Karldren's Pov: Nakangiti akong nakaupo ngayon dito sa may sala ng taong hindi ko inaasahang mamahalin ko...si Flue. Noong dumating ako dito mula sa America ay sobrang galit ko sa aking mga magulang. Ayaw ko talagang bumalik ako dito pero kailangan eh. May mga bagay kasi akong dapat bantayan at dapat alagaan para hindi maging malala. Iniwan ko ang maganda kong buhay sa America. Ang tambayan ko sa isang sikat na Bar, ang mga kaibigan ko at ang mga babaeng walang alam kundi ibigay ang kanilang mga kabibe. Lahat ng yan ay pinanghinayangan ko. Akala ko ay magiging Bodyguard lang ako ng isang tao dito pero nagkamali ako. Dito ko pala makikita ang kauna-unahang tao na mahahalikan ko...hindi siya babae kundi lalake! Hindi naman problema sa akin kung lalake man o babae ang makarelasyon ko. Ang

