Chapter 6

3098 Words
Chapter 6 Dalawang linggo lumipas nang nakapunta ako sa mansion ni Sir Leander at nakilala ko ang mga parents niya. Iilan na lang sa mayayaman na tulad nila na mapagkumbaba sa aming mga mahihirap iyong marunong ng salitang respeto. Kaya hindi ko maiwasan mapahanga sa kanila. Narito ako ngayon sa trabaho at wala naman gaanong ginagawa kaya nakakapag-usap naman kami ni Joanne. Abala ako sa pagtitipa sa computer habang kausap itong si Joanne nang makita ko si Tristan tila ako hinahanap kaya mabilis akong nagtago dahilan para magtaka ang kasama ko. Sa totoo lang gusto ko na kasi siyang iwasan na para kahit papano mabawasan na itong nararamdaman ko para sa kanya. "Hoy ano nangyayari sa'yo? Bakit ka nagtatago diyan? Para kang sira." sinimangutan ko si Joanne sa kanyang sinabi. Umirap ako saka sinabi sa kanya nandito yung bestfriend ko. Pinahaba ko ang aking nguso para maituro sa kanya si Tristan. "Siya ba yung...." inaalala niya kung sino ang lalaking iyon. "Bestfriend na tinutukoy mo sa akin?" "Oo siya nga." "Oh bakit mo siya tinataguan?" Nakita ko nang palapit na si Tristan sa pwesto namin kanina kaya tinulak ko na si Joanne sabay sabing... "Pakisabi mo sa kanya wala ako kasama kunwari boss natin." tumango naman siya nang mabilis saka bumalik doon sa posisyon namin kanina. "Good morning, Sir. What can I help you?" nakangiting saad ni Joanne kay Tristan. "Gusto ko lang sana makita si Miss Caroline para batiin siya sa birthday niya at ibigay ito sa kanya." napatitig naman ako sa hawak niyang regalo sa akin. Napasandal na lamang ako sa dinding saka huminga nang malalim. Akala ko hindi na niya maalala ang kaarawan ko. Kahit papano na-touch naman ako sa ginawa niya pero kailangan kong iwasan na siya. "Miss Caroline is now meeting our boss today. He needs assistant from my co-worker that's why she called her earlier." Napatangu-tango na lang si Tristan sa sinabi ni Joanne. "Sige. Pakisabi na lang na nagpunta ang bestfriend niya para batiin siyang happy birthday. Thank you." Pagkasabi niyang 'yon mabilis na siyang naglakad palayo sa kinaroroonan ni Joanne habang ako naman nakaramdam ng lungkot sa aking ginawa. Wala eh. Kailangan ko na kasing panindigan 'to. Mahihirapan lang din ako kapag hinayaan lang ang feelings ko para sa kanya. Mas lalo lang ako masasaktan. Tumulo nanaman ang luha ko pero agad ko itong pinunasan. Nagulat na lang din ako nang biglang lumitaw si Joanne sa tabi ko. "Ikaw ahhh. Nagpapakipot masyado." Naglakad na rin ako pabalik sa pwesto namin at sumunod na rin si Joanne. "Hindi ahhh. Saka tama naman itong ginagawa ko na iwasan na muna siya." "Pero bestfriend mo siya right? Hindi naman ata na ganito na iniiwasan mo siya." May point naman siya kaso kailangan ko muna unahin ang sarili. Ayaw ko pagdating ng araw na sobra na akong hulog sa kanya tapos may iba naman siyang kasama at gusto. Mas masakit kung ganoon at mas lalong masisira lang ang pagkakaibigan namin dahil sa nararamdaman kong ito. Siyempre ayaw ko 'yon mawala at masira kaya kailangan ko muna magsakripisyo kahit sandali. "Kailangan ko itong gawin sa ayaw kong umabot sa puntong magsasakitan na kaming dalawa dahil sa nararamdan ko para sa kanya. Pansamantala lang naman ito eh. Kailangan ko lang ng space mula sa kanya." "Naiintindihan kita, Carol pero parang sinasaktan mo rin naman ang iyong bestfriend sa ginagawa mo. Sige ka, iwanan ka na niya." Aba tinatakot ako ng isang 'to ah. "Sandali lang naman 'yan. Kailangan ko lang muna maka-move on sa kanya." giit ko. "Sige pero susuportahan pa rin kita sa magiging desisyon mo." sabi niya sa akin sabay yakap kaming dalawa. "Happy Birthday ulit, Carol." sabay saad pa niya na ikinangiti ko naman. Kakain na sana kami ng lunch nang makasalubong namin si Sir Leander. Napailing naman sa akin si Joanne habang kinikilig. "Happy Birthday." bati ng lalaking nasa harap ko ngayon. "Paano mo po nalaman na birthday ko ngayon? Eh di ko po pinapaalam kahit kanino ang kaarawan ko para iwas atensyon." Napangisi lang si Sir Leander sa naging reaksyon ko at napatingin siya kay Joanne dahil para mapatitig din ako sa kasama ko. Umiiling-iling lang siya na tila nag-mamaangan maangan na wala siyang kinalaman sa pagtukoy sa kanya ng boss namin. "Joanne!" bulong ko sa kanya kasabay ng pagkunot ng aking noo. "Sorry na Carol. Tinanong lang naman kasi sa akin ni Sir Leander kung kailan birthday mo eh. Alangan magsinungaling pa ako sa kanya." Umamin din. Akala ko magde-deny pa siya. "Huwag ka sana magagalit Miss Faith kay Miss Joanne. Ako lang naman kasi ang nagtanong sa kanya." "Hindi naman ako nagagalit. Actually nagulat lang kasi ako." malumanay na tugon ko. "Akala ko galit ka na sa akin. Nakakatakot ka pa naman kapag nagagalit nagiging tigre." pang-aasar pa  niya sabay tawa kaya hindi ko maiwasan mapanguso sa inaasal niya. "Uy grabe ka naman. Hindi ako ganun noh." nahihiya akong napatitig kay Sir Leander. Aba tinawaan pa talaga ako ni Joanne. Mamaya lagot ito sa'kin. "Sige Carol. Maiwan ko na kayo ni Sir kasi nagugutom na rin kasi ako."  sabi nito sabay hawak sa kanyang tiyan. "Mabuti pa Miss Joanne sumabay ka na lang din sa amin. Treat ko tutal birthday naman ni Miss Faith." "Huwag na po Sir nakakahiya naman sa inyo." "Huwag ka ng mahiya. Ano? Let's go?" Hindi na nakapagtanggi si Joanne kaya inakay na rin niya ako habang sumunod na kami kay Sir Leander. Marami siyang inorder na pagkain kaya inabot ako ng hiya sa ginawa niya. "Huwag ka na mahiya Miss Faith. Magkaibigan naman na tayo kaya wala ka dapat ipag-alala. Basta ikaw ayos lang sa akin mag-order ng ganito karami." "Ano ba 'yan kinikilig tuloy ako sa inyong dalawa. Parang third wheel lang ang peg." Sinipa ko ang paa ni Joanne para senyasan umayos siya sa kinikilos. "Mauubos mo ba lahat ng 'to Carol? Ang dami eh." "Mukhang hindi nga eh." nahihiyang sagot ko. "We have no problem on that. Ipapa-take out ko na lang din para sa inyong dalawa." nakangiting sambit ni Sir Leander sa amin kaya napatitig na lang kaming dalawa ni Joanne. Pagkatapos ng lunch break bumalik na kaagad kami sa trabaho. Bigla na lang din pumasok sa isip ko si Tristan. Para tuloy ako nagi-guilty sa ginagawa ko sa kanya. Kaya maya-maya hindi ko maiwasan mapabuntong hininga saka muling tinuloy ang pagtatrabaho. Pagsapit ng ala-singko hudyat na pauwi na kami pero balak kong magpahuli baka sakaling makasalubong ko si Tristan o kaya baka hinihintay na niya ako sa labas nitong hotel. Pinauna ko na muna si Joanne at sinabi ko na rin sa kanya ang kanyang sasabihin kung sakaling magkita ng bestfriend ko. Tumagal ako ng thirty minutes dito sa loob. Nagkalikot lang ako ng cellphone para di maburyo. Naglakad na nga ako palabas ng hotel at muling huminga ng malalim. Umiiling-iling ako sa paligid hanggang sa may tumawad sa akin. Siya lang ang tumatawag sa ganoong pangalan. Humarap ako sa pinagmulan ng boses at biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko siyang papalapit sa akin. Tila naging slow motion lahat at bumalik lang ako sa wisyo nang makita ko siyang seryoso ang mukha. Lagot. Mukhang galit siya sa akin. Oh no. "Sabi ng katrabaho mo kasama mo raw yung boss niyo lumabas. Bakit nandito ka?" Hala. Seryoso na nga siya. Hindi ko na nagawang titigan pa si Tristan dahil nagi-guilty ako sa ginawa ko sa kanya. "Bakit hindi ka sumasagot diyan?" "Eh kasi....." "Iniiwasan mo nanaman ba ako cef?" Napailing-iling pa rin ako sa kanyang mga mga tanong. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. "Hindi." maikli kong sagot habang nakayuko. Di ko kasi kaya siyang titigan ng ganito. "Sa palagay ko oo. Pero hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit?" "Sorry." Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko pagkatapos. "Ayos lang kung hindi mo sa akin sasabihin ang totoo. Sapat na mag-sorry ka sa akin." Nagulat na lamang ako sa kanya nang bigla niya akong yakapin. "Kung nagtatampo ka sa akin dahil bihira na lang tayo nagkakausap at nagkakasama, hayaan mo babawi ako sayo. Happy birthday." sabay bulong niya sa aking tainga dahilan para tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Humiwalay siya pagkatapos muli nanaman niyang pinisil ang magkabila kong pisngi na madalas na ginagawa niya sa akin. Ewan ko ba bakit hindi ko na magawang mainis sa kanya nang pisilin niya ang mga pisngi ko kahit masakit. Dati rati na parati ko siyang hinahampas para makaganti. "Tara, uwi na tayo." sabay yaya niya sa akin sumakay sa motor. "Tapos sabay natin kainin ito sa bahay." Turo ko sa pagkain na tinake-out ni Sir Leander para sa amin. "Kanino galing 'yan?" Napakunot ang noo niya sa hawak ko. "Sa bossing namin. Nilibre kasi kami nang marami tapos hindi ko namin naubos kaya pinatake-out na lang din niya." Tumango-tango naman siya sa sinabi ko mabilis na pinaandar ang kanyang motor na ikinagulaat ko naman. Pagkarating namin sa bahay, muli nanaman niya akong binati ng 'happy birthday' sabay abot sa akin ng gift. "Ano ito?" "Mamaya buksan mo." sabi niya lang saka naman niya ako hinatak papasok ng bahay namin. Napapitlag na lamang ako nang bumungad sa akin ang isang supresa mula kay Lola at sa aking mga kapatid pati sa mga magulang ni Tristan. "Si TJ ang gumastos at naghanda nito apo." sabi sa akin ni Lola dahilan upang makaramdam ulit ako ng guilt sa puso ko. Siya lahat nag-effort nito? Hindi ko inaasahan na gagawin pa niya ito sa akin kaya di ko maiwasan ang maluha. "Oh bakit ka naman umiiyak cef? Twenty-five years old ka na, iyakin ka pa rin?" pang-iinis niya sabay halakhak kaya pinanghahampas ko naman siya. Kainis ka, Tristan! "Di pwedeng tears of joy lang?" Mas lalo lang ako na-guilt sa nangyari ngayon kaya hindi na napigilan ang luha kong tumulo. Dinahilan ko na lang ang 'tears of joy' para hindi na maging issue pa. Mga ilang sandali kinantahan na nila ako ng 'happy birthday' hanggang sa pinalapit na nila ako sa table para sabihin....... "Wish ka muna, cef bago magblow the candle." bulong sa akin ni Tristan. Pumikit ako at nag-wish. Sana mawala na ang aking nararamdaman para sa bestfriend ko nang sa ganun hindi na akong mahihirapan pang kausap siya. Pagkatapos, nagblow na ako ng candle at nagsipalakpakan ang lahat saka naman kami nanalangin bago sinimulang kumain. “Tahimik mo ata.” nagulat na lamang ako nang magsalita si Tristan at umupo pa dito sa tabi ko. “Ah wala naman.” pagdadahilan ko ulit. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko ngayon lalo pang nagkaroon ng ganitong klaseng surpresa at siya pa ang naghanda ng mga ito. Nakokonsensya tuloy ako sa ginawa kong pagtago kanina sa kanya. Kinain ko na lang din ang mga binitawan kong salita kay Joanne at malamang kapag naikwento ko ito sa kanya aasarin niya rin ako. “Layo kasi ng iniisip mo. Kaarawan mo tapos ang seryoso ng itsura mo. Isang ngiti naman diyan oh.” Napilitan akong ngumiti para sa kanya kahit sobrang gulity ko na. Naguguluhan na ako kung ano na gagawin ko, lalayuan at iiwasan ko pa ba siya o mananatili pa rin ako sa tabi sa kanya na hayaan ko lang ang narararamdaman para sa kanya habang siya naman may mahal namang iba. Ang hirap mamili di ba? Hindi mo alam kung ano pipiliin sa dalawa eh. “Hayan mabuti ngumiti ka na. Dapat masaya ka kasi birthday mo ngayon saka nandito yung pinagwapo mong bestfriend.” pambobola niya kaya muli akong napangiti sa inasal niya. “Taas talaga ng confident mo ano?” Napangisi lamang siya. “Parang di ka nasanay sa akin, tzk.” “Oh nga pala, alam ba ito ng girlfriend mo?” Limang segundo lumipas bago siyang nagsalita muli. “Oo naman alam niya.” napatango-tangong sagot ni Tristan saka siya tumitig sa akin. “Hindi naman siya tumatanggi pagdating sayo kasi naikwento na kita sa kanya eh. Simula pagkabata hanggang ngayon kaya alam na niya tungkol sa friendship natin kaya ayos lang sa kanya.” mahabang pahayag niya pagkatapos uminom siya ng juice. Nakahinga naman ako nang maluwag kahit papaano sa kanyang sinabi. Natutuwa na rin dahil may tiwala sa aming dalawa si Francesca, bihira na lang na babaing tulad niya na may tiwala sa kanilang mga boyfriend. Pagkatapos ng handaan at kainan, nagsiuwian na rin sina Tita at Tito, nagtaka na lamang ako nang nagpaiwan si Tristan dito sa bahay. “Hindi ka pa ba uuwi. May pasok ka pa bukas at kailangan mo nang magpahinga at matulog nang maaga.” paalala ko sa kanya subalit nginisian niya lang ako. Ugali na talaga niya ngisian niya ako ng ganito na may pang-iinis. “Bakit? Ayaw mo na ba ako makita at pinapalayas mo na kaagad?” sabi niya habang nakatitig sa akin kaya bigla naging slow motion lahat sa pagitan naming dalawa. Napatingin ako sa mga hugasin at ligpitin dahilan para mapunta na roon ang atensyon ko. “Oh nga pala, maghuhugas pa ako. Pagod na rin ‘yon si lola kaya ako na lang gagawa ng mga ito.” sabi ko saka tumungo sa lababo para simulan na ang paghuhugas. Hahawakan ko na sana ang sponge nang may biglang pumigil sa akin. “Ako na niyan. Pagod ka sa trabaho saka birthday mo ngayon, hindi ka dapat ang naghuhugas nito.” Hindi ko maiwasan ma-touch sa paglalambing niya ngayon pero nahihiya naman ako kung hahayaan ko lang siya gumawa lahat ng ito. Siya na nga ang naghanda at gumastos tapos hahayaan ko lang siya dito. Hindi pwede. Nakakahiya na masyado sa kanya kahit bestfriend ko siya. “Nahihiya naman kasi ako eh kaya ako na lang maghuhugas ng mga pinagkainan.” pagtutol ko sa kanya pero nagmatigas lang siya at tinuloy pa rin niya ang paghuhugas. Hindi ako papayag na walang gawin dito at hayaan lang siya diyan. “Tutulong ako sa’yo sa paghugas ng mga ‘yan.” “Hindi pwede.” pagpipigil niya sa akin. “Hindi. Tutulong ako rito.” pangmamatigas ko pa sa kanya na pilit kong binabanlawan ang mga sinabunan niya pero hinawakan niya aking mga braso para pigilan sa aking ginagawa. “Cef…..” suway niya sa akin pero hindi ako nagpatinag sa kanya kaya tinaasan ko na lang siya ng kilay baka sakaling pumayag na siya. “Sige na nga. Napakakulit mo talaga.” sabi niya lang ng may kasamang pagmamaktol at maya-maya narinig ko siyang may binubulong. “Ano sabi mo?” bigla kong tanong sa kanya. “Wala. “ pagtatangi niya pero hindi ko na ring pinilit sa kanya na ulitin yung sinabi niya. Pagkatapos naming maghugas at magligpit ng mga gamit, nagpahinga muna kami sandali saka na rin niya binalak umuwi. “Mag-iingat ka.” sabay paalam ko sa kanya saka na siya