Chapter 7 Nabigla rin ako ng mapadpad kami sa management office at bumungad sa aking mga managers, consultant, executive directors etc. lahat ng matataas ng opisyal ng kanilang company. Subalit nagbigay sa akin ng atensyon ang isang babae at lalaki nakasimangot na nakatingin sa akin. Masasabi kong di ako gusto ng dalawang ito maliban sa karamihan ng high ranking positioned na employees dito. “Hello everyone, I would like you to meet my special friend, Caroline Faith Quililan and working as a hotel receptionist at Kingstone Hotel for many years.” pagpapakilala niya sa akin sa mga narito. “Miss Faith, they are my managers from different departments, the executive directors.” turo niya sa akin sa dalawang lalaki na may edad 40’s na rin. “The General Manager, Mr. Cedric Alcantara.” turo naman niya sa akin sa lalaking kanina pang masama ang tingin sa akin. “The Vice President of our company, Ms. Chelsea Rivera.” yung babae rin nakaismid sa akin na kasama ng lalaking nakasimangot na hindi ko alam ang dahilan. Nginitian ko lang sila pagkatapos ng pagpapakila at dumiretso naman si Sir Leander sa kanyang office at sumunod na rin ako. “Maupo ka Miss Faith.” sumunod kaagad ako sa kanyang sinabi at muling nilibot aking paningin ang buong paligid ng office ni Sir Leander. “May gusto ka bang inumin o ano?” tanong niya kaagad sa akin dahil napansin din niya atang naiinip ako. “Wala naman po, Sir.” magalang na tugon ko. “Di ba sinabi ko naman sa’yo huwag mo akong tatawagin Sir kapag tayong dalawa lang?” “Pasesnya na. Nakasanayan ko lang kasi.” “I see.” sabi niya saka umupo siya sa aking tabi. “Sa susunod dito ka na rin magtatrabaho bilang personal assistant ko.” sabi niya na ikinalaki ng aking dalawang mata. May parte sa akin na masaya ako dahil iba naman ang magiging trabaho ko habang may bahagi sa isip ko na hindi dapat ako matuwa. “Are you not happy?” napansin niya kasing hindi kaagad ako nakasagot. “Pero Lean—der ayos naman na sa akin ang trabaho sa hotel kaya hindi ko na matatanggap na dito na ako magtatrabaho.” naiilang na sagot. “Ayaw mo pero sana mapagbigyan mo ako, Miss Faith. Gusto ko lagi kitang nakikita at nakakasama sa trabaho kaya napag-isipan kong dito ka na lang mamalagi.” paliwanag niya kaya umayos na lang ako ng posisyon mula sa pagkakaupo. Magsasalita pa sana ulit ng barahin niya kaagad ako. “Please Miss Faith saka dadagdagan ko naman ang salary mo, double sa iyong kinikita sa hotel.” pangungumbinse pa niya sa akin. Hindi pa rin ako kumbinsido sa alok niya. Hindi gaano kadali ang magiging trabaho saka pa siya parati na makakasama at makikita ko. "I am starting to like you, Miss Faith." nabigla ako sa kanyang sinabi dahil para mapalingon mula sa pagkakayuko. "I know it's to believe dahil nga nakikita ko sayo si Marinela pero all I can say is I like you. Lahat ng efforts na ginagawa ko ay para sayo kaya gusto ko sana dito ka na rin mag-work as my personnal assistant. And don't worry hindi naman ako cruel boss para pahirapan ka, di ako gaanong klaseng tao lalo na mahalaga ka sa akin." Huminga muna ako ng malalim dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanya. Hindi na rin ako mapalagay nang mag-confess na siya sa akin ng kanyang nararamdaman. Alam ko naman sa simula pa lang ng pagkakaibigan namin may something na siya para sa akin pero hindi ko nga lang binibigyan ng pansin. May gusto kasi akong iba at masaklap bestfriend ko pa. "Please Miss Faith sana mapagbigyan mo ako. Ayos lang kung di mo masusuklian ang nararamdaman ko para sayo at ang nais ko lang parati kitang nakikita at nakakama, hindi ko na kailangan pang pumunta ng hotel." Pinag-iisipan ko pa rin talaga ang ino-offer niyang trabaho sa akin ngayon. Hindi ko maiwasan maawa sa kanya. Napakaamo kasi ng kanyang mukha kaya hirap ng ganitong tanggihan siya sa huling pagkakataon. Napapansin kong attractive guy din siya kaya walang impossible na malakas din charisma niya. Papayag na ba ako o tatanggihan siya? Ang hirap tumanggi sa isang kaibigan na naging bahagi na ng buhay mo. "Papayag na ako." diretsahan ko ng sagot. Laking tuwa naman niya na pumayag na ako. Kaninang seryoso niyang mukha na unang napansin ko sa kanya noon, nakangiti na muli siya ngayon at mas lalo naging maamo pa ang kanyang itsura. "Pero sa bahay ka na titira habang magtatrabaho ka sa akin bilang personnal assistant." Mas nagulat nang marinig ko ang kanyang sinabing sa kanila na ako mamalagi. Paano na si lola at ang mga kapatid ko? "Huwag kang mag-alala sa lola at sa kapatid mo. Ako na ang bahala magpadala sa kanilang mga pangangailangan at sa magbabantay may naisip na akong tao na mag-aasikaso sa kanila." Saka hindi rin naman ako mapalagay na magsasama kami sa isang bubong. Ano na lang sasabihin ni lola at ng karamihan sa akin? "You don't have to be worried about. Malaki ang bahay namin at may sarili ka ring kwarto. Hindi katulad ng lalaki ang nasa isip mo Miss Faith. Malaki ang respeto ko sa mga babae lalong lalo na sa'yo. Ganyan ang tinuro sa akin ni Mama at Papa nung bata pa lamang ako kaya malabo yang iniisip mo." Napakagat naman ako ng labi sa mahaba niyang sinabi. Masasabi kong madali niyang nababasa ang nasa isip ko 'yon. Unbelievable. "Ayos lang ba ito kina Tita at Tito?" "Sinabi ko na sa kanila at pumayag naman sila." muli niya akong hinarap. "Wala kang dapat ikabahala mapagkakatiwalaan mo ako. I am the man with chivalry, Miss Faith." dagdag pa niya kaya napatangu-tango na lang din ako. Tumingin siya sa kanyang relos. "Halika ka na, Miss Faith ihahatid na muna kita pabalik bago ako pumunta sa meeting namin at 10:30 AM." akmang hahawakan na niya ako sa braso nang pigilan ko siya. "Ako na lang babalik mag-isa. Baka ma-late ka pa sa meeting niyo. Magta-taxi na lang ako." ngumiti siya at napatangu-tango. "Sige pero mag-iingat ka, Miss Faith. Lagot sa akin ang mga taong gustong manakit sayo." napangiti naman ako sa kanyang sinabi. Napakaginoo niya nga talaga at napaka-protective na bihira na lang mahanap karamihan sa mga guys ngayon. Sa umpisa pa lang alam kong mabuti siyang tao kaya tama rin naman ang naging desisyon ko pumayag ako sa offer. Hindi kumukontra ang instincts ko kapag siya na kaya masasabi kong hindi siya yung taong karaniwan na mapagsamantala at manloloko. "Sige na Miss Faith." saka niya ako pinagbuksan pa ng pinto kasabay ng pag-wave ko sa kanya ng kamay bilang pamamaalam. Kasalukuyan ko nang binabaybay palabas ng building nang may narinig ako nagsalita sa aking likod. Humarap ako rito at bumungad sa akin ang lalaki na kanina pang sinisimangutan ako. "Ang mga babae talaga mahusay umarte makuha lang ang gusto niya." Napasimangot ako sa kanyang sinabi dahil sa panlalait na ginawa niya. "Ano kaya pinainom o pinakain mo kay Leander para maging ganun siya sa'yo. Magkamukha nga kayo pero napakalayo niya sa'yo." "Pasensya na Sir kailangan ko ng umalis." Ayaw ko nang patulan pa mga sinasabi niya. Napaka-unprofessional ng isang ito hindi alam kung siya dapat lulugar. Bigla na lang niya ako hinila sa braso. "Huwag ka munang umalis dahil may isang bagay lang ako dapat sabihin sayo at ipamukha sayo." Aba nakakarami na ang lalaking 'to ah akala mo kung sino. Empleyado rin naman siya dito. Ang kakapal ng mga mukha. Pilit kong kinokontrol ang inis sa lalaki na ito. "Layuan mo na si Leander. Hindi siya nararapat para sayo isa ka lang naman dukha at mangagamit." Sinampal ko siya dahil hindi napigilan ng sarili ko ang mainis. Sumusobra na siya eh. "Makapal rin ang mukha mo na sabihin mo ako ng ganyan dahil hindi mo ako kilala. Para sabihin ko sayo...." dinuro ko pa siya. "Hindi ako tulad ng tao ng mga binabanggit mo. Kahit mahirap lang kami, lahat ng pangangailangan namin galing sa dugo't pawis na pagtatrabaho ko sa hotel hindi sa pangagamit ng ibang tao gaya ng sinasabi mo." "Wala kang karapatang husgahan ako dahil hindi mo alam dinaranas ko mabuhay lang sila. Yung sinasabi mong pang-aakit ko kay Leander para makuha lahat ng gusto ko, siya lahat may gawa niyon at sumusunod lang ako. Gusto mo malaman kung ano ang totoo tanungin mo siya hindi iyong manghuhusga ka ng kapwa mo." tinignan ko siya from head to toe. "Gwapo ka rin sana at may tinapos pero parang walang manners at......" napahinto saglit saka ko diniin ang huling kong sinabi. "Pinag-aralan." Pagkatapos, umalis na rin ako at iniwan ang lalaki na 'yon. Akala niya kasi madadala ako sa mga paratang niya. No way. Hangga't may katwiran akong ipagtanggol ang sarili gagawin ko.