Kabanata 1
"AH, s**t! Ayoko na!" mariin na sigaw ni Nina sabay bagsak ng beer glass sa kaharap na lamesa.
"Weak pa rin, Nina?" tudyo ng kanyang kaibigan na si Bridgette. Naiiling na itinaas nito ang isang kamay upang matawag ang atensyon ng waiter. "One more bucket of RH, please!" sabi nito sa lalaki.
Umiikot na ang paningin ni Nina lalo na ng umiling-iling pa sya. Hindi na nya actually mabilang kung nakailang baso na sya ng lintek na alak na 'yan. All she can think of is heart ripped by her asshole ex-boyfriend.
How could Rhenz be so cruel? Ibinigay naman nya ang lahat para dito ah? Time, effort, attention, love. She can't think of anything that can lead him to do such a thing.
And now, she is devastated as hell.
Napabuga ng hangin si Nina at kahit sa nanlalabong katinuan ay iniabot pa rin nya ang box ng ciggar na nakapatong sa lamesa nila. She's been avoiding alcohols and ciggarettes for two years now because of Rhenz. Ayaw ni Rhenz na naninigarilyo at nag-iinom sya and she gladly obliged him because she love him. Kahit nga yata sabihin ni Rhenz na tumalon sya mula sa rooftop ng building, gagawin nya as long as he will be happy with it.
'f**k him, f**k his whole being!' Nina muttered under his breathe. Pinigilan nya ang muling panunubig ng kanyang mga mata nang maalala kung bakit sila humantong na sa paghihiwalay. It's so disgusting to remember. Kinikilabutan pa rin sya kapag naalala ang nangyari ng gabing 'yun.
Sinindihan nya ang sigarilyo at hinithit ito. Inikot nya ang silyang kinauupuan upang mapaharap sa kabilang dako nitong bar kung saan nila napag-desisyunang magkakaibigan na uminom.
"Hoy, babaita! Inumin mo na 'yan! Inuugat na!" untag naman ng isang kaibigan ni Nina na si Geline. Ininguso nito ang basong kanina ay puno ng yelo ngunit ngayon ay animo nagtutubig na ito.
'f**k you, Redhorse. You're slowly killing me.' anas nya. Umiling sya at nagdesisyon na tumayo. Kahit may kadiliman sa paligid, idagdag pa na nahihilo na sya, pinilit pa ring maglakad ni Nina palayo sa lamesa nila. Hindi alintana ang pagtawag ng apat na kaibigang kasama.
Pa-ekis ekis ang paglakad ay pinilit nyang hinahagilap sa paligid kung nasaan nga ba ang daan palabas nitong madilim at mausok na lugar na ito. She needs air, she wants to breathe, this place is suffocating her with smoke, noise, and her thoughts.
May nabangga syang babae nang magsimula na naman syang maglakad. "Aw! b***h, watch where you're going!" sigaw ng babae na nabangga ni Nina. She just raised her right hand and shooed her away. Kapag ganitong pakiramdam nya ay nasusuka na sya, baka dito pa sa pagmumukha pa nitong babaeng ito nya mailabas ang lahat-lahat ng ininom at kinain nya.
Sa wakas ay narating na din nya ang exit door at tuluyan ng lumabas. Doon na lamang muna sya tatambay. Ayaw na nya sa loob dahil hindi na sya sanay sa maingay at magulong atmosphere ng bar na katulad nito.
Nang tuluyan ng makalabas si Nina sa bar, agad syang huminga ng malalim at pinuno ng hangin ang dibdib. Madilim pa rin ang kapaligiran at halos puno na ang may-kalawakan rin namang parking lot nitong bar na ito.
What could she expect? Friday night ngayon at swelduhan pa kahapon kung kaya't maraming maiwawaldas ang mga tao ngayon.
Pasalmpak na naupo si Nina sa gutter nitong parking lot. Tumingala sya at pinagmasdan sandali ang kalangitan. 'Walang bituin. Nasaan na ang mga bituin? Iniwan na rin nila ako.' mapait na naisip ni Nina.
Isa pang muling buntong-hininga at nagpalinga-linga si Nina sa paligid. Walang tao dito maliban sa security guard na naka-bantay sa entrance door nitong establishment at sa isang pares na marahil ay mag-dyowa na nakatayo at nag-uusap sa tabi ng isang Honda Civic.
Tumungo sya sa kanyang hita at ipinatong ang noo dito. Pumikit sya ng mariin upang mapawi kahit konti ang pagkahilo nya. Samantalang dati, kahit ano pang klase ng alak ang ihain sa harapan nya ay kanyang iinumin. Binago nga talaga sya ni Rhenz. Isang pagbabago na hindi nya alam kung nakabuti ba o nakasama sa kanyang pagkatao.
Lumipas ang mga sandali na nasa ganoong posisyon lamang si Nina. Hindi alintana ang paligid, walang pakialam sa isang grupo ng magkakaibigan na sobrang ingay at pumasok sa loob.
Habang nakaupo si Nina at nakapikit, iwasan man nya ngunit parang tubig na nagpipilit makalusot ultimo sa napakaliit na butas ang mga alaala.
For the past two years, halos kay Rhenz lang umiikot ang kanyang mundo. Kung ano ang nakakapag-pasaya dito, kung ano ang gusto nito at hindi gusto, kung ano ang kailangan nito na handa palagi syang punan.
Sabi nga ng kanyang mga kaibigan, nabura na ang lahat ng laman ng kanyang dictionary at tanging naiwan na lamang ay ang pangalan ni Rhenz. Yes, she almost forgot everything including her friends. Her friends na ngayon ay kanya namang naging takbuhan dahil iniwan na sya ng taong naging dahilan upang halos makalimutan na nya ang kanyang mga ito. She felt guilty kapag naalala ang ginawa nyang pambabalewala sa mga kaibigan.
In the process of loving and making Rhenz her world, she lost her own self. She let him rule her.
Si Nina ang klase ng tao na naniniwala sa salitang love o pagmamahal ngunit sya ang tao na hindi naniniwala sa destiny, soulmate, skip of heartbeat when you see the person you love, or electricity na sinasabi kapag nahawakan mo daw ang taong mahal mo. For her, those are just made by fools. She can love but she isn't a fool.
Not until that day when she met Rhenz. Kaya pa nga yatang idetalye ni Nina ang araw na iyon kung saan sa unang pagkakataon, naranasan nya ang tila pagtigil ng t***k ng kanyang puso. Ngiti pa lang ni Rhenz noon ay halos maihi na sya sa kilig.
Si Rhenz na yata ang tumutugma sa lahat ng katangian ng lalaki na gusto nya. Tall, charming, handsome, mukhang mabango palagi kahit paglakarin mo pa sya sa gitna ng mainit at santing na araw ng EDSA sa loob ng isang oras. Ang lakas rin ng sense of humor, matalino, at sobrang sweet.
All in all, package deal na si Rhenz, wala ng hihilingin pa ang babaeng makaka-relasyon nito. Kumbaga bumili lang si Nina ng isang maliit na personal ref pero may free na aircon pa. Ano pa nga ba ang hahanapin nya, hindi ba?
Kaya naman ng maging close sila, hindi na nya napigilan ang tuluyang mahulog ang loob dito. He was different from the boys she had. Naka-tatlo na syang boyfriend bago nya nakilala si Rhenz. From then on, naisip nya na si Rhenz na nga talaga ang hinahanap nya.
Ganoon na lamang ang tuwa nya nang mag-confess si Rhenz sa nararamdaman nito para kay Nina. She thought, what the hell? Ang daming babae, mas maganda, matalino, presentable than her but still, sya ang pinili ni Rhenz. It felt like she was on cloud nine-- a place she didn't even know existed.
Akala nya exaggeration lang ang feeling na sinasabi ng mga taong in love na parang idinuduyan sa alapaap pero totoo pala talaga. That's what she felt that day when she said yes to him.
Doon nagsimula ang masayang mga araw nila. Magkasundo naman sila sa halos lahat ng bagay ngunit natural na meron silang hindi pagkakapareho. Isa na doon ang pagsama ni Nina sa kanyang mga kaibigan upang mag nightout, clubbing and such.
She was ordered to stop going to bars and drink with her friends dahil hindi daw maganda sa imahe 'yun ng babae. Sinunod nya ang gusto ni Rhenz. She was deeply in love that time. Naisip rin naman ni Nina na tama nga si Rhenz, hindi magandang tingnan sa babae ang nasa bar dahil kadalasan kung sino-sinong mga lalaki lang rin ang makakasalamuha doon.
Inutusan din sya ni Rhenz na tigilan ang paninigarilyo. Utos is the term dahil hindi nakikiusap si Rhenz o nagpapayo. Parang she doesn't have a choice but to say yes everytime.
Okay lang naman kay Nina noon. For her that time, being in a relationship with a dominant partner is sweet. Hell. f**k the novel she's was reading that time for making her think that way!
Naisip pa nya noon, ano nga ba naman 'yung alisin ang bisyo kung sa ikagaganda naman talaga ng kalusugan nya. Ano din ba naman 'yung may baguhin pa din si Rhenz sa katauhan ni Nina, tanggap nya 'yun. Okay lang sa kanya...
"Miss? Bawal matulog dyan. Hayan kasi, iinom-inom ng marami pero hindi pala kaya." naputol ang pagbabalik-tanaw ni Nina dahil sa isang asungot na biglang nambulabog sa nananahimik na diwa nya.
Kunot ang noo at iritang tumunghay si Nina upang sigawan sana ang taong ito. Ano ba ang pakialam nito kung matulog sya dito sa parking lot?
"Ano ba ang problema mo?!" bulyaw ni Nina. Hindi nya halos mapagsino ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan dahil nahaharangan nito ang liwanag na nagmumula sa harapan ng 9th Avenue bar.
"Wala naman." natawa ng marahan ang estranghero at nagkibit-balikat. "Baka kako makatulog ka kasi dyan. Nasaan ba ang mga kasama mo?" humakbang ang lalaki palapit kay Nina at laking gulat na lang nya nang maupo pa ito sa kanyang tabi.
Hindi parin maalis ang pagsasalubong ng mga kilay ni Nina na pinagmasdan ang lalaking kanina lamang ay nambulabog sa kanya at ngayon ay nakikipag-usap na sa kanya na animo close sila. Pinasadahan nya ng tingin ang lalaki at hindi naman maitatanggi ang taglay nitong ka-gwapuhan.
May katangkaran, clean-cut na buhok, hindi man sya maputi ngunit manly ang dating nito, may manipis na beard at moustache. Lalaking-lalaki ang dating ayon sa panlasa ni Nina kahit pa wala naman syang mamataang muscles sa katawan nito dahil naka-itim na jacket ito at pantalon.
'Mas gwapo pa rin si Rhenz.' singit ng isip ni Nina. Wala naman syang ibang lalaking nakikitang gwapo simula nang maging sila na ni Rhenz. For her, si Rhenz lang ang gwapo, ang mabango, ang lahat-lahat na.
Nag-iwas ng tingin si Nina nang mapansin na tumikwas ang isang gilid ng labi ng lalaki. "What are you smirking at?" pasupladang tanong ni Nina. Bahagya syang napahiya dahil sa harap-harapan namang pagtingin nya sa itsura ng lalaki. She know it's rude but can he blame her? Sya naman itong bigla-bigla na lang lalapitan ang nanahimik na babae.
"Nothing." may bahid ng amusement na sagot ng lalaki. "Bakit ka nandito? Sayang naman ang bayad mong entrance fee dun sa bar kung dito ka lang pala tatambay."