nagpatakbo ng kanyang motor palayo sa bahay namin. THE NEXT DAY. Sabay ulit kaming dalawa ni Tristan pumasok sa trabaho. Wala akong choice kundi ipagpatuloy ko pa rin ito. Hindi ko matiis si bestfriend, mahal ko eh. Napapangiti naman niya ako kahit ganito lang kami, ang sarap pa rin sa feeling. Kasalukuyan ko ng binabaybay ang daan papasok ng hotel nang may tumawag sa akin. Sa ganoong paraan pa lang ng pagtawag kilala ko na kaagad kung sino siya. Wala ng iba kundi si Sir Leander at naglalakad na siya palapit sa akin. “Good morning, Sir.” nakangiting bati ko sa kanya at ganun din siya. “I am just curious kung sino ba ‘yung lalaking sumundo sayo kahapon at yung nakasama mo kanina.” “Childhood bestfriend ko po, Sir.” mabilis kung tugon habang napatangu-tango naman siya. “All I thought he is your boyfriend because look sweet when I saw both of you yesterday.” sabi niya kaya nakaramdam ako ng hiya. “Ah. Ganun lang talaga kami, Sir.” tugon ko sa kanya sabay waving ng kanang kamay ko senyas na mali yung hinala niya. “Saka po may girlfriend na siya.” Sa aking huling sinabi, biglang nagliwanag ang mukha niya buhat sa sobrang seryoso kanina. Wait ganun na ba talaga niya ako kagusto o nagugustuhan niya lang ako kasi kamukha ko yung ex-girlfriend niyang namatay. Napapansin ko rin naman ang pagbibigay niya ng efforts  para sa akin at na-appreciate ko ‘yon pero hindi sapat para mapalitan niya sa puso ko si Tristan. Friendship lang ang maibibigay ko sa kanya at hanggang diyan lang. “Kung ganun, mabuti naman.” pagkasabi niyang ‘yon saka na niya pinaunang pumasok sa loob ng hotel. Umaasa talaga siyang na magkakaroon ako ng romantic feelings para sa kanya. Pero para sa akin mahirap lalo pang hindi ako nakakasigurado kung para nga sa akin ang nararamdaman niya o para pa rin talaga sa ex-girlfriend niya kasi magkamukha kami. Dahil diyan naging laman tuloy ng aking isip ang kanyang mga sinabi sa akin. Attractive guy naman siya kung tutuusin, down-to-earth person, warmhearted at friendly kaya wala ka nang hahanapin pa sa kanya. Mga ilang sandali, napabuntong hininga na lang din ako hanggang sa mapansin kong ako lang pala mag-isa at wala si Joanne. Hindi man lang nagpaalam na magli-leave siya. Nakakatampo. Pagsapit ng ala-una, bigla na lang lumapit sa kinaroronan ko si Sir Leander na aking ipinagtaka. “Prepare yourself may pupuntahan tayo.” sabi niya habang may pagtataka naman ang reaction ko. “Saan naman Sir? Saka paano….” hindi na niya ako pinatuloy pa sasabihin nang magsalita uli siya. “May in-assign naman ako dito na pansamantalang papalit sayo muna so you don’t have to be worried about. Sige na pakikuha mo na iyong mga gamit.” pagkasabi niyang ‘yon hindi na rin ako nagtanong pa at dumiretso na lamang siya sa employee’s room para kunin ang aking mga gamit. Sumakay na rin ako sa kotse niya hanggang sa makarating na kami sa tinutukoy niyang lugar. Mga buildings din aking nakikita at napapalibutan ng mga restaurants pati mga hotels. Bumaba na rin kami sa sasakyan at naglakad habang palinga-linga lamang ako. Binabaybay na namin ang isang napakagandang building at nakita ko ang pangalan nito nakaukit sa itaas. ‘Kingstone Furniture Inc.’ ang pangalan nito. Napanganga ako pagkatapos pagkabasa ko ng name ng company. Ito yung sinasabi sa akin ni Joanne nakaraan. Dati ini-imagine ko lang siya ngayon ngayon nakikita ko na. Kaso nga lang puno ng pagtataka ang aking isip bakit kami naririto hanggang sa nagulat na lamang ako nang masigla kaming binati ng mga employees dito.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD