CHAPTER 06- Borrowed Identity

2158 Words
SIGURO nga, I can’t please anybody. Lahat ay walang pagmamahal sa akin dahil sa pangit ako. Iyan ang masakit na katotohanan. Mas pabor ang mundong ito sa magaganda kesa sa mga pangit na katulad ko. Kaya kapag pangit ka, you have to be a fighter. Hindi pwedeng nagpapaapi ka. You have to fight! Hindi pwedeng hahayaan mo lang na tapak-tapakan ka nila. Maliit ang tingin nila sa iyo? Pwes, prove them wrong! Well, in my case, I just don’t fight… I get even. Sinaktan nila ako? Sasaktan ko rin sila. Sobra-sobra pa. Hinayaan ko lang ang gown ni Mirabelle sa living room. Iniwan ko iyon in good condition. Wala akong ginawa sa gown. Kahit kaunting gupit, wala talaga. I have a better plan na siguradong ikakaloka ni Mirabelle at ng lahat/ Tingnan ko lang kung hindi siya lalong mainis sa akin. The next day ay late na ako nagising. Half day lang kasi ang pasok namin today. Mamayang tanghali pa. Nag-jogging ako para magpapawis. Exercise-exercise din kapag may chance! Chaka na nga ako, hindi ko pa ba aalagaan ang katawan ko? Siyempre, dapat sexy pa rin kahit pangit. E, ano kung masabihan akong hipon? I don’t care! Gagawin ko ang gusto ko sa katawan ko at wala silang pakialam doon. After kong mag-jogging ay bumalik na ako sa bahay. Pawis na pawis ako. Nakita ko si daddy na nasa mini garden sa harap ng bahay habang nagbabasa siya ng dyaryo. Habit na niya iyon. Tuwing umaga ay ganoon ang ginagawa niya. Ewan ko pero napatingin ako sa kanya. He’s a good father. Iyon nga lang, mas mahal niya si Mirabelle dahil maganda ito. Nakaka-miss tuloy noong bata pa ako. Palagi niya akong ipinapasyal sa mall and carnivals. Ganoon daw ginagawa niya kay mommy noon, palagi silang nasa carnival noong pregnant ito sa amin ni Mirabelle. Napaglihian daw nito ang isang unano na kamukha ni Kokey. Iyon siguro ang reason why kung bakit ako naging chaka. Sobrang unfair kasi ako lang ang naging pangit, `di ba? “I miss you, daddy…” Malungkot na bulong ko. Hay! Tama na nga ang kadramahan na ito. Umagang-umaga, ha. Isa pa, hindi bagay sa akin ang mga ganitong eksena. Nawawala ang pagiging maldita ko. Papasok na sana ako sa loob ng bahay nang bigla akong tawagin ni daddy. “Mirasol, come here…” Nakangiti niyang sabi. “Daddy, papasok na ako sa loob. I need to freshen up!” Katwiran ko. Pero deep inside, gusto ko talagang lumapit sa kanya. Gusto kong maka-bonding or makausap siya katulad ng ginagawa dito ni Mirabelle. Iyong kahit walang kwenta ang ag-usapan namin, okay lang. But alam kong hindi bagay sa isang maldita na katulad ko ang ganoon. “Mirasol, may ilalambing lang ako sa iyo. Halika.” Itinirik ko ang mata ko. “My God! You’re getting into my nerves, daddy!” Kunwari ay napipilitan na lumpit ako sa kanya. “Ano po ba iyon? Pakibilisan lang at ligong-ligo na ako! Nag-jogging ako sa buong subdivision!” “Paki-timpla naman ako ng kape, please… Alam mo, na-miss ko na iyong timpla mo ng kape, anak. Ikaw lang kasi ang nakakagawa ng gusto kong timpla.” Natigilan ako sa sinabi niya. Medyo naluha ako pero siyempre pinigilan ko ang luha ko. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan ng kahit na sino. Kailan ko nga ba huling ipinagtimpla ng kape si daddy? Hindi ko na rin matandaan. Ako kasi iyong nagtitimpla sa kanya noon palagi. Nahinto lang ako nang medyo nagkaroon na ako ng isip at napansin ko na mas mahal nila si Mirabelle. Feeling ko kahit anong gawin kong pagpapabibo ay hindi pa rin nila ako mamahalin katulad ng pagmamahal nila sa kakambal ko. Kahit araw-araw ko siyang ipagtimpla ng kapae, si Mirabelle pa rin ang mahal nila at hindi ako. “O-okay po, daddy…” Nanginginig ang boses na sagot ko. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa kusina at nagtitimpla ng kape for my daddy. Naka-smile pa ako habang ginagawa iyon hanggang sa dumating si Mirabelle kaya nawala ang aking ngiti. Nasira na naman agad ang umaga ko dahil sa kanya! “Good morning, ate. You’re making a coffee? Himala! Hindi ka naman umiinom niyan, a!” Pinanood niya ang ginagawa ko at nang-aasar na ngumiti. Obviously, literal na sisirain niya talaga ang umaga ko. “Walang good sa morning kung ikaw ang makikita ko, Mirabelle. Isa pa, hindi ito para sa akin. Para ito kay daddy! Umalis ka nga dito! Naaalibadbaran ako sa mukha mong bwisit ka!” Pagtataboy ko sa kanya na may kasamang matalim na irap. Hindi ko inaasahan ang sunod na ginawa ni Mirabelle. Tinabig niya ang braso ko habang nagsasalin ako ng hot water sa cup. Tumapon ang mainit na tubig sa isa kong kamay at napasigaw ako sa sakit habang nakatingin ng masama sa kanya. “Ouch! Ano ka ba?!” bulyaw ko. “Oops! Sorry, ate. Ang clumsy ko, `no? Masakit ba?” “Ikaw kaya ang buhusan ko ng mainit na tubig! Tapos tanungin kita kung masakit! Bwisit!” Umalis muna ako saglit para kumuha ng gamot sa medicine cabinet. Pagbalik ko sa kusina ay wala na ang tasa ng kape at si Mirabelle. Pinuntahan ko si daddy sa mini garden pero hindi na ako nakalapit dahil si Mirabelle na pala ang nagdala ng kape. “Nasa’n ang ate mo? Siya ang pinagtitimpla ko nito, a…” Narinig kong sabi ni daddy. “Oo nga, daddy. Pero nakita ko kasi na dinuduraan ni ate iyong kape niyo. Kaya nang mahuli ko siya ay nagalit siya at pumasok bigla sa room niya. Kaya ako na lang ang nagtimpla. Ayo naman po na painumin kayo ng kape na dinuraan niya.” Liar! Napaka-demonya talaga ng Mirabelle na ito! Umiling-iling si daddy. “Kailan kaya magbabago ang kapatid mo, Mirabelle? Stressed na stressed na kami ng mommy mo sa ugali niya… Hindi talaga namin alam kung bakit naging ganoon ang kakambal mo. Pakiramdam tuloy namin ng mommy mo ay nagkulang kami sa pagpapalaki sa kanya,” may pait sa boses ni daddy habang sinasabi niya iyon. “Don’t worry, daddy. Huwag mo na munang isipin si ate.” Lumipat ito sa likod ni daddy at minasahe ito sa balikat. “Ima-massage ko na lang kayo para mawala ang stress niyo.” “Thank you, Mirabelle. Salamat at nagkaroon kami ng anak na mabait katulad mo. We are so blessed! Sana ay maging katulad mo rin si Mirasol.” Umangat ang mukha ni Mirabelle at nakita niya ako. Umuusok ang ilong ko sa galit. Gusto ko siyang sugurin. Ang sarap niyang sabunutan tapos isubsob ang mukha sa lupa. Pero I have to control my anger. May nakaplano na ako at doon ako dapat mag-focus. AT dumating na nga ang gabing pinaka hihintay ko-- ang gabi ng birthday party ni Hideo! Alam kong sa mga oras na ito ay nag-aayos na si Mirabelle sa kwarto nito. Kumatok ako doon at nagulat siya nang mapagbuksan niya ako. Kahit hindi niya ako pinapapasok ay pumasok na ako. May dala ako isang baso ng juice na may halong pampatulog. Malakas ang sleeping pills na nakahalo doon. Talagang makakatulog ka ng isang araw. Iyon ay according kay Dyosa na siyang pinahanap ko niyon. About naman doon sa make-up artist na pinahanap ko sa kanya ay pina-cancel ko na. Hindi ko na kailangan ang mahusay na make-up artist para sa plano kong ito. Isinara ko ang pinto. Suot na ni Mirabelle ang gown nito at mukhang nagme-make up na lang siya. “Look at my gown, ate. Lovely, isn’t? Inggit ka? I am sure, inggit na inggit ka kasi hindi ka invited sa birthday party ni Hideo!” pang-aasar nito. I smiled. “Yes. Inggit na inggit ako kaya nga nandito ako para agawin ang gown mo na napakaganda at ako ang magsusuot para sa party ni Hideo. Gusto mo `yon? Gusto ko `yon!” “At sa tingin mo, hahayaan kong mangyari `yon? No, no, no, no… Saka, hindi ito bagay sa iyo, ate. Ganda ka ba?” “Well, may paraan na ako para maagaw sa iyo ang gown mo.” “What? Sisirain mo ang gown ko? You’re evil talaga, ate. A real maldita! Natatakot na tuloy ako…” Umarte pa talaga ito na parang natatakot. “Atleast, hindi ko itinatago ang pagka-maldita ko. Hindi kagaya mo na mapagpanggap.” “This is me, ate. Wala ka nang magagawa.” “Okay. Enough na. Inumin mo na ang juice na ito. May pampatulog iyan. Kailangan kitang patulugin para hindi ka makapunta sa party dahil ako ang pupunta.” “What?! You’re insane! Hindi ko iinumin--” Hinatak ko ang braso ni Mirabelle papunta sa akin. Mabilis kong pinisil ang magkabila niyang pisngi gamit ang isa kong kamay. Ipapainom ko na sana sa kanya iyong baso na may pampatulog pero tinabig niya iyon at nabitawan ko. Tumapon sa sahig ang laman niyon. Nahihindik na napatingin ako sa natapong juice. “Look what have you done!” “Tama lang `yan, ate! Hindi nagtatagumpay ang masama!” “Ow. Really? `Di ba, masama ka rin? So, hindi ka rin magtatagumpay. You don’t know me. I have always back up plans!” Wala nang nagawa pa si Mirabelle nang hugutin ko sa aking bulsa ang isang panyo at ipinaamoy ko iyon sa kanya habang hawak ko ang kanyang leeg. Hanggang sa mawalan na siya ng malay at bumagsak siya sa sahig. “I told you, my sister… I have always back up plans!” After that ay hinubad ko na ang gown niya at ako na ang nagsuot niyon. Pati ang mask niya ay sinuot ko na rin. Bago ako lumabas ng kanyang kwarto ay dala ko na rin ang invitation para sa birthday party ni Hideo. Siyempre, ini-lock ko iyon sa loob para walang makapasok kahit sigurado akong wala namang papasok sa room ni Mirabelle dahil maagang natutulog sina mommy at daddy. BONGGANG-BONGGA ang birthday party ni Hideo. Bumabaha ng masasarap na foods and drinks. Lahat ay nakasuot ng magagandang kasuotan at mask. Nagkita na kami kanina ni Dyosa at nagpakilala na ako sa kanya. He thought na ako si Mirabelle dahil sa gown ko. Alam na kasi ng lahat ang design ng gown ni Mirabelle dahil ipnakita na nito sa classmates namin bago ang party. That’s good dahil hindi ko na kailangang sabihin sa lahat na ako si Mirabelle. Hindi naman nila malalaman na ako ang aking twin sister dahil sa mask. On my way here kanina ay nagparctice na rin ako na gayahin ang boses ni Mirabelle. Medyo pa-sweet na pabebe! Yes. Kailangan kong hiramin for tonight ang nakaksukang identity ng aking kakambal para makaganti sa kanya. This is the big night. Nasa utak ko na ang mga hakbang na gagawin ko. And tonight, mapapasaakin na si Hideo at luluha ng dugo si Mirabelle! I still like Hideo. Nasabi ko lang na hindi ko na siya gusto dahil sa galit at inis ko dahil ipinahiya niya ako. “Wow! Ang ganda mo naman, Mirabelle! Pati ang gown mo!” puri sa akin ng isa naming classmate na babae. “Thank you!” Walang gana kong tanong. Naiirita ako dahil hinahanap ko si Hideo tapos haharang-harang ang babaeng ito. “How about my gown? Anong masasabi mo?” “Very cheap, lousy and tacky!” “What?!” Oops! I forgot. Ako nga pala si Mirabelle, so, dapat mabait ako. “I mean, you’re gown is so… so… You gown is so…” Argh! This is torture! Ang hirap magsabi ng papuri at magagandang words kapag real maldita ka. Para akong masusuka na ewan. Ang ginawa ko na lang ay tinabig ang babae sabay excuse dito. Kailangan ko nang mahanap si Hideo. Nasaan ba kasi siya? Birthday party niya ito kaya dapat visible siya dito. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila pero wala pa rin siya. Bumalik ulit ako sa harapan kung saan doon ginaganap ang party pero wala pa rin siya. Nagpaikot-ikot na ako pero wala pa ring Hideo. Hanggang sa… “Looking for me?” Nagulat ako nang may biglang yumakap mula sa aking likuran. Pagharap ko ay sumalubong sa akin ang gwapong mukha ni Hideo. Nakangiti siya at wala siyang mask. “H-hideo!” Naka-ready na ang panggagaya ko sa boses ni Mirabelle. “You are the most beautiful girl, Mirabelle. And I am the luckiest guy because you are mine…” Puno ng sincerity na sabi nito. Mirabelle is so lucky dahil boyfriend niya si Hideo. Nararamdaman ko na mahal talaga ni Hideo ang sister ko. Pero… sorry not sorry, magkakaroon na ng ending ang cheesy love story nilang dalawa tonight! Bwahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD