lahat hindi siya sensitive kaya niyang sakyan ang mga jokes ni Tristan. Mabuti na lang nakaramdam na rin ako ng antok at niyaya ko na siyang matulog, sumang-ayon naman siya. Kinabukasan, nagkaroon ng movie marathon sa bahay. Pasimuno ni Tristan. Hindi na rin ako tumanggi since maganda naman ang plano, manonood lang kami maghapon pero may oras na ako na mismo mag-insist na mghugas ng mga pinaggamitan namin kahit tumanggi si lola. Nahiya naman kasi ako sa kanya eh. Sila naman hinayaan ko lang silang dalawa at napagmasdan kong ang saya nga nila sa isa’t isa. Alas-tres na ng hapon. “Heto kain muna kayo, diyan.” Sabay hain sa kanila ng snacks. “Thank you, Carol. Simula ngayon magkakaroon na ako ng isang kaibigan na tulad mo.” Masayang saad ni Francesca sa akin habang nilalapag ang mga pagkain na inihanda ko. Isang ngiti lang ginawad ko sa kanya saka ako sumabay sa kanila sa pagmeryenda. Habang kumakain, nililibang ko lamang ang sarili na tumutok lamang sa aming pinapanood lalo pa na hindi ko kayang titigan sila ng ganito. Pilit kong maging natural lang aking mga galaw na hindi nila napapansin. Pagsapit ng ala-singko napagdesisyon na rin ng girlfriend ni Tristan na umuwi na sa kanila dahil may trabaho pa raw ito kinabukasan. Nakahinga ako nang maluwag nang uuwi na si Francesca sa kanila. Mabait naman siya kaya mdali ko siyang nakasundo subalit hindi ko kayang pakinggan ang mga kwento niya tungkol sa kanila ni TJ at kapag nakikita ko silang masaya. Kumikirot talaga ang puso kapag may ganung eksena. “Eh paano na ‘yan Carol mauna na kami at sana magkita pa tayo ulit para makabonding ka. Ang sarap mo kasing kasama eh.” sabi niya sa akin saka nagpaalam na rin si Tristan sa akin. Kakatapos ko lang din tulungan si lola sa paghanda ng aming makakain kaya narito na ako ngayon sa kwarto para magpalipas ng oras. Pagbukas ko pa lamang ng cellphone bumungad sa aking isang katutak na texts mula kay tita at tito na hindi ko na ring nareplayan kagabi, kay Sir Leander na may limang texts na kinakamusta ako at isang texts naman din galing kay Tristan. Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ito at dahilan ng late ng pagtulog ko. Narito kami ngayon sa taas ng bundok at pansamantalang nagpahinga dahil kanina pa kami naglalakad. Grabe, lumagatak ang pawis ko rito na dahilan ng pagkauhaw ko kaya inabutan naman ako ni TJ ng isang mineral bottle. “Nag-enjoy ka ba?” sabi niya habang nagpupunas na rin ng kanyang pawis. “Oo naman. Na-miss ko rin kaya itong ginagawa nating adventure at ngayon nanaman natin ulit ginawa.” Saad ko naman habang hinihingal pa rin. Napangisi naman siya sa aking sinabi na ikinasimangot ko nanaman. Nako kung hindi ko lang best friend at mahal itong lalaki na ito may sapak na ito sa akin. Ang hilig niya sa ganyang reaksyon na nang-iinis. “Anong nakakatawa sa sinabi ko ah?” Reklamo ko sa kanya. “Ang pikon mo talaga noh? Walang nakakatawa sa sinabi mo.” Isang mabilis niyang tugon saka lumagak ng tubig at tumititig sa akin subalit umiwas ako. “Bakit ganyan ang reaksyon mo?” Naiiinis ko pa rin tanong sa kanya habang patuloy ko pa rin pinupunasan ang sarili. “Natutuwa nga actually dahil nakasama ko ulit kita….nakasama ko ulit ang best friend ko sa ganito.” Nakangisi pa rin siya pero bakas na sa kanyang boses ang seryosong ekspresyon. “Matagal din tayo hindi nagkikita, nagkakausap at nagkakasama kaya gusto kong masulit ito ulit habang nandito ka pa…” Nawala na ang ngisi sa kanyang labi at napalitan na ng isang magandang ngiti sa kanyang labi dahilan para mapatigil ako na hindi lumingon sa paligid. “Gusto kitang kamustahin, kung ok ka pa ba? Namimiss mo ba ako?” Bigla naman siyang natawa sa kanyang huling sinabi at hinampas ko naman siya sa braso. “Namiss mo nga talaga ako?” Sinadya niyang ulitin ang huling sinabi niya. Oo sobra kitang na-miss Tristan, yung bonding nating magkakaibigan at yung gwapo mong mukha isa sa pinakana-miss ko. Pero kailangan ko lang talagang gawin itong malayo sayo para hindi na lumalala pa ang feelings na ‘to dahil ayaw kong masira ang friendship natin. Kaya buo ang aking pag-iingat sa aking nararamdaman para hindi mauwi sa di maganda ang samahan na matagal nating binuo. Ayaw kong mangyari ‘yan kaya mas pinili ko na lang isakripsyo ang aking nararamdaman at pigilan ito kaysa mawala ang isang bagay na matagal natin kinaiingatan na hindi masira. “Siyempre na-miss kita, ano ka ba? Na-miss ko rin kaya yung pang-aasar mo sa akin parati kahit nakakapikon?” saad ko kanya pero umiwas na rin ako ng tingin at baka malaman pa niya ang totoo. “Tzk, emotionally sensitive ka pa rin talaga….” Sabi niya sabay ngisi ulit pero hinayaan ko lang din. Pagkatapos niyan, nagtuloy pa rin kami sa adventures na ginagawa namin kanina pa at kumuha ulit kami ng mga litrato at pinost niya ito sa f*******: naka-tag din sa akin. Kinuha ko rin sa kanya lahat ng pictures na kinuha niya mai-save sa phone ko at pinagsama ko rin ‘yong mga kinuhanan ko rin kasama siya…. Kinabukasan, napagdesisyon ko na ring bumalik sa mansion dahil sa Monday, babalik nanaman ulit ako sa pagiging personnal assistant ni Sir Leander. Pagkarating ko pa lang sa kanilang bahay, yakap kaagad ang bumungad sa akin mula kay tito at tita.