Matapos ang aming dalawang klase ay agad kaming lumabas ng aming silid. "Flue...tara meryenda tayo." Anyaya sa akin ni Karldren. Nakita ko ang kanyang ngiti na nagpasabay sa akin. "Sige tara!" Pagpayag ko sa kanyang anyaya. Hinawakan niya ang aking kamay na siyang nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan. Nakangiti akong nagpahila sa kanya. Para kaming tumatakbo pagkatapos ng kasal..kasal naming dalawa. Ang mga tao ay nagpapalakpakan habang kami ay dumadaan. Naglabasan ang mga iba't ibang kulay ng paro-paro na parang sumasayaw sa isang saliw ng musika. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking nararamdaman sa tuwing kami ay magkasama. Ang napakaganda at napakamesteryong pakiramdam. Hindi kaya nahuhulog na ako sa kanya? Lahat kasi ng kanyang ginag

