Pagpasok ko dito sa aming bahay, dumeretso ako agad sa aking kwarto. Humiga at binalikan ang lahat ng nangyari ngayong araw. Napapangiti na lamang ako habang inaalala ang mga nangyari kanina. Mukhang tuluyan na akong nahulog sa demonyong si Karldren! Napabuntong hininga na lamang ako at nagpagulong gulong sa kama. Hindi ko kasi maiwasan ang hindi kiligin lalo na kanina nagnakaw siya ng halik mula sa akin. Ilang saglit pa ay nakaramdam ako ng pagvibrate sa aking cellphone. Kinuha ko ito mula sa aking bulsa tinignan kung sino ang taong abala. Napangiti na lamang ako ng makita ko ang pangalang "Demonyo" dahil si Karldren ito. Agad kong binuksan ang kanyang mensahe at lalong lumaki ang aking ngiti. "Nakauwi na ako, at sana namiss mo agad ako kasi ako miss na miss na kita agad." Napangiti na

