"ELLAINE! Bilisan mo nga at dalhin mo itong mga gulay kila Aling Violy."
Napalingon ako kay tita na nasa kusina at mabilis na isinara ang page ng libro. Ipinagpag ko muna ang suot na dress at mabilis na sinunod ang utos niya nang mapahinto ako.
"Pero hindi ko po alam kung saan yung bahay ni aling Violy, tita." I scoffed. Napatingin siya sa'kin at tumango.
"Wala si Eve. Sino magdadala niyan?" She said worriedly. Napatungo ako.
Shit naman kasi. Two days pala'ng ako dito, paano ko naman malalaman kung saan bahay nung Aling Violy na 'yan? Nagpunta naman 'yon kahapon dito. Pinakilala pa 'ko ni tita sa dalang mga apo ni Aling Violy. Taga Vereilles daw kasi yung mga 'yon. Nandito lang para maki-fiesta. Hindi naman ako interesado kasi... ewan ko ba.
Bumuntong hininga ako at ngumiti kay tita.
"Sige na nga, 'ta. Marunong naman ako magtanong eh."
"Oh siya... sige simulan mo na ang pag lalakad. Bago ka makarating sa dagat ay merong kubo'ngmay tindahan. Doon ang bahay nila."
Tumango nalang ako at binuhat ang bayong na naglalaman ng mga gulay. Pumasok pa ako sa kwarto namin ni Eve dahil balak ko'ng suotin yung hat na nabili ko sa ibang bansa.
Ipinatong ko ito sa ulo at itinali sa tirintas ang gilid ng bangs ko. Long wavy and brunette ang buhok ko bagay sa suot ko'ng white dress. Ngumiti ako at lumabas na.
Tumingin ako kay tita mula sa sala, "Aalis na po ako—"
Napahinto ako sa pagsasalita nang bigla'ng may pumasok. My heart beat rapidly when I saw who it was. Napahinto 'din siya. He looked at me for a second. Nagkatitigan kami'ng dalawa bago siya natauhan nang tinawag siya ni tita. He looked away and then started walking away from me. Pumasok siya sa kusina.
Iba 'rin ang peg nito eh. Hanggang ngayon hinahamon pa 'rin ako sa staring contest.
"Roigie, nandito ka na pala."
"Opo. Pinabibigay po ni mama."
"Naku. Salamat. Ito nga pala ibigay mo 'din sa inang mo."
"Salamat po."
Hindi ko alam kung ano'ng nakain ko kung bakit pinapakinggan ko pa 'rin ang usapan nila eh ang dapat ay umalis na ako. Lumabas na sila'ng dalawa ni tita.
"Oh, Ellaine? Bakit nandito ka pa? Akala ko umalis ka na." Saad niya sa'kin. Gulat dahil kanina pa ako nag paalam. I smiled awkwardly at them and started getting all my stuffs so I could go. Mas mabilis pa sa alas kwatro ang pag alis ko sa bahay. Pero hindi pa ako nakakalabas ng gate nang marinig ko ang boses ni tita.
"Ellaine! Papunta 'rin si Roigie sa destinasyon mo! Hintayin mo siya, hija. Upang mag sabay na kayo."
Napatigil ako sa paghinga at para'ng gusto ko nang magpakain sa lupa sa kaalamang magsasabay kami sa paglalakad. Omygosh. Ni hindi ko nga alam kung bakit apektado ako sa twing nakikita ko siya! s**t. Hindi maganda 'to.
Tumawa ako at humarap kay tita.
"Naku, 'ta. Don't cha worry. Kaya ko na 'to! No need for help, hehe."
Umiling siya at ngayon ko lang napagtanto na nasa harap ko na sila.
"Magpasama ka na kay Roigie, Ellaine. Pwede ka 'din niya samahan sa bayan. Di ba gusto mo pumunta 'don?"
