Seven

1878 Words
           Tahimik lang akong nanuod ng fireworks na hindi ko alam kung gaano katagal natapos. It was so freaking beautiful. After that show, I heard sounds coming from the yacht... Music... A band? I'm not sure, but they sounded so elegant.            Tumikhim si Christian. Doon lang ako ulit napatingin sa kanya. "So?" tanong niya habang inaayos ang suot na neck tie.            Hindi pa rin ako makapagsalita. I don't know what to say.            "Do you like it?" patuloy niya.            Imbes na sagutin ang tanong niya, hinila ko siya palapit sa akin at mapusok na hinalikan. Oh god, like it? No... Liking it is an understatement. I was amazed... Bewildered... No words can describe how I'm feeling right now. It was beautiful.            "That was amazing, Christian." I said.            He licked his lips. "I prepared that for you." aniya.            Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niya. Damn. Kahit talaga gaano kaganda yung na-witness ko kani-kanina lang, hindi nun mapapantayan ang isang napakagandang nilalang na nakalahad sa harapan ko ngayon. He total lured me closer because of that He knows how to amaze a woman.            "I... I really don't know what to say. It was beautiful."            Hinawakan niya ang mukha ko. "Pero mas maganda ka pa rin."            How can women not love him? Oh, he's so good with everything... With his words, his actions... He's a total package. Kung nagawa niya yun for a person who's not even special to him, ano pa kayang magagawa niya kung para na yun sa taong mahal niya? I can't imagine. Siguradong ang swerte ng magiging girlfriend niya. Ngayon pa lang naiinggit na ako.            Lumipad na ang helicopter palapit doon sa yacht. Hindi ko alam kung paano kami bababa. Walang helipad doon. Pinalapit nung pilot ang helicopter sa isang stage na nasa taas na part ng yacht. I got scared when Christian suddenly opened the goddamn door. Like oh my god no!! I think I know what he's planning.            May binabang lubig yung lalaking nasa harap namin. Hinawakan ni Christian ang kamay ko. Paulit-ulit akong umiling.            "I'd rather not." kinakabahan kong wika.            He laughed. "Trust me, babe. Hindi kita hahayaang masaktan." aniya. "Wear this."            Inabot niya sa akin yung safety harness. "No, Christian. Babalik na lang ako sa--"            "You're not going anywhere, baby. Wear that, okey? Just trust me."            Nung hindi ko yun sinuot, siya na mismo ang naglagay nun sa katawan ko. Kinakabahan talaga ako. I should have told him I'm scared of heights. But I guess it's too late.            Sumenyas yung lalaki na okey na daw. Hindi naglagay si Christian ng safety harness sa katawan niya kaya pinigilan ko siya but she just smiled at me. I don't really like this idea. Napasigaw ako ng biglang lumambitin siya doon sa lubid. He just laughed.            "Let's go, sweetheart. They're waiting for us." inabot niya sa akin ang kamay niya.            I looked down. Kahit na nagdadalawang isip, inabot ko sa kanya ang isa kong kamay. I'm just really scared na baka mahulog siya kung magtagal siya roon. Mahigpit niya akong hinawakan. Kumapit ako sa leeg niya. Sumenyas si Christian doon sa lalaki saka dahan dahan kami nitong binaba. I was so scared.            "C-christian... I f*****g hate you." naiiyak kong wika.            Natawa na naman siya. "You'll love me after this night, sweetheart."            He pulled me closer to him. I don't know how he was able to hold on to that rope with just one f*****g hand. Nagawa niya pa talaga akong hagkan sa labi habang pababa kaming dalawa. Nang malapit na sa lupa, narinig ko ang hiyawan at palakpakan ng mga tao na nasa yacht. Binaon ko ang mukha sa leeg ni Christian kahit nung maramdaman kong nakaapak na kami sa stage na naroon. Tinanggal ni Christian yung harness na nakapalibot sa katawan ko.            "You're so cute, babe." natatawa niyang bulong.            "I-I really hate you."            He hugged me. "I'm sorry."            Nasa ganung posisyon pa rin kami nung naglakad siya sa harap. "Good evening, everyone." he greeted from the microphone. "I'm sorry, my girlfriend's scared of heights. I just made her cry."            Some of them laugh kahit walang nakakatawa while some started whispering. I didn't even care about what he just told them. Hinarap ko lang naman ang isa sa mga phobias ko like a minute ago. It wasn't funny at all.            "Please enjoy the rest of the night."            Matapos ang sinabi ni Christian, malakas na nagpatugtog ang banda na nasa gilid namin. Masyado akong natakot kanina, hindi ko napansin kung gaano kaganda ang at kalaki nung yacht. Everyone looked so stunning. I feel like I'm in a dream. Punong puno ng ilaw yung yacht. Everyone started to dance sabay nung tugtog. I even saw familiar faces. Mga mukhang madalas mong nakikita sa tv. May iba't ibang drinks na dala yung waiter. May buffet na nakalatag para sa guests. Everything's f*****g pretty.            Kinarga ako ni Christian at dinala paalis doon sa stage. We went inside a small door na nasa gilid. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.            "Ibaba mo ako." utos ko.            He pouted. "Ayoko nga."            "Christian!"            Ngumisi siya. "If you're planning to escape, sasabihin ko na sayo sweetheart, wala kang ibang mapupuntahan dito. Babalik lang yung mga bangkang sinakyan ng guest after the party. Behave. Hindi na kita tatakutin."            "Hindi ako tatakas. Tss. I know that very well, Christian. Basta, ibaba mo na lang ako kung ayaw mong mas mainis ako sayo."            He sighed. Huminto siya sa paglalakad at binaba ako. Agad kong inayos ang dress na suot. Tss.            Hinawakan niya ang kamay ko. "Hindi ka pa nagdi-dinner, right?"            I nodded. "Sabi mo sabay na tayo."            "Then kumain na muna tayo bago lumabas. Naghanda ako ng dinner for us."            Ngayon ko lang naramdaman ang gutom ko. Naglakad na kaming muli. We went inside a door again. Dumaan kami sa isang hagdan pababa. Sumunod lang ako sa kanya. Pagdating namin sa baba, sumalubong sa amin ang iilan sa waiters and waitresses ata dahil dun sa suot nila. They all greeted us.            Hinarap muna ako ni Christian bago kami pumasok ulit sa isang pinto. Napanganga na naman ako sa sobrang gulat pag pasok namin sa loob. Oh my god. What the hell?            The... The whole room is made of glass and we're literally under the goddamn water right now. May ilaw na nakapaligid sa ilalim ng yacht kaya kitang kita ko yung malalaking corals na nasa ilalim, yung iba't ibang klaseng isda na lumalangoy langoy sa paligid. They're all in different sizes and colors and shapes. It's so f*****g beautiful. The lights are glistening and sparkling. It's so cool to look at. Sigurado ba akong hindi ako nananaginip ngayon? These are too good to be true.            I laughed when I saw the lights in the other side forming my name. How did they do that?            Agad akong yumakap kay Christian saka pinalo palo siya sa dibdib. "I really hate you. You surprised me kanina tapos tinakot tapos ngayon sinurpresa mo na naman ako. Tatakutin mo na naman ba ako mamaya?"            He kissed me on my forehead. "I'm sorry, sweetheart. I thought it was cool."            "f**k you."            "Later."            Sinamaan ko siya ng tingin.            "Joke lang. Tss." bawi niya. "Mabuti pa kumain na tayo. Mahirap gutumin ang baby, biglang nagwawala."            Siniko ko siya. "Ewan ko sayo."            Umupo na kami sa gitna ng room kung saan may nakalagay na mesa. It's a bit scary dahil glass talaga lahat, as in! Pati yung inaapakan namin, glass. Kaya pag may lumangoy sa ibaba, malamang nakita na niya ang panty ko. Yun talaga ang concern ko noh?            But seriously, this place is so astonishing. Mas lalo pa akong namangha when they turned off the lights. Tanging ilaw sa labas lang at ang kandilang nasa taas namin ang nagbibigay ilaw sa buong kwarto. It's so cool dahil mas lalo kong naaappreciate yung ganda ng dagat.            I looked at Christian. "Ginagawa mo toh sa lahat ng babaeng ka-date mo every month? You must be really rich." I said.            Umiling-iling siya. "I don't need to do this to get every women's attention, sweetheart."            I sighed. "Right." iniwas ko ang tingin sa kanya't binaling na lang ulit doon sa labas ng glass habang nilalagay nung waiter yung pagkain namin sa mesa.            "This is the first time I brought a date here." aniya pagkuway.            I didn't respond. I don't believe that.            "I prepared all these for you sa loob ng ilang araw at talagang yan ang iniisip mo ngayon?" he asked unbelievably.            I faked laugh. "Wala akong iniisip. I'm just appreciating the view."            "Elle..."            Tumingin ako sa kanya. "Hmm?"            "I... I wanted to...--" he took a deep breath. "Sayo ko lang ginawa toh, sweetheart. Gusto kong magyabang sayo. I wanted to surprise you and amaze you. I love seeing your cute reactions, that's why."            Hindi ko alam kung anong ire-react sa sinabi niya. Kumakabog-kabog na naman ang dibdib ko. Fine. Siya na yung magaling magpakilig ng babae.            "I'm thankful, Christian. This is one of the best nights of my life. I've never experienced or seen anything like this before. Wala ngang paglagyan ang saya ko. No one did this kind of effort for me ever. You're so sweet. Thank you."            Hinawakan niya ang kamay ko. "You haven't seen anything I can do for you yet, sweetheart."            Ahhhh!!! Gusto kong sumigaw. Wala na. Tumalon na yung puso ko mula sa ribcage ko sa sobrang kilig. But of course, I need to chill. Hindi ko dapat yun ipakita sa kanya. Act classy, Elle. Wag agad tatalon into conclusions. Lalagapak tayo niyan. Maybe he's just a sweet guy. He overdone it kasi sabi nga niya eto ang unang beses na nagdala siya ng date dito. Yun lang yun. Walang iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD