MALINAW na sa akin ang lahat. Niloko ako ni Logan. Sinamantala niya ang pagkakaroon ko ng amnesia. At talagang sinabi niya sa akin na mag-asawa kami. For what? Ano ang dahilan niya para gawin niya iyon? Luhaan na tumingin sa akin si Logan. Parang dinudurog ang puso ko sa nakikita ko pero mas nangingibabaw sa akin ang galit sa ginawa niya. “Niloko mo ako! How dare you?!” Pinagbabayo ko siya sa dibdib at hinayaan lang niya ako. Hindi man lang niya ako pinigilan sa pananakita sa kaniya. “Bakit mo nagawa sa akin ito, Logan? Bakit?!” Sa sobrang galit ko ay napaluha na rin ako. Yes. I am hurt. Dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko na siya tapos malalaman ko na niloko lang niya ako. “D-dahil mahal kita. Alam mong mahal na kita dati pa. Pero--” “Pero ano?! Pero niloko mo pa rin ako! Kung maha