Gusto ko'ng ngumiwi sa sinabi ni tita. Gusto ko nga pumunta don. Pero hindi kasama siya, no! Swerte naman niya. Magpapalibre lang siya sa'kin. Duh.
"P-pero tita..." I stuttered. I looked at her pleasingly wishing she could read what is my mind right now. Na ayaw ko'ng kasama 'yang patpatin na 'yan!
"Okay lang sa'kin." Saad niya habang nakatingin sa'kin. Eyebrows furrowed.
My forehead creased. I mentally rolled my eyes and then I sighed. s**t talaga.
"Ayan, okay lang naman daw. Aba, bilisan niyo na. Baka magdilim na oh." Said tita with a smirk. Sabi ko na eh! Pinag lalaruan niya lang ako! Siguro sinabi ni Eve yung kagaguhan niya na may crush daw ako dito sa patpatin na 'to. Asa naman siya nuh. Baka mamaya pag naging kami e ma byuda agad ako dahil mas nauna siya'ng kinuha sa'kin.
Nanlaki ang mga mata ko. What the heck? bakit ko ba iniisip 'yon? Never have I ever imagine being with him 'no. Babalik 'din naman ako sa Sanglan after summer.
Tumango ako. Wala nang magawa.
"Fine."
Inunahan ko siya maglakad at hindi na hinintay pa. Nalakabas na kami sa labasan ngunit nasa likuran ko pa 'rin siya. Nang makarating kami sa medyo magubat na daan ay binagalan ko na ang lakad ko. Dahilan upang magpantay kami. Syempre. Ayaw ko pa maligaw. Ano 'ko tanga?
I swallowed my pride and asked him,
"Saan na tayo?"
Napatingin siya sa'kin ng ilang sandali at saka lumiko. Aba. Snobber 'din. Hindi nalang muli ako nagsalita hanggang sa nakarating na kami sa maluwag na aplaya. Sa gitna nito ay may dalawa'ng bahay ang nakatayo. Tila ito ang nagsisilbing bantay sa twing nagdidilim ang buong kapaligiran. Meron 'din namang mga scarecrow na nakatayo. Pero wala ako'ng nakita'ng poste ng ilaw.
Natawa ako sa naisip. Ayos 'to ah. Ano gagawin nila sa gabi, mangangapa?
Nauna na siya sa'kin maglakad kaya napansin ko ang suot niya. Black khaki shorts at puting kamiso. Nangunot ang noo ko sa suot niya. Masyado'ng makaluma. Hindi naman porke nakatira siya sa literal na probinsiya'ng malayo sa kabihasnan ay hindi na siya mag aayos. Salakot nalang ang kulang at mukha na siya'ng Filipino'ng nanggaling sa makalumang panahon. Yung panahon na sinakop tayo ng kastila? Ayun ba 'yon? Ah basta.
Hindi ko napansin na nakatigil na pala siya. Dahilan para mauntog ako sa likod niya.
"Aray! Tangina." I whined. Hinimas ko ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. Tumingin lang siya sa'kin at may tinuro.
"Doon ang bahay nila aling Violy." Tinuro niya ang unang bahay. Akala ko tapos na siya kaya tumango nalang ako at nagsimulang maglakad pero hindi pa ako nakakahakbang nang may itunuro pa siya. Ang pangalawang bahay.
"Doon naman ang bahay namin."
My forehead creased because of what he said.
"Paki ko?" I remarked, taunting.
Tumaas ang kanang kilay niya,
"Wala. Sinasabi ko lang. Baka gusto mo'ng malaman eh."
"Ang kapal naman ng mukha mo." Saad ko at parang nandidiring tumingin sa kanya. He chuckled at my remark. Dumagundong na naman ang t***k ng puso ko nang marinig ang tawa niya. It's just so... satisfying. Hearing his laughter.
Napatitig lang ako sa ginawa niya. Napatigil siya sa pagtawa at napatingin 'din sa'kin. Mabilis ko'ng iniiwas ang tingin ko at mabilis na naglakad.
"A-ah... I need to go." Saad ko. Confused of what I said. Bakit ko kailangan magpaalam?
"Hihintayin kita."
Napatango nalang ako sa sinabi niya. Hindi makabuo nang salitang sasabihin dahil sa lakas ng kabog ng puso.
Kakatok pala'ng sana ako nang bumukas na ang pinto. Iniluwa nito ang matandang pumunta sa'min kahapon.
"Oh, hija. Ikaw pala 'yan. Pasok ka." She welcomed me in her house. Malugod ako'ng pumasok at inilibot ang paningin sa loob. Maaliwalas ang bahay nila. Medyo mahangin 'din dahil puro bintana ang mga dingding.
"Ate Ellexia?"
Napatingin ako sa tumawag sa'kin. I smiled at him from a distance at kumaway.
"Kael!" tawag ko. Lumapit siya sa'kin at kinuha ang dala ko. Si Kael ay isa sa mga pinakilala sa'kin ni tita. 17 lang siya at currently nag aaral sa Royale High. Yung sikat na school sa sentro? diba sosyal 'tong batang 'to eh. Sana lahat.
"Bakit ka nandito, ate?"
"Inutusan ako ni tita, eh. Hindi ko nga alam yung papunta dito. May tumulong lang sa'kin.
"Talaga? Gusto mo ba'ng samahan kita pauwi?" Nagliwanag ang mga mata niya.
Umiling ako at ngumiti nalang.
"Di na, 'no. Kaya ko na." I smirked. Kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung ano ang dadaanan pauwi. Para saan pa? meron naman ako'ng kasabay...
"Ito na ang bayong. Salamat, Ellaine." Ngumiti sa'kin si Aling Violy. Tumango lang ako at nagpaalam na.
"Samahan kita sa labas, ate."
Tumango ako kay Kael. Konti nalang iisipin ko na may crush to sa'kin. Landi eh. Di pa nga graduate ng senior high!
Nang makarating kami sa dulo ng bakuran ay ngumiti na ako kay Kael. Nagulat pa ako nang natanaw ang lalaki'ng patpatin sa shades tree. Arte naman neto.
"Sige, ate. Ingat ka po." Tatango na sana ulit ako nang bigla niya ako'ng niyakap. Natigilan ako sa kanya. He just gave me his sweet smile before turning his gaze on my back.
"May kasabay ka pala..." he whispered.
"Ano?" May sinabi siya eh.
"Wala, ate. Ingat." Ayon lang at sinabi niya bago umalis. Natauhan lang ako nang may humablot ng bayong na hawak ko. Napatingin ako dito.
"Natulala ka naman."
Hinampas ko lang ang braso niya dahil nagulat ako sa ginawa niya. Malay ko ba. Akala ko holdapper eh! Tanga amp. Manghoholdap nalang yung bayong pa'ng walang laman. Haha.
Dumiretso na kami sa paglalakad nang walang imikan. Syempre. Ano gusto mo, magdadaldal ako dito? edi mukha ako'ng tanga. Duh.
Lumiko ulit siya. Maya-maya pa ay narinig ko na ang maingay na sigaw ng conductor sa tabing ilog. Nasa sakayan na pala kami ng yate. Papunta na kami sa sentro. Pumunta na kami sa bilihan ng ticket.
"Ilan po?" tanong sa'kin nung teller.
"Dalawa po." Tumango lang ito. Kinapa ko na ang wallet ko'ng gucci na regalo pa sa'kin nung tita ko last december nang may maunang mag abot ng bayad. Napatingin ako sa kanya.
"Ako na magbabayad." tamad na saad ko. Umiling lang siya at lumapit pa ng kaunti sa'kin. Napaawang ang labi ko sa lapit ng mukha namin. Lumakas ang t***k ng puso. Maya-maya pa ay tumingin na siya sa likod ko at iniharap sa'kin ang dalawa'ng ticket.
