Hindi ko na hinintay ang sagot ni Karldrick. Alam ko naman na itatanggi lang niya ang aking mga paratang. Kahit na walang sinabi si Flue sa akin, alam ko na kung sino ang nagbigay ng video sa kanya..ang kambal ko! Simula pa pagkabata ganyan na siya sa akin. Oo nga.. kung titignan niyong mabuti ang kambal ko ay parang isang anghel..anghel na pinababa sa lupa dahil sa kabaluktutan ng kanyang pagkatao! Hindi naman sa sinisiraan ko siya pero wala kayong alam sa totoo niyang pagkatao! Ganyan ang karamihan sa ating mga tao. Mapagpanggap at kapag nakuha na nila ang gusto ay lalabas na ang tunay na kulay nila. Sa panahon ngayon, mahirap nang magtiwala kung sino sino diyan. Ang mga kaibigang na ang alam natin ay totoo pero sa likod ng kanilang isip ay sinusumpa na pala tayo. Pati na rin ang ilan

