SI MADAM Pureza na lang ang kahuli-hulihang tao na naiisip ko na pwede akong tulungan para tuluyang mabulok sa bilangguan si Mirabelle. Wala naman akong maaasahan sa daddy at mommy ko. Siyempre, si Mirabelle pa rin ang papaniwalaan nila. Sinabi rin kasi sa akin ni Shelley na itinanggi ng magaling kong kakambal na ito ang mastermind sa pagkidnap at pagpapapatay sa akin. Ang galing niya talagang manipulator! Sino lang ba ang pwedeng gumawa sa akin niyon kundi siya lang! Mag-isa lang akong nagdrive papunta sa bahay ni Madam Pureza. Iniwan ko si Shelley sa bahay. Inutusan ko siyang ayusin ang mga gamit namin dahil after kong kausapin si Madam Pureza ay sa hotel muna kami titira. Hindi ko na kayang makasama sa iisang bahay ang mga magulang na ayaw naman na maniwala sa kanilang anak. Mabilis l

