HALOS mamatay na ako kakatawa inside! Nakakatawa naman kasi talaga ang katangahan ng mga tao dito. Hindi man lang nila maramdaman na hindi talaga ako si Mirabelle. Wala man lang nakakahalata kahit na si Hideo na mismong boyfriend niya. Maybe, magaling lang talaga akong um-acting kahit wala akong formal lesson sa acting. Gifted lang siguro ako. At ito namang si Hideo, palagi siyang nakadikit sa akin, naka-hug at minsan ay kini-kiss din ako sa lips. Wow! This is heaven! Dream come true! Ang lambot ng lips niya, in all fairness. Mirabelle is such a lucky girl. Everyday niyang nae-experience ang kagwapuhang meron ang boyfriend niya. Pero tapos na ang maliligayang araw niya dahil for sure before this night ends ay mapupunta na sa akin si Hideo katulad ng plano ko. I know, very risky ang gagawi