"Nakaharang ka."
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. What the f**k?
Inis ko'ng inunahan siya papunta sa yate at nauna nang umupo. Nang sumulyap ako sa kanya ay nakangiti lang siya habang inaabot ang dalawa'ng ticket sa konductor. Maya maya pa ay tumabi na siya sa'kin. 1 inch away. Inirapan ko lang siya at hindi na pinansin pa. Hanggang sa makarating kami sa destinasyon.
Masaya ako'ng bumaba at inilagay pa ang kamay sa likod habang tinitignan ang mga pandinda na nakakalat sa pavement. Sobra'ng saya ng mga tao. Ang makukulay na bandiritas ay nagsisigalawan dahil sa langit. Tila ito'y nakikiayon sa saya ng mga tao.
Patuloy ako'ng naglalakad at tumitingin tingin sa paninda habang ang katabi ko'y wala'ng imik.
"Roigie!"
Napatingin ako sa likod ko nang marinig ko ang ngalan niya. May lumapit sa kanya'ng babae'ng mukhang dahon dahil sa kulay green niya'ng damit. Ngumiti ito ng matamis sa kanya.
"Samahan mo naman ako. Mag isa lang kasi ako sa tindahan." Saad nung babae'ng mukha'ng dahon. Umihip naman ang malakas na hangin dahilan upang hanginin ang mahaba'ng buhok
ko.
"Hindi kita masasamahan, Angela." Saad nung patpatin at tumingin sa'kin. Napatingin naman sa'kin yung babae'ng mukhang dahon at nadismaya.
Napairap ako sa isip. Oo tama. Kasama niya ako. So back off, biatch.
"A-ah, ganon ba. S-sige. Alis na ko. Paalam!" Ayon lang ang sinabi nung babae'ng dahon at umalis na. Napatingin naman sa'kin yung patpatin.
Hindi ko siya pinansin at nagtingin tingin nalang ulit. Hanggang sa makakita ako ng kuwintas na may pendant na star. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis ito'ng kinuha.
"Mygod. Ang ganda naman nito." Napatingin ako sa nagtitinda. Ngumiti ito sa'kin.
"Bagay 'yan sayo, Ma'am. Dahil ikaw ay nag niningning."
Natawa ako sa saad ng binata'ng nagtitinda. Nakarinig ako ng tikhim.
"Bibilin ko na."
My forehead creased.
"Ano'ng bibilin? ano ka chicks? Ako kaya nauna dito!" saad ko at mabilis na kinapa ang bulsa. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala ako'ng nahanap.
"Ano na? nag aantay ang nagtitinda. Kung wala ka'ng pera'ng pambayad ay ako na ang bibili." He said, taunting.
Hindi ko siya pinansin at pilit pa 'rin kinakapa ang wallet ko. Pakshit, ghorl! Nawala pa ata!
"Wala daw siya'ng pambili. Ako na ang bibili." Malakas at pinal na sabi nung patpatin. Hindi ako nakasagot dahil nakatingin lang ako ng masama sa kanya. Para'ng ang sarap niya'ng hambalusin ng bayong na hawak niya.
Hindi na ako nakasagot nang lumakad na siya matapos bilhin ang kwintas. Napatingin ako sa nagtitinda. Umiwas lang ito ng tingin.
Tangina, medyo pahiya ako 'don ah!
Gabi na nang nakarating kami sa bahay. Mabilis ko'ng kinuha ang bayong na walang laman sa lalaki'ng patpatin na walang sinasabi at mabilis na naglakad papasok. Ngunit hindi pa ako nakakahakbang ng dalawa nang hawakan niya ang pulso ko. Napahinto ako at takhang tumingin sa kanya. May kinuha siya sa bulsa ng short at inilagay sa kamay ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kwintas. Napatingin ako sa kanya. Hindi siya makatingin sa'kin.
"A-ano... kung gusto mo talaga iyan, bayaran mo nalang ako sa susunod."