"Anong silbi nito kung hindi ako makakadalo??" inis na wika ni Zayla.
Kakarating nung invitations na pinadala ni Christian. I got mine too. May kasama pa yung dress sa loob. It's a maroon backless dress. It's simple but elegant. Pansin ko na rin na kulay maroon yung invitation card na binigay niya sa amin. I guess that's the theme.
"You're invited." basa ni Miggy sa nakasulat doon sa hawak niyang card. "Dalawang letra lang pero ang lakas ng dating."
The design is really cool. It's not just simple paper. Hindi ko alam kung ano yun but it's hard and it's already shaped as a small envelope. I opened mine para tingnan kung anong design sa loob. Napangiti ako ng mabasa ang nakasulat doon.
"Be my date, Elle." lakas na naman ng t***k ng puso ko. Tiningnan ko yung letters nila and tanging you'r invited lang ang nakasulat. Did he specifically made this for me? s**t. Nakakakilig.
"Yeah, you're probably happy dahil makakapunta ka na nga may libre ka pang dress. Do you know how expensive this dress is? I'm so f*****g jealous!!" anang si Zayla at nagwawala sa kama niya.
Hindi ko mapigilan ang matawa ng subukan niyang tanggalin yung nakasabit sa paa niya. Hindi ko napansin na nakalapit na pala si Miggy sa akin at inagaw sa akin yung card ko.
"Are you serious?? Why is yours different??" aniya ng mabasa ang nakasulat doon. "Are you guys in a relationship already? He's treating you very special. He had different girls before pero never ko pang narinig na may ginanito siya dati. I mean, he's Christian Sanchez, kung meron man I'm sure they already spread it para mang-inggit."
Tiningnan ni Zayla kung anong nakasulat sa card. Mas lalo lang siyang nainggit. Umupo ako sa kama saka tiningnan ang phone ko. Bago siya umalis nung umagang yun, hiningi niya sa akin ang number ko.
"See you tomorrow night, beautiful." anang text niya.
"Paano ako??? You have to help me get this s**t off!!"
Miggy rolled her eyes. "Matatanggal lang yan pag pinatanggal ng tatay mo o kaya pag pinutol mo yung paa mo. May next time pa naman, Zayla. Just wish na naglalandian pa sila ni Elle next month para makadalo ka."
She screamed. "Wala kayong kwenta na dalawa." bumaling siya sa akin. "Wag mo muna tigilan ang landian niyo hangga't hindi ako nakakadalo sa party na yan. Please lang, Elle. Ngayon lang ako hihingi ng favor sayo."
I just nodded para matigil na siya sa pagngawa niya. Yan kasi ang napapala ng hindi nakikinig sa magulang. Now she'll regret everything she did para galitin ang tatay niya.
The next day, halos hindi ako mapirmi sa sobrang excitement. Maaga pa lang, nag-ayos na ako. I put on make up, inayos ko ang buhok ko ilang beses akong naligo. Para akong tanga. Akala mo naman first time dumalo ng ganitong party.
Sabi ni Christian susunduin niya ako exactly 6 in the evening and it's almost 6. Thankfully wala sina mommy at daddy dahil I'm sure magtatanong sila kung saan ako pupunta ng ganito ang ayos ko. Obviously, hindi sila maniniwala na kina Zayla ako pupunta.
Two minutes before mag-six, narinig kong may sunud-sunod na bumosena mula sa labas. Mabilis akong lumabas ng kwarto ko. Punong puno ng kaba ang dibdib ko habang naglalakad palabas ng bahay. When I opened the gate, namataan ko agad ang kotse ni Christian sa labas. Halos tumakbo na ako just to see him. Halos apat na araw na rin na hindi ko siya nakikita. He was busy. Sa text at tawag lang kami nakakapag-usap.
His driver went out of the car. Binati ako nito kaya binati ko rin siya pabalik. Akala ko wala si Christian. I was disappointed until he opened the backseat and I saw him sitting inside habang nakatanaw sa akin.
Lumabas siya ng kotse at walang sali-salita akong hinagkan sa labi. Thankfully, I used a kiss proof lipstick. I know we'll make out a lot so I'm ready.
"You look so f*****g beautiful, sweetheart." aniya.
Pinagmasdan ko siyang mabuti. He's wearing a maroon tuxido. They're the same shade as my dress. Ternong terno kaming dalawa. He's... He's very handsome. I'm lost for words. Akalain mong may ikakagwapo pa pala yang mukhang yan. Like wow.
He kissed the back of my palm. "Gusto ko na lang solohin ka ngayon at wag na pumunta sa party."
Nahihiya akong tumawa. "Hindi pwedeng wala ka doon, Christian. It's your party."
He sighed. "Why do you have to be so beautiful?"
Yumakap ako sa kanya saka hinalikan siyang ulit. "Bolero mo talaga."
"I'm telling the truth, babe. You're the most beautiful woman I've ever laid my eyes on."
Pinalo ko siya sa dibdib. "Tayo na nga. Baka ma-late pa tayo sa sarili mong party."
Nauna na akong pumasok sa napakagara niyang sasakyan. Sumunod naman siya sa akin. The whole time na nasa byahe kami, wala kaming ibang ginawa kundi maghalikan. I missed his touch and his kiss.
Bumaba ang kamay ko sa pants niya. Hinaplos haplos ko ang nakaumbok doon. I felt him bite my lips. "Bad girl." bulong niya.
I pouted. "I'm sorry."
He cupped my face and kissed me again. "Lagot ka sa akin mamaya."
"Sorry na nga. Tss."
"Pinatayo mo kaya lagot ka." bulong niya.
Tumingin ako sa baba niya. Nahihiya akong ngumiti. Mukhang buhay na nga ang alaga niya. Hinalikan ko na lang siya ulit hoping it will help him pero mas lalo lang yata yung lumala. He won't stop kissing me though.
Natigil lang kami nung nag-park ang kotse niya sa harap ng isang malaking building. Nagtaka ako. I thought it's a yacht party?
Though confused, sumunod na lamang ako sa kanya papunta sa loob. Binati siya ng mga taong nadadaanan namin habang tinitingnan nila ako na para bang curious sila o ewan. Bumababa pa talaga yung tingin nila sa kamay namin ni Christian na nakahawak. Hindi ko na lang yun pinansin. I'm guessing this is his company dahil sa paraan ng pag-address nila sa kanya. I wonder kung gaano siya kayaman. I mean I know it's a lot but I wonder how lots that is.
"Why are we here?" I asked nung nasa loob na kami ng elevator.
"Our ride is on the rooftop, sweetheart." aniya.
I raised my eyebrow. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun pero hindi na ako nagtanong. Pagdating namin sa taas, doon ko lang narealize ang ibig niyang sabihin. We're riding a helicopter. Oh god. I have never ride one before. This rooftop is a helipad.
Kinausap niya yung pilot ata bago kami pumasok sa loob. Talagang yumuko ako sa takot na baka sumabit yung buhok ko doon sa umiikot-ikot sa taas at maitapon ako pababa nitong pagkataas taas na building. Inalalayan ako ni Christian hanggang sa makapasok ako sa loob.
Agad akong yumakap sa kanya. I'm scared kahit ba may suot naman kaming seatbelt.
"Relax, baby." bulong niya. "You will love this."
"This is my first time to ride a helicopter, Christian."
He kissed me to calm me down. Napahigpit ang hawak ko sa braso niya ng maramdaman na umaangat na yung sinasakyan namin. Binaon ko ang mukha sa leeg niya. I'm scared of heights. I don't know what's so f*****g beautiful about possibly dropping to your death. Like no. I don't care about being close to the clouds thank you.
Matapos ang ilang minutong nakapikit lang ako, naramdaman kong inangat ni Christian ang mukha ko. "Open your eyes, babe." he said.
"Pag dumating na lang tayo." I answered.
Mahina siyang tumawa. "I have a little show for you so please open your eyes. Trust me, you'll love this."
Kahit na nagdadalawang isip, sinunod ko ang sinabi niya. He told me to look outside. At first, I was scared as hell but when I saw what's under there, agad na nawala yung takot ko't napalitan yun ng pagkamangha. My heart is beating so f*****g fast. We're not that far above. Nasa ibabaw kami ng dagat and there are lights above the water... They look like fairy lights dito sa taas. Naka-spread sila hanggang sa yacht na nasa di kalayuan. They're guiding the guests na nakasakay sa maliliit na bangkang naghihintay sa kanila sa dalampasigan while wearing their most beautiful dresses and suits. I can't tell how many boats are there but they looked so beautiful dahil sa makukulay na ilaw na nakadisenyo around them. I can tell na may nagsasagwan para sa guests and I can tell they're wearing tuxidos. It's crazy. The sea is shinning so brightly because of those lights. I don't even know how they put all those above the water.
I thought that was all. But Christian took something out from his suit's pocket. It's a small remote. Nagtaka ako kung ano yun. He kissed me before he pushed the button. Mabilis akong tumingin sa labas para tingnan kung anong mangyayari.
My jaw literally dropped when I saw lights shinning under the water!! Yes, they're under the goddamn water and they're moving. After a couple seconds, they formed into... I-into my name. Elle. I looked at him unbelievably. It looked like he wrote my name in the water using that goddamn remote. Lahat ng nasa ibaba ay napatingin doon. Matapos nun mabuo ang pangalan ko, they suddenly spread and floated above the water. Right after that, nakarinig ako ng malalakas na ingay kung saan naroon ang yacht. I was left in awe. Napuno ng kulay, hindi lang ang dagat kundi pati ang langit ng sumabog ang iilang fireworks galing sa yacht. They looked so beautiful. The fireworks formed into different shapes and colors before they died down tapos may susunod ulit.
I'm totally speechless. I've never seen something like this before. Now I know why people want to attend this party so badly. Entrance pa lang, manghihina na ang tuhod mo sa ganda ng presentation nila. Malamang matagal nila tong pinaghandaan.