"Pakialam mo ba. Can you just leave me alone?" inirapan ni Nina ang lalaki at itinuon ang tingin sa mga sasakyan na naka-park sa harapan nila.
"Chill, Miss." kumumpas ang isang kamay ng lalaki at nag-inat pa ito. "Boring sa loob, ano?"
Imbis na sagutin ang tanong ng lalaki, tumayo na lang si Nina.
"Saan ka pupunta?" pabigla ring napatayo ang lalaki.
"Gusto ko mag-yosi. Meron ka ba?" mataray na tanong ni Nina.
"Yosi? Wala. I don't smoke. Bad sa health." umiling ang lalaki.
"Another health buff." bulong ni Nina at humakbang na palayo sana sa lalaking ito ngunit mabilis syang napigilan ng kausap. "Ano ba?!"
"Saan ka pupunta?"
"Bibili ng sigarilyo."
"Saan?" aktong luminga-linga pa sa paligid ang lalaki upang ipakita kay Nina na wala namang yosi vendor sa paligid ngayong oras na ito unlike kapag umaga ay maraming nagtitinda sa paligid nito na mga takatak boys.
"Anywhere. Basta gusto ko ng yosi!" inis na wika ni Nina. Halos mapapadyak pa sya dahil naiirita na talaga sya sa pakialamerong lalaking ito.
"May alam ako na bilihan." hawak pa rin ng lalaki ang isang braso ni Nina.
"At bakit ako sasama sayo?" taas-kilay na tanong ni Nina sa lalaki.
"And why not? I won't do any harm to you, Miss. Isa pa, doon lang sa kabilang kalsada ang sinasabi kong bilihan and maybe we can grab a cup of coffee, too."
Tumitig lang si Nina sa lalaki at ilang sandaling nag-isip. Gusto nga talaga nya manigarilyo ngayon dahil naiinip na sya. Hindi naman pwede na mauna na syang umuwi sa mga kasama dahil wala syang dalang sasakyan at hindi naman sya pwede mag-commute ng ganitong oras dahil pahirapan na ang byahe, idagdag pa na malayo pa ang bahay nya. Kina Bridgette nga sya makikitulog ngayon.
Nang makapag-pasya ay tumango si Nina. Ikinangiti naman ng lalaki ang sagot nya at inalalayan na syang lumakad patungo sa lugar na sinasabi nito. Paglabas nila sa vicinity ng bar, itinuro ng lalaki ang sinasabi nitong pupuntahan nila. Hindi naman pala ganoon kalayo. In fact, ilang establishments lang ang pagitan mula rito at kailangan lang nilang tumawid dahil sa kabilang kalsada pa iyon.
Tahimik silang naglakad kahit pa uneasy ang pakiramdam ni Nina dahil naka-alalay pa rin ang lalaki sa kanya. Tumikhim si Nina. "You know, I can walk by myself." wika nya.
Tumawa na naman ng marahan ang lalaki. It sounded sexy to her ears, whether she like the idea or not. Lalaking-lalaki ang tunog maging ng pagtawa nito.
'Hay, Nina. Kung ano-ano na namang naiisip mo. Quit that!' sermon ng isip nya.
"I doubt it." sagot ng lalaki. Hindi pa rin nito binibitawan ang braso ni Nina hanggang sa makarating sila sa pakay na lugar.
Tahimik na ang maliit na coffee and cake shop na ito. May dalawa na lamang customer na magkaibang lamesa ang inookupa. Ang isa ay abala sa pag-type ng kung ano sa laptop nito habang ang isa naman ay may ka-video chat yata sa cellphone nito. Parehong may isang maliit na plato sa harapan nila at cup ng kape.
Iginaya sya ng lalaking kasama sa outdoor table. "Dito na lang tayo sa labas kung gusto mo mag-yosi." wika nito.
Tumango lamang sya at naupo na. "Sandali lang ha." paalam ng estranghero. Oo nga pala, hindi pa nya alam ang pangalan ng lalaking ito pero sumama na kaagad sya dito. Sabagay, ano bang masama sa pagkakape?
Sumulyap sya sa loob ng coffee shop na ito at natagpuan sa bandang counter area ang lalaking kasama. Marahil ay nagbibigay na ito ng orders nilang dalawa. Ilang sandali pa ay lumabas na ito at binalikan si Nina. "Bibili lang ako ng yosi. Anong yosi mo ba? Menthol?"
Umiling si Nina. "No. Lights na lang." sagot nya.
Ngumiti ang lalaki at iniwan syang muli. Nagpunta naman ito sa katabing tindahan na sari-sari store. Naiwan na namang mag-isa si Nina. Dahil sa walang magawa, tiningnan na lang nya ang paligid. Walang dumaraang sasakyan sa kalsada, wala ring tao sa paligid at puro sarado na ang commercial buildings maliban sa coffee shop na ito at sa sari-sari store sa kabila.
Hindi naman dumaan ang matagal na minuto at bumalik na ulit ang lalaki. Naupo na ito sa silyang katapat at inilapag sa lamesa ang isang kaha ng Marlboro Lights at limang candy. "Wala akong lighter, meron ka ba?" tanong nito.
Umiling lang si Nina bilang sagot. Dumampot sya ng isang candy at binuksan ito. "Sa loob baka meron, at ashtray na rin hiram ka." utos nya.
"Sandali, senyorita." sarkastikong wika ng lalaki at nginisian pa si Nina. Inirapan nya lamang ito at isinubo ang candy.
Bumalik sa loob ang lalaki at nagderetsong muli sa counter area at kinausap ang nakatagalang tao roon. Bumalik na ulit ito sa labas dala ang lighter at ashtray na hiniram. "Hayan na, senyorita."
Pinanlakihan lang ni Nina ng mga mata ang lalaki at padabog na dinampot ang lighter at kaha ng sigarilyo. Binuksan nya ito at nagsindi ng isa. Ang lalaki namang kaharap ay napailing na lamang pinagmamasdan sya.
"Why?" tanong ni Nina matapos ibuga ang usok.
Isang iling pang muli bago ito sumagot. "You're slowly killing yourself, Miss. Gumagastos ka na nga ng mahal sa isang stick ng yosi na 'yan habang pinapatay ka pa." wika nito.
"Oh, please. Don't lecture me for being a smoker. I've been hearing about that a lot. So please, spare me." nakasimangot na wika ni Nina. Ganyan din kung makapag-salita si Rhenz about smoking. Kesyo nagbabayad ka na nga ng mahal para lang patayin ka paunti-unti. "Oo pinapatay nito konti-konti ang gumagamit sa kanya pero sino ba ang nagmamadaling mamatay? Ikaw nagmamadali ka ba?"
Ngumiti ang lalaki. "No. Okay, ayan na ang isang pack ng yosi, ubusin mo lahat 'yan ha." bumalik na naman ang sarkastikong tono nito.
"Sure, I will." pabalewala namang sagot ni Nina at muling binigyang-pansin ang sigarilyo na unti-unti nang nauubos.
May lumapit sa kanilang barista at inilapag na sa harapan namin ang dalawang umuusok na kape. "Oh, no. Bakit mainit na kape?" reklamo ni Nina.
"At bakit hindi?" nakataas ng bahagya ang kilay ng lalaki.
"Sana frappe na lang."
"You need hot coffee right now, Miss. Saka ka na mag-frappe."
Wala namang choice si Nina kaya humigop na rin sya. Tama naman ang lalaki, mas kailangan nya ito sa ngayon upang tuluyang mawala ang pagkalasing.
"What's your name?" untag nya sa lalaki.
Nabitin sa ere ang aktong paghigop sana nito at tumingin kay Nina. "You, what's your name?"
"I was the one who asked the question, Mister. Who are you? What is your name?"
Naningkit ang mga mata ng lalaki na nakatitig ng deretso sa mga mata ni Nina. "Will you tell yours in return?"
Nakipag-sukatan ng tingin si Nina sa estranghero at nag salita. "Of course."
"Real name or just a code name?"
Natawa si Nina. "My real name of course, you dumbass!"
Nahawa ang lalaki sa pagtawa ni Nina. "I was just making sure. Mahirap na." nagkibit-balikat ang lalaki. "I'm Denn."
Napangiti si Nina. "Denn what?"
"Just Denn for now, Miss. How about you?" pa-mysterious pang sagot nito.
Inirapan ni Nina si Denn. That would be okay for now, or maybe for good, since she wasn't sure kung magkikita pa nga ba sila pagkatapos ngayon. "Nina." sagot ko.
"Nina what?" natatawang tanong ni Denn.
"Madaya ka ha. Nina na lang din."
Denn held out his hand for a handshake. "Nice to meet you, Nina."
Tinanggap ni Nina ang inaalok ng lalaki. "Likewise, Denn."
Lumipas ang mga sandali na kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila ngunit parang may silent agreement na 'wag pag-usapan ang personal informations nila katulad ng trabaho, saan nakatira, single or not. Umikot lang sa current news, sa nangyayari sa FIBA World Cup at sa bar na pinanggalingan nila ang kanilang usapan.
"Okay rin naman talaga ang magtayo ng bar." pag sang-ayon ni Denn sa sinabi ni Nina na isa ang bar sa mga magandang invenstment sa panahon ngayon.
May sasabihin pa sana si Nina sa kausap ngunit naagaw ang atensyon nila sa tunog na nangaggaling sa clutch bag ni Nina.
"Nako, oo nga pala! Baka hinahanap na ako ng mga kasama ko." nag-aalalang wika ni Nina. Mabilis nyang binuksan ang bag at kinuha ang cellphone. At tama nga sya sa hinala, tumatawag na ang isang kaibigan nyang si Erika.
"Nina! Nasaan ka na?!" sigaw nito. Naririnig pa rin nya ang background music sa bar hudyat na naroon pa rin sila.
"Uuwi na ba tayo?" tanong ni Nina.
"Oo, bruha ka! Kanina ka pa namin hinahanap!" malakas pa rin ang boses na sagot nito.
"Sige, sige. Pupunta na ako dyan." wika ni Nina at pinatay na ang tawag. "I have to go." sabi nya kay Denn na nakatingin lamang sa kanya.
Bumakas naman ang disappointment sa mukha ng lalaki. "Ganoon ba? Sige. Mag-uumaga na rin naman." wika ng lalaki. Tumayo na ito. "Ihahatid na kita pabalik doon, nandon din ang kotse ko."
Tumango si Nina ngunit ng paalis na sila, cellphone naman ni Denn ang tumunog. "Sandali, sasagutin ko lang ito."
Habang hinihintay ang pakikipag-usap ni Denn ay nakatanggap naman ng text message si Nina. 'Girl ano ba? Tara na! Si Bridgette lasing na lasing na!'
Nang mabasa ni Nina ang text message ni Erika ay nagdesisyon syang iwan na lang si Denn. She mouthed the words to Denn, "Aalis na ako. Una na ako ha. Thanks!" at mabilis na syang lumakad palayo. Hindi na nya hinintay pa ang sagot ni Denn.
Nang makatawid sya sa kabilang kalsada, isang huling lingon ang iginawad nya kay Denn. Kumaway rin syang muli sa lalaki. Ito na marahil ang una't huling beses na magkikita sila. Nakagaanan man nya ng loob ang lalaki, ngunit hindi na maglalaon ang pagkakakilala nila.
Sumaya man si Nina pasumandali ngayong gabing ito dahil sa presensya ni Denn, na hinayaan syang makalimutan ang kinasasadlakang problema, ngunit panigurado bukas paggising ni Nina ay balik na naman sya sa reyalidad.
Sa isang masama at mapait nyang reyalidad.....