Chapter 13
Pagkagaling namin sa opisina dumiretso muna kami sa orphanage dahil mayroon raw doong simpleng birthday celebration. Siya raw si Lily at pitong taong gulang na rin. Sayang di tuloy ako makabili ng regalo para sa kanya. Bigla na lang kasi akong niyaya ni Sir Leander eh kung mas maaga niya akong sinabihan sana nakabili ako ng special gift sa batang 'yon. "Bakit nakasimangot ka dyan, Miss Faith? May problema ba?" nag-aalalang tanong niya kaya nagawang tumitig sa akin sandali saka muling binaling sa aming dinaraanan. "Wala naman." pagsisinungaling ko pero madali niya pa rin niyang napansin ako. Hays, ganun ba talaga siya kagaling magbasa ng iniisip ng isang tao sa pamamagitan lamang ng facial expressions? Bilib na talaga ako sa kanya. "Wala nga ba? Halatang may malalim kang iniisip eh? Kahit i-deny mo pa sobrang halata sayo kapag may iniisip ka. Ano ba kasi 'yan?" Napabuntong-hininga ako bago muling magsalita, "Bibili sana ako ng regalo ni Lily." Napangisi naman siya sa akin. Ano nanaman kaya nakakatawa sa sinabi ko? "Huwag mo nang alalahanin 'yon. Masaya naman si Lily kahit hindi siya nakatanggap ng isang materyal na bagay sa kaarawaan niya. Ang gusto niya ay yung napasaya siya buong araw at maraming pagkain. Mas lalo yung matutuwa kapag nakita niya tayong dalawa." paliwanag niya habang nanatili pa rin ang ngiti niya sa mga labi. Pagkatapos ng kinse-minuto ng biyahe mula opisina hanggang orphanage, masaya at nakangiting pinagbuksan ako g pinto ng kotse ni Sir Leander at sinuklian ko na lang rin siya ng ngiti. Halata sa kanya na masaya siyang nakakasama at nakikita ako. Ganito na ba talaga kapag nagmamahal siya? Pinagsisilbihan niya ng lubusan at ganito siya ka-care at protective sa akin. Bakit hindi na lang siya mahalin ko? Tutal parehas lang kami single. Bigla na lamang bumilis ang pintig ng puso sa aking iniisip na ipinagtataka ko, hays. Kaya nagawa kong mapahawak sa aking dibdib at huminga nang malalim para mapakalma ito. "Ok ka lang Miss Faith?" nagulat na lang ako nang bigla siyang nagsalita. "Oh bakit parang nagulat ka ata diyan?" Napailing-iling na lamang ako bilang reaksyon dahil hindi ko alam paano sasabihin. Ano ba 'to? "A---ayos lang a---ako." nabubulol pang saad ko. Hay nako bakit pa kasi nautal pa? "Hindi na ako naniniwala na ayos ka lang. May masakit ba sayo? Sabihin mo lang para ihatid na lang muna kita sa bahay para makapagpahinga ka na." nag-aalalang tanong niya dahil bakas na bakas sa expression ng kanyang mukha ang pag-alala niya sa akin. Naawa at napapalambot tuloy ang puso ko sa itsura niya. Ang amo kasi eh. "Ayos lang ako. Kinakabahan lang kasi." paliwanag ko sa kanya at muli niyang nilapit ang mukha niya sa akin at tumitig sa aking mga mata. "Bakit ka naman kakabahan? Hindi ka ba sanay umatend sa ganitong party?" tanong niya at bahagya na niyang nilayo ang sarili niya sa akin. "Hindi naman 'yon kung bakit? Eh basta." sagot ko na lang nang bigla niya akong hinatak ang aking kamay papasok ng orphanage. "Kung anuman ang iniisip mo ngayon kalimutan mo muna baka kasi sabihin ng iba, inaway kita diyan." pagmamaktol niya kaya naman naninibabaw naman awa ko kaya nagawa kong ngumiti ulit inalis na muna ang bagay na bumabagabag sa isip ko. "Nandito na si Sir Leander at yung fiance niya." narinig kong bulong ng mga nangangasiwa nitong orpahanage at medyo nagulat ako sa sinabi nilang fiance. "I am sorry, Sir. Akala ko kasi....." sabi ni ateng. "Ayos lang tutal doon rin naman punta niya soon." narinig kong hiyawan ng sa crowd pati ng mga bata. "Eh magkahawak po kasi kayo........." tumigil sandali ang babae at tumitig siya sa magkakapit na kamay namin ni Sir Leander. "Ng kamay hehe." sabay napangisi siya. "Wala lang trip namin 'to ni Miss Faith." mabilis na tugon ni Sir Leander kasabay ng pagtitig niya sa akin. "Anyway, where is the birthday girl?" iniba na rin niya ang usapan at saktong napalapit sa amin si Lily na abot-ngiti hanggang tainga nang masilayan niya kaming dalawa. Niyakap at binati kaagad siya ng maligayang kaarawan ni Sir Leander at niyakap niya rin ako nang mahigpit nang batiin ko na rin siya. "Bagay na bagay talaga po kayong dalawa kaya sana kayo ang magkatuluyan." nakangiting sambit sa amin ni Lily dahilan para himasin ni Sir Leander sa ulo ang bata. "Ok let's go at simulan na natin ang selebrasyon." bungad ni Sir Leander sa lahat at bago 'yan pinapikit niya kami ng mata hudyat na mananalangin muna kami bago umpisahan ang pagtitipon. Hindi ko akalain na madasalin siyang tao kaya hindi ko maiwasan tumititig sa kanya habang nakapikit siya pati ang karamihan. Hindi kasi ako relihiyoso eh kaya ganito na lang naramdaman kong pagkagulat sa kanya. Nagsimula na nga celebration. Nagsimula na rin ang party games kaya tuwang-tuwa ang mga bata dahilan para mapangiti ako sa kanila. Maya-maya pa tumungo na rin ako sa may pagkain at sakto nagkasabay na rin kami ni Sir Leander galing sa pakikipag-usap niya na isa sa mga inimbitahang nagtatrabaho sa company. "Kumain ka nang marami dyan. Don't be shy, ok?" "Hindi na ako pwede magkakain ng sobrang dami kasi sumasakit na ang tiyan ko." aking paliwanag habang patuloy lang sa pagkain pero napahinto ako nang nagulat siya at nagsalita kaagad. "Mayroon kang stomach ulcer?" tanong niya sa akin pero napailing-iling lang ako bago sumagot. "Hindi ko alam eh." kibit-balikat na saad ko at sinimulan ulit kumain. "Kailan mo pa nararamdaman 'yan?" ma-otoridad niyang tanong kaya napatigil ulit ako sa pagsubo ng pagkain. Biglang nagbago rin ang ekspresyon ng kanyang mula kanina na nakangiti siya. Huminga ako nang malalim bago ko siya sinagot. "Noong nag-aaral pa ako sa college?" hindi siguradong sagot dahil wala akong idea sa sinasabi niyang stomach ulcer. Basta't nararamdaman ko lang na sumasakit ang tiyan ko kapag nakakain ng marami lalo na kapag kanin. "Bakit hinayaan mo lang 'yan? Hindi ka ba nagpacheck-up?" medyo na-offend ako sa tanong niya pero pinilit ko pa ring maging ok kaya uminom na lang ako ng tubig para kumalma. 'I am sorry, Miss Faith. Nag-alala lang kasi ako sa kalagayan mo. Next time magpapa-set ako ng schedule para i-check up yang p*******t mo ng tiyan para di na lumalala pa." muli niyang maotoridad na saad subalit tumanggi ako. "Huwag na. Ayos pa naman ako eh." lakas loob kong deninay sa kanya. "No. You like it or not, we will see a doctor next time. Don't ignore your condition and wait to make it severe." "Lean...." pakiusap ko sa kanya subalit tinanggihan niya. "No I can't. Kailangan mo magpa-check up." hindi na ako nakapalag pa sa sinabi niya nang muli nanaman niya akong tinititigan sa mata. Napansin ko nanaman ang maamo niyang mukha kaya hindi ko nagawang tagalan makipagtitigan sa kanya at tinuloy ko na lang din ang pagkain. "Ok fine." muli akong bumuntong-hininga. "Thank you at pumayag ka. Hindi ako mapapakali hangga't nakikita kitang nagsa-suffer diyan kapag umaatake yang stomach ulcer mo." baling niya pa ulit sa akin habang nakangiti pa rin. "Bakit masyado kang nag-alala sa akin ng ganito? Saka hindi naman delikado 'yong ulcer di ba?" "Iyan ang inaakala mo, Miss Faith. Alam mo naman din kung gaano kita kamahal...." muntik na lang ako mabilaukan sa iniinom kong juice sa kanyang sinabi. "Alright, can you stay here for a moment? I need to talk to them." habang tinuturo niya ang isa sa professionals naroon na sa tingin ko na isa investors din sa kanilang kumpanya. Tumango lang din ako bilang tugon. "Talk to you later." sabi niya saka nanaman niya ako nginitian. Muli nanaman tumahimik sandali sa aking pwesto at biglang naagaw ng aking atensyon ang sigawan doon sa parte na kung saan nag-iipon ang mga bata at naglalaro. Hindi ko maiwasan maalala sa kanila ang mga kapatid ko. Kamusta na kaya sila pati si lola? Nasa mabuti pa kaya sila ng kalagayan? Nakakain pa ba sila nang maayos at nakakapag-aral? Tanging pagpapadala lamang ng pera ang nagagawa ko sa kanila ngayon at kung minsan nakakausap sila through skype. Hindi pa rin ako kampante na hindi ko nakikita ang tunay nilang kalagayan. Lumipas ang ilang minuto ng aking pag-iisip hindi ko namalayan na natapos na pala ang palaro kaya laking gulat ko na lang nang lapitan ako ng ilang mga bata lalo na yung birthday girl na si Lily. "Mukhang malayo ata iniisip ni ate ganda ah." bungad ni David sa akin. "Oo nga. Baka iniisip si Kuya Lean." pang-aasar na saad sa akin ni Lily. "Totoo ba 'yon ate ganda?" tanong ng ilang mga bata narito sa aking pwesto. Hindi ako nakapagsalita sa mga pinagsasabi nila kaya nagawi ang tingin ko kay Sir Leander. Bumungad sa akin ang kanyang matamis na ngiti habang nakikipag-usap sa kapwa niya businessman/businesswomen na rin. Hindi ba dapat hindi siya nagpapakita ng delicate side niya sa mga ganyang klaseng tao. Kasi naman the more pinapakita mo yung good inner side mo sa isang tao, the more na may chance na magti-take advantage sila sayo. Ganyan ba talaga siya kabait, friendly at approachable sa mga tao? "Ayieee speechless si Ate Ganda oh. Ibig sabihin niyan, crush niya si Kuya Lean." dinig kong sambit ni Bobby habang nanatili ko pa rin pinagmamasdan sila. "Oo nga. Sasabihin ba natin kay Lean?" dinig kong saad naman ni Lily kaya nabalik ang atensyon ko sa kanila. "Hay nako kayong mga bata talaga. Kung ano pumapasok sa isip niyo eh." "Tignan mo oh namumula si Ate Ganda, hehe." sabi muli ni David. Aba lakas makapang-asar ang mga batang ito parang sina Candy at Cipher lang. "Hindi ahhh. Buti pa maglaro na muna kayo doon." sabay nguso ko doon sa isang grupo pa ng mga batang naglalaro. "Hindi dito lang kami sa tabi mo, Atte Ganda." muling saad ni Lily. "Kunwari pa si Ate Ganda. Gusto mo lang po kasi tahimik na sinisilayan ang Kuya Lean namin." singit naman ni Bobby. Anytime maaari na akong mag-telepathy sa pwesto ko pauwi na ng bahay. Hindi ko na kasi kayang pang-aasar sa akin nitong mga bata. "Sa totoo niyan may iba akong gusto kaya magkaibigan lang kami ng Kuya Lean niyo." Kaya bigla silang natigilan sa naging sagot ko at medyo nalungkot ang kanilang mukha. Ganoon ba talaga sila kagusto ako para sa kanya? Impossible. Napakalayo ng agwat ng estado namin. Siya tinitingilala at hinahangaan ng marami samantala ako isang ordinaryong babae lamang. Hindi ako yung typical na babae para sa kanya. Umaasa pa naman akong makakahanap pa siya nang higit pa sa akin. Saka nagawa niya lang naman ako magustuhan dahil magkahawig kami ni Marinela na first love at ex-girlfriend niya rin. "Ah ganun po ba? Sayang boto pa naman kami sana sa inyo eh." pagmamaktol ni Lily. "Oo nga kasi bagay na bagay po kayong dalawa." sinang-ayunan naman ni David. "Pero umaasa pa rin akong magkakatuluyan po kayo." sabi naman ulit ni Lily. "Di ba?" tanong pa nito sa mga kasama kaya nag-apiran sila. Nang matapos ang birthday celebration napag-isipan na rin namin umuwi ni Sir Leander. Medyo napagod na rin ako kahit nakaupo lang. Napagod siguro makipag-usap at asaran sa mga bata. "I can't believe na mahilig ka rin sa bata." bungad niya sa akin habang nagmamaneho. "Medyo kaso nakakapagod sila kausap hehe." nakangisi kong tugon. "Ganun talaga. I can imagine now that someday you will bear a children like them." bigla akong napatingin sa kanya dahil sa nagulat ako sa narinig. Ganun na ba talaga siya kasigurado sa akin? Ganun na ba niya ako kamahal? "Ayaw mo ba?" tanong niya kaagad at unti nawala ang kanyang mga ngiti kaya mas lalo ako hindi mapalagay. Ewan ko ba sa tuwing nag-iiba ang expression ang mukha niya, hindi ako mapalagay at parang naguguilty tuloy sa ginawa ko. Napaka-amo ng kanyang mukha kaya ganun na lang din ako kadali makaramdam ng awa sa kanya. "Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang kasi malaman, bakit ako pa?" Bigla niyang pinahinto ang sasakyan sa tabi kaya napatingin ako sa kanya. "I don't know basta't nararamdaman kong mahal kita more than a few years have passed sa naramdaman kong pagmamahal kay Marinela. I am more caring and sweetier to you than to her." paliwanag niya. "Eh di kaya minahal mo lang......" hindi niya ako pinatuloy sa aking sasabihin nang magsalita siya. "No. It's not just that, Miss Faith. I love you more than you know. I will do everything just for you." sabi niya at muli ko nanaman nasilayan ang kanyang ngiti. "Matagal na 'yon. Naka-move on na sa kanya nang makilala kita, ok. Stop thinking about it, please?" ngumiti at tumangu-tango lang ako bilang sagot saka niya pinaandar muli ang sasakyan. Pagkarating namin sa mansion, inihatid niya rin muna ako sa aking kwarto. Magpapasalamat na lang sana ako nang bigla niya akong hinalikan sa noo. Napapitlag ako sandali sa ginawa niyang pag-alis. "Good night, Miss Faith and sweet dreams." sambit niya saka pinagbuksan na rin ako ng pintuan ng kwarto at pinapasok na rin sa loob habang ako naman ay nanatili pa ring tulala sa hindi inaasahang pangyayaring paghalik sa akin sa noo ni Sir Leander.