01: Isang ubo nalang

2210 Words
UMIKOT ang mga mata ko habang  pinagmamasdan ang maingay na train station ng  Del Shadeu. Marami'ng tao ang nasa platform, ang iba ay sinusundo ng mga mahal nila sa buhay, meron pa ako'ng nakita'ng OA kung maka react dahil naiyak pa nung nakita ang bumaba ng tren. Meron namang iba na dumidiretso na sa sakayan upang makauwi na ng tahanan. Abala ang lahat sa pagsalubong sa kanilang mga mahal sa buhay. Habang ako ay natuod lang sa kinatatayuan hinihintay kung may susundo pa sa'kin. Hawak ang puting maleta ay sinimulan ko'ng lakarin ang mahaba'ng plataporma ng lugar.  Nakasuot pa 'rin ako ng wayfarers. Ang iba ay napapatingin sa'kin at napapahinto sa kani-kanilang ginagawa kapag nadadaan ako sa harapan nila. Halata na bago ako'ng salta sa lugar dahil ibang iba ang pananamit ko sa kanila. Sumimangot nalang ako at hindi sila pinansin. Nang nasa waiting area na ako ng mga  pasakay pala'ng ay may lumapit sa'king babae na nakasuot ng faded jeans at white tshirt. Napangisi ako ng makilala ito.  It's been years, my dear bestfriend... Nahihiya siya'ng lumapit sa'kin at kinalabit ako. "Dos? WTF! Is that you?"  Tumigil ako sa paglalakad at ibinaba ang suot na wayfarers. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa pagkatapos ay bumalik ang tingin ko sa mukha niya.  Unti-unti ako'ng ngumiti at tuluyan nang tinanggal ang wayfarers.  "Ako nga."  Unti-unti'ng nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Mula sa maamong tupa ay napalitan ito ng wild na di matukoy na animal. "OMYGOSH! Gaga ka! Hindi kita nakilala!"  Mabilis niya ako'ng hinila para mayakap. Natatawa naman ako'ng yumakap pabalik at humarap sa kanya. "Ano ba, Val.  Sakit ha!" Angal ko sa kanya. Ngumiti lang siya ng malapad at maligalig na hinila ako paalis ng lugar.  Well, my dear bestfriend, Everest Valkyrie Simpson. She's from the north part of Del Shadeu which where, I will stay.  Hila-hila niya ako habang hila ko naman ang puti'ng maleta. Tinapik ko siya. "Hoy, gaga ka! Saan mo naman ako dadalhin?"  Bumaling lang siya sa'kin at kumindat. "Para'ng tanga 'to. Syempre sa sakayan ng yate. Saan ba kita dadalhin?"  Sumimangot nalang ako at nagpatianod sa kanya. Naglakad kami nang naglakad nang marealize ko na ito nga pala ang sentro ng Del Shadeu. Kaya merong pamilihan at sobra'ng daming tao. May mga nagtitinda sa pavement bukod pa sa loob ng pamilihan. Mayroon 'ding tumutugtog sa gitna ng daan habang may nakalagay na donation box sa harapan. The place is so lovely and full of people chattering. Mukha'ng masaya ang lahat. "Ano'ng meron, Eve?" Takhang tanong ko.  "Bukas na ang simula ng piyesta, brah. Sakto ang punta mo dito. Nagulat nga 'din ako nang sabihin sa'kin ni mama na sunduin kita dito."  "Ah. Oo nga eh. Biglaan kasi." Tanging nasabi ko nalang. Ilang lakad pa ay natanaw ko na ang sikat na ilog ng Del Shadeu. Ito kasi ang nag uugnay sa parte ng south at north part ng lugar. Para makaratig sa norte ay kailangan mo'ng sumakay ng yate o bangka.  "Bakit ka nga pala nandito, brah?"  Natahimik ako sa tanong ni Everest. Bakit nga ba ako nandito?  Bakit nga ba ako pinatapon dito? I shrugged that thought away. By just thinking of that makes me sick.  Mukhang napansin naman ni Eve ang pananahimik ko dahil lumingon siya sa'kin at pinilit matawa.  "Ah..haha. Wag mo na sagutin 'yon, brah."  Tumawa nalang ako at sinambunutan siya.  "Aray! Tanginanto. Ngayon ka nga lang nagpakita sa'kin tapos sasambunutan mo agad ako?"  "Gaga 'to. 'Di ba pwede'ng hindi pa ako ready? I'll tell you everything soon."  Umirap nalang siya sa'kin at patuloy ako'ng hinila. Pilit ko namang iniiwasan mabangga ang mga nakakasalubong.  "Para naman ako'ng kakatayin ng mga nakakasalubong ko, Eve."  Humahaklak siya,   "Para'ng tanga kasi 'yung suot mo, brah. Bakit naman kasi sobra'ng kulay niyang denim jacket mo at may kumikinang kinang pa? Magco concert ka ba?"  "Papalitan ko na si Michael Jackson, brah. Ako na ang susunod na magmmoon walk sa stage." Pabirong saad ko. Hindi naman sumagot ang letche kaya mukha ako'ng tanga na tumawa mag isa. Nang tignan ko siya sa harap ko ay ngayon ko lang natanto na nakahinto na pala kami. At ang bruha! Nakanganga ang bunganga habang walang hiya'ng tinitignan ang lalaki'ng may hawak ng banyera na may lamang isda. Napailing nalang ako at hinampas siya.  "Hoy! Ang landi mo namang letche ka!" Sigaw ko sa kanya. Napatigil ang paninitig niya dito at bumaling sa'kin.  "E-eng sherep telege ne pepe Eugene... hehe."  Kumunot ang noo ko.  "Sino'ng pepe?"  Hinila niya lang ang mahabang buhok ko at walang hiyang tumawa ng malakas.   Napapatingin tuloy sa'min ang mga dumadaan.  "H-hindi ko po kilala 'to! Baliw lang 'to sa daan na sumunod nalang bigla sa'kin!" Sigaw ko sa mga taong dumadaan. Napatigil naman ang bruha sa pagtawa at inirapan ako.  "Osigi, push mo 'yan, teh."  "Para ka kasi'ng tanga. Ano ba'ng problema mo?!"  I whispered. Grabe, ti. Kaya ayaw ko 'to kasama sa daan dahil napagkakamalan kami'ng baliw. Naalala ko noon may naglagay pa ng bente pesos sa harap namin dahil sa kabaliwan nito'ng kaibigan ko.  "Kasi, brah... nakita ko na naman ang crush ko!"  As if on cue, we looked in unison sa lalaki'ng tinitigan niya kanina. At para'ng gusto ko'ng manlumo nang makita ko ang hubad nito'ng katawan. Tanned skin, 8 pack abs at flexed biceps. Napanganga ako at napalunok.  "s**t. Oo nga." Tanging nasambit ko nalang.  "Brah, may kanin ka ba diyan?"  "Ano'ng gagawin mo sa kanin?" Takha'ng tanong ko sa kanya habang nananatili pa 'rin ang tingin sa lalaki'ng tinawag niya'ng Eugene.  Takte. Pangalan pala'ng ang yummy na.  May dumating na lalaki'ng patpatin sa tabi niya. Mukha'ng bata ito kumpara sa Eugene dahil mas mukhang baby face ito. Black ang buhok at nakasuot ng black na tshirt. Umaabot hanggang sa shorts niya. Kinuha nito ang isa pa'ng banyera at ipinatong sa isa'ng box. Ngumingiti lang ito sa twing binabati siya ng dumadaan. Dahilan para lumabas ang dimple niya sa magkabilang cheeks. Ang mapayat niya'ng braso ay mas lalo pa'ng pumapayat sa twing nagbubuhat ng banyera. Ayos 'to ah. Isa'ng ubo nalang. Buti hindi nakakalas buto buto nito sa twing nagbubuhat? Ako natatakot sa kanya eh.  Tumagal kami nang ilang minuto sa paninitig sa lalaki nang matauhan ako. WHAT THE f**k WAS THAT? Hindi naman ako mahilig sa mga lalaki! Wala ako'ng interest sa mga ganon dahil busy ako sa iimagine na magkakatotoo ang mga fictional character na binabasa ko sa w*****d.  Hinampas ko ng malakas sa braso si Everest.  "Gaga ka! Ano'ng gagawin ko diyan?"  Tumawa ulit siya ng malakas. Hinawakan niya ang tiyan niya at naluluha'ng tumingin sa'kin. "Oh diba! Kahit ang amazonang wala'ng interes sa lalaki ay napapatitig  sa crush ko! Ganyan kalakas ang karisma ng isa'ng Eugene Alejo!"  Inirapan ko nalang siya at hindi na nagsalita dahil hindi ko 'din naman alam ang sasabihin.  At isa pa... hindi naman yung crush niya ang natitigan ko. Yung lalaki'ng isa'ng ubo nalang. Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Eve hanggang sa tapat na kami ng yate. May ibinigay na ticket ang gaga sa conductor kung kaya't pinayagan kami nito makapasok. Napatitig muna sa'kin ang mama bago ngumiti.  "Welcome aboard, ma'am."  Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Dumiretso kami ni Eve sa pinakadulo at doon umupo. Makalipas ang ilang minuto ay binuksan na ang makina ng yate.  Buong akala ko ay aalis na kami ngunit tumigil pa ito ng sandali. At maya maya pa ay nakarinig ako ng indistinct chatter papalapit sa kinaroroonan namin. Bumaling ako sa harap ko at muntik na ako'ng malaglag sa kinauupuan nang makita ko muli ang lalaki'ng isa'ng ubo nalang. Since nasa dulo kami ay wala'ng nakaupo sa harap namin dahil ang lahat ay pinili na sa unahan. Kaya doon sila umupo ng mga kasamahan niya. Nakikipag kwentuhan siya sa mga kasama and he doesn't seem to notice my presence.  Hindi ko namalayan na napatagal ang pag titig ko sa kanya dahilan para magtama ang mga tingin namin. My heartbeat doubled as he stare at me like he can see the depth of my soul. Mabilis ako'ng umiwas ng tingin at ibinalik ang pagtingin tingin sa tanawin. Habang umaandar kami ay nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin pa 'rin siya sa'kin.  I'm starting to get annoyed. Ano ba'ng problema nito? Wala naman siya'ng sinasabi pero sa way ng pagtingin niya sa'kin ay para'ng may gagawin ako'ng masama.  Nilakasan ko ang loob at kunwaring napatitig sa likod niya. Mabilis siya'ng umiwas ng tingin at sinagot ang tanong ng kasamahan. Hah! Wala ka pala eh. Staring contest pala ang gusto mo ah.  Para ako'ng tatakasan sa ulirat habang pilit di tinatanggal ang titig ko sa kanya. Alam ko'ng alam niya na lantaran ako'ng nakatitig sa kanya pero wala siya'ng ginagawa. Makalipas ang ilang oras at nakarating na kami sa destinasyon ngunit hindi na siya muling sumulyap pa sa akin.  Ayos 'tong patpatin na 'to ah. Paubuhin ko kaya siya at tignan na'tin kung aabot pa siya sa tatlo'ng ubo?  "Dito na us!"  Napatitig ako sa two storey house na nasa harap namin ngayon ni Eve.  Para'ng kailan lang nung huli ako'ng nakapunta dito. Kasama ko pa ang mga pinsan ko dahil may dinadalaw ang mga magulang ko sa lugar na ito. Pero mapaglaro nga naman ang tadhana. Ngayon, dito na ako titira. Naalala ko pa noon ang lakas ng pag iyak ko sa twing uuwi na kami sa Sanglan. Dahil hindi ko na naman makikita si Everest. Ang bestfriend ko.  "Okay ka lang ba, brah?" Nag aalalang tanong sa'kin ni Eve. Tumango ako at dumiretso na papasok ng bahay.  Sinalubong ako nang pamilyar na amoy ng bahay. Ang amoy insenso. Naiintindihan ko naman dahil nasa norte kami. Malayo kami sa siyudad. Sa totoo lang, blessing in disguise nga ang matira sa mga ganito'ng lugar. Tahimik, walang maririnig na ingay ng mga sasakyan, walang polusyon. Malayo sa kabihasnan. Malayo sa panghuhusga ng mga tao. Eventhough I miss the city lights already—kahit na hindi talaga sentro ang Sanglan ay developed na 'rin ang lugar namin. Ang pinakasentro ay sa New Isles. Kung saan nakatayo ang sikat na paaralan na Royale High.  "Kamusta ka naman, Ellaine?" Tanong ni tita habang hinahalo ang kape niya. She always calls me by my whole name which is only used by the elders. Because I can't stand hearing my nickname when I was still a kid. So many bad memories. Tsh. "Still fine, tita. Alive and kicking." Natatawang saad ko. Ngumiti lang siya at nagpatuloy na sa pagbabasa ng dyaryo. Maya-maya pa ay lumabas na si Eve dala ang sketchpad niya. Ngumiti ako. God! How I miss having a quality time with this witch!  "Brah, tara na!"  I gigled at mabilis na tumayo para sundan siya. Pero hindi pa kami nakakalabas nang magsalita si tita.  "What's with your callsign?" "Inang naman! Brah. Bruha in short!" Everest bragged. Tumawa nalang si tita at umiling.  "Para'ng pang squater naman iyang tawagan niyo. Umayos ka nga, Eve. Masasapuk talaga kita, 'ta mo."  Umirap nalang ang bruha sa kanya.  "Opo 'ma."  Hinampas ko naman sa braso si Eve habang pinipigilan ang malakas na pagtawa.  "Para'ng gago ka kasi magsalita, Eve. So squammy!"  "Tanga 'to. Ikaw nga sa village nakatira pero kung magmura ka kala mo sa kalye ka natutulog."  I roared a laugh.  "Akala ko ba hindi ka na magmumura?"  "Tss. Sa buhay ngayon, Matilda? Mapapamura ka nalang kahit wala sa loob mo."  Hinila ko ang buhok niya nang tawagin niya ako sa pangalan ng nanay ko. Boang talaga 'to.  "Stop calling me that!"  Instead of answering, she just gave me her infamous grin.  "Matilda, Matilda, Matilda, Matilda, Matilda."  Paulit ulit na sambit niya. Kaya nahampas ko siya nang sketchpad ko.  "Pag inulit mo pa di kana babalikan ng ex mo." Mabilis na saad ko na nakapag patigil sa kanya.  "Aba, gago 'to ah. Below the belt ka na ah!"  Hindi ko na napigilan at tumawa na ako ng malakas. I know she would say that! Inis siya sa ex niya dahil iniwan siya nito nang walang paalam. Ewan ko ba dito sa letcheng 'to. Lapitin ng mga ghoster.  "Ex mo'ng mukha'ng sisiw–" Inis ko pa sana sa kanya pero napatigil ako sa pagsasalita nang may pumasok sa gate ng fronyard nila Eve na may dalang container ng mineral water. At para'ng gusto ko'ng iumpog ang mukha ng kaibigan ko sa trunk ng puno nang makilala ko kung sino ito.  Yung patpatin na isa'ng ubo nalang!  Napatigil sa paghampas sa'kin ng sketchpad si Eve nang matanaw kung sino ang paparating. Sumilay muli ang ngiti sa labi niya at kinawayan ito. Magkakilala pala sila?  "Hoy, Roigie! Crush ka daw nito, oh!" Sabay turo sa'kin ni Eve. Nanlaki ang mga mata ko at hinila ang buhok niya sa likod. Hindi naman siya nakapalag kaya tumama muli ang tingin ko sa lalaki'ng patpatin ang katawan.  Muling kumalabog ang t***k ng puso ko nang tumawa lang siya nang wala'ng sound dahilan para makita ang dimple niya. Buti meron pa siya non? Sa payat niyang 'yan, nagkaroon pa siya ng butas sa mukha?  "Taga deliver ng mineral water 'yan sa'min twing sabado, brah. Kaibigan niyan ang bebe ko." Ngumiti siya ng matamis. Hindi ako nakapagsalita.  Punyeta. Mukha'ng sa ayaw't gusto ko e magkikita pa 'rin kami. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD