NGAYON ay malinaw na sa akin ang lahat. Ginamit lang ako ni Pureza para gantihan ang mommy at daddy ko. Nakakapagsisi tuloy na nagpadalos-dalos ako sa mga kilos ko. Napakulong ko pa tuloy ang kakambal ko kahit wala naman siyang kinalaman dito. Hindi naman pala niya ako kayang ipapatay. Dahil doon ay mas lalong umigting ang kagustuhan kong makatakas dito para makapag-sorry naman ako kay Mirabelle. Gusto ko nang alisin ang lahat ng galit sa puso ko. Kaya, Lord, buhayin Niyo po ako. Huwag Niyo pong hayaan na magtagumpay si Pureza sa pagpatay sa akin, please… Dasal ko. “Hoy! Dalhin niyo na iyan sa kamatayan niya!” utos ni Pureza sa tatlong lalaki na tauhan nito. Tumalima agad ang tatlo. Marahas at walang ingat akong itinayo ng mga ito. “Aray naman! Dahan-dahan lang!” reklamo ko. “Pangit n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


