NAMIGAY ng invitation si Hideo para sa birthday party niya this week sa lahat ng classmates namin pero ako lang ang hindi niya binigyan. Kaya naman ganoon na lang ang gigil ko. Ako lang talaga ang hindi niya binigyan. Parang gusto ko tuloy mang-agaw sa isa sa nga classmate ko ng invitation sa oras na iyon. Alam na rin sa buong school na sina Hideo at Mirabelle na kaya naman mas lalo akong nanggigil. Malaya na silang nakakapag-PDA sa school kahit alam nilang bawal. Talagang inaasar ako ng Mirabelle na iyon, a. For sure, siya ang nagpakalat na sila na ni Hideo para wala nang makalapit dito. Pwes, nagkakamali siya. Dahil kahit sila na ni Hideo ay hindi ko pa rin ito titigilan! Over my dead body!
“Mirasol, look! May invitation ako frome Hideo! Ang bongga, `di ba?” Maarteng sabi ni Dyosa sa akin habang kumakain kami ng lunch sa canteen.
Masama ko siyang tiningnan dahil parang nang-iinggit pa talaga siya. Inagaw ko sa kanya ang invitation at binasa iyon. Friday night pala ang party sa bahay nila. Tapos masquerade ang theme. Medyo bongga yata ang birthday party niya this year. Well, mayaman naman kasi ang family ni Hideo kaya hindi na nakakapagtaka kung gastusan man ng parents nito ang birthday niya.
“Uhm, Dyosa, nakahanap ka na ba ng magaling na make up artist?” tanong ko sabay balik sa kanya ng invitation.
Ibinalik na nito ang invitation sa bag. “Yes. Sobrang galing nito-- si Miss Melay! Ang make up artist ng mga sikat na celebrities dito sa bansa. Bakit ka ba nagpahanap sa akin ng make up artist? Malapit na ba ang burol mo?”
“Baka gusto mong mauna ka, Dyosa?!”
“`Eto naman. Joke lang! E, bakit nga kasi?” curious na usisa niya.
“Dahil pupunta ako sa birthday party ni Hideo!”
“Talaga? Isa pa, baka naman mapagkamalang children’s party iyon kapag nandoon ka.”
“At bakit naman?”
“Baka akala nila mascot ka, Mirasol!” Hindi pa nakuntento si Dyosa at tumayo pa ito at ipinagsabi sa iba na mukha akong mascot.
Nagtawanan tuloy ang mga nakarinig.
Wow, ha! Tawang-tawa? Nakakahiya naman sa magagandang schoolmate ko!
“Dyosa! Gusto mo pa bang mabuhay? Kung makalait ka sa akin parang hindi kita kayang ipatumba!”
“`Eto naman! Joke lang! Hindi ka pa ba sanay sa akin? Wait, may invitation ka ba?”
“Wala. Hindi ako binigyan ni Hideo and I know na si Mirabelle ang nag-utos kay Hideo na huwag akong bigyan. Knowing my brat sister, gagawin niya iyon para lang hindi ako maging masaya!”
“So, paano ka makakapunta niyan? Sa gate pa lang, hindi ka na makakapasok. Ipahabol ka pa sa aso or haharangin ka agad ng guards nila kapag nagpumilit ka.”
“Makakapunta ako, Dyosa. I’ll be there… You know me, lahat nagagawan ko ng paraan!” At isang makahulugang ngiti ang sumilay sa aking labi.
“Okay, sabi mo, e,” anito.
Tumingin ako sa malayo habang naniningkit ang mga mata. Medyo napapangiti-ngiti pa ako dahil binubuo ko na sa utak ko ang aking mga plano.
HINDI ako sure pero alam kong may kinalaman si Mirabelle sa hindi pagbibigay ni Hideo sa akin ng invitation. Parang hindi ako makaka-move on sa ginawang iyon sa akin ni Hideo. Sa totoo lang, wala pa akong concrete plan laban sa kakambal ko. Naisip kong sabihin sa lahat na nagbabait-baitan lang ito pero nagback-out ako. Ako lang kasi ang lalabas na masama. Sasabihin lang nila na hindi totoo ang sinasabi ko about Mirabelle at sinisiraan ko lang ito. Of course, alam nila na maldita ako at baka balaigtarin pa ako ni Mirabelle. Kaya dapat akong umisip ng magandang plano. Hindi dapat ako magpadalus-dalos sa mga move ko.
Tapos na kaming mag-lunch ni Dyosa at pagpasok namin sa classroom ay nagtitipon-tipon ang mga classmate namin na para bang may libreng papel na ipinamimigay. Mga hampaslupa talaga. Hindi na lang namin iyon pinansin ni Dyosa at umupo na lang kami sa seat namin. But nakuha ang atensiyon ko ng mga nagkukumpulan nang marinig ko ang usapan nila.
“Wow! Ang ganda naman ng gown na susuotin mo sa birthday ni Hideo!” sabi ng isa.
“Talaga ba? Pina-design ko pa nga ito sa isang mahusay na designer. Maganda ba talaga? Hindi ba siya pangit?” boses ni Mirabelle.
“Ipinakita mo na ba `yan kay Hideo? For sure, lalo siyang mai-inlove sa iyo, Mirabelle! Gaganda ka lalo! Nai-imaging ko pa lang na suot mo `yan, feeling ko magmumukha kang princess. Tapos si Hideo ang prince mo. Nakakakilig naman!”
“Yes, nakita na niya. He liked it, actually! Salamat pala sa comments niyo, ha.”
Aba, aba, aba! At parang may paandar na naman ang kakambal ko!
At hindi na nga ako nakapagpigil pa. Tumayo ako at nilapitan ang kumpulan. Hinawi ko ang mga sipsip kay Mirabelle at nakita ko ang twin sister ko na nakaupo. Wala akong pakialam kung may bumalandra man sa isang sulok sa paghawi kong iyon. May hawak siyang isang papel at hinablot ko iyon sa kanya. Naka-drawing doon ang isang gown na kulay purple. Simple iyon ngunit maganda.
Mataray ko siyang tiningnan. “At talagang nagpagawa ka pa ng gown for Hideo’s party?! You’re just wasting our parent’s money for this!” sabi ko kay Mirabelle sabay punit sa papel.
“Ate! Bakit mo pinunit?” Mangiyak-ngiyak na tanong ni Mirabelle. Teary-eyed agad ang loka. Mukhang na-practice na niya ang pag-iyak ng mabilis.
“Dahil naiinis ako sa’yo, Mirabelle! Iyon lang naman ang reason why. Now tell me, tutal nandito na rin ako… Anong pinakain mo kay Hideo at hindi niya ako in-invite sa birthday party niya? Alam kong may kinalaman ka doon!”
“W-wala akong alam sa sinasabi mo, ate… Ang mga in-invite ni Hideo ay decision niya lahat. Wala akong kinalaman doon. Maniwala ka, ate!”
“Liar!” Ibinato ko sa mukha niya ang punit-punit na papel.
Tuluyan nang umiyak si Mirabelle. Oh! Such a dramatic b***h. Mapagpanggap. Alam kong kinukuha na naman niya ang simpatya ng lahat para ako na naman ang lumabas na masama.
“Ang maldita talaga ni Mirasol!”
“Tama ka! Ang pangit na nga, ang pangit pa ng ugali!”
“Nagtataka talaga ako kung bakit sila naging kambal ni Mirabelle!”
“I agree! Sobrang magkalayo sila ng ugali at mukha!”
Nilingon ko ang dalawang babae na pinagbulungan ako at pinanlakihan ko sila ng mata. Nanghimatay iyong isa sa takot habang iyong isa naman ay natataranta na sinalo ang nanghimatay na kasama nito.
Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong pinag-uusapan ako behindi my back. Kung may gusto silang sabihin sa akin, sabihin nila infront of my face nang masampal ko agad sila!
Muli kong hinarap si Mirabelle na sisinghap-singhap na akala mo ay basang-sisiw. Pilit niyang pinagdidikit-dikit ang papel na pinunit ko. Akala mo ay isang inaaping bida sa soap opera ang drama!
“Paano na ito? Ito `yong design ng gown na susuotin ko…”
Ang galing… Ang galing talagang magpaawa!
“Mirabelle!”
Lahat kami ay napalingon nang biglang dumating si Hideo. Agad nitong nilapitan si Mirabelle upang daluhan. Napatirik naman ang mata ko. I crossed my arms.
“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?”
“Wala ito, Hideo. Don’t mind me. I’m okay…”
“Hay naku, Hideo. Inaway siya ni Mirasol. Sumugod na lang siya sabay pinunit iyong design ng gown ni Mirabelle!” sumbong ng isang babae na nasa likod ni Mirabelle.
Intrimitida! Gusto ko siyang sabunutan kung wala doon si Hideo.
Masamang tumingin sa akin si Hideo. Ang akala naman niya ay masisindak niya ako sa tingin niyang iyon? No! Hindi ako nasisindak. Kinikilig ako!
Hideo, Hideo, Hideo!
Siguro nga ay may gusto ka talaga sa akin at pinagseselos mo lang ako kaya mo niligawan ang kapatid ko.
“I know your tactics, Hideo…” sabi ko sa kanya.
“What? Anong tactics sinasabi mo diyan?”
“Ano ba, Hideo? It’s so obvious kaya na pinagseselos mo lang ako kaya pinatos mo si Mirabelle! Oo na! Selos na selos na ako! Masaya ka na ba? So, enough na!”
“You’re crazy!”
“Crazy for you, Hideo!”
“Kakaiba ka talaga, Mirasol. Nasasabi mo ang lahat ng iyan sa akin sa harap ng kapatid mo na girlfriend ko? Iniisip mo ba talaga na may gusto ako sa iyo? Wala akong gusto sa iyo, Mirasol. Hinding-hindi ako magkakagusto sa isang pangit na nga ang ugali, pangit pa ang mukha na katulad mo!”
Natigilan ako sa sinabing iyon ni Hideo. Pakiramdam ko ay pinaksasaksak ako ng paulit-ulit sa dibdib sa mga salita niyang iyon. Ikaw ba naman ang sabihan ng ganoon ng lalaking gusto mo.
Tumayo si Mirabelle at humawak sa braso ni Hideo. “Hideo, okay lang. `Wag mo namang pagsalitaan ng ganoon ang ate ko. Oo, masama ang ugali niya pero kapatid ko pa rin siya--”
“Pwede ba?! Mirabelle?! Tama na ang pagpapanggap mo!” Malakas na sigaw ko. “At ikaw, Hideo! Tandaan mo ang araw na ito. Dahil simula sa araw na ito ay hindi na kita gusto. I uncrush you!!! You don’t deserve me! Magsama kayo ng kapatid kong plastik!!!”
Nagwalk out na ako pagkasabi ko niyon.
Sinalubong ako ni Logan sa paglabas ko ng pinto. May ibibigay sana siyang isang isang bungkos ng pink rose sa akin pero kinuha ko lang iyon para ihampas sa mukha niya.
“Leave me alone!” bulyaw ko sa kanya.
“B-bakit ka nagagalit sa akin? W-wala naman akong ginagawang masama sa iyo…”
“I hate you! I hate this world!” sabi ko sabay walk out.
Napakayabang talaga ng Hideo na iyon. Porket gwapo siya, akala ba niya ay may karapatan na siya akong saktan at ipahiya ng ganoon sa harap ng ibang tao. I really don’t know kung bakit ko pa siya nagustuhan. Dahil lang ba sa gwapo siya? Yeah. Iyon lang naman ang meron siya, e. Bagay sila ng kapatid ko na maganda nga pero puro hangin naman ang laman ng utak. Mga bobo!
Humanda talaga kayo sa akin. Mananalasa na ang Bagyong Mirasol! Bwahahaha!
“WOW! Ang ganda-ganda naman ng princess namin!”
Iyon agad ang narinig ko mula kay daddy pagkapasok sa bahay namin. Kaya naman pala, nagpabibo na naman ang kakambal ko. Suot na niya ang gown na susuotin niya sa birthday party ni Hideo at ipinapakita niya ito kina mommy at daddy sa living room. Paikot-ikot pa si Mirabelle. Mahilo ka sana at matumba! Tapos mabagok ang ulo mong gaga ka. Ang arte!
“Daddy, hindi niyo pwedeng maging princess si Mirabelle dahil hindi siya siya nag-iisang babae niyong anak!” sabat ko at walang gana na tinungo ang hagdan.
Hindi pa man ako nakakatapak sa utang baitang ay tinawag na ako ni Mirabelle. Naiiritang tumingin ako sa kanya. “What?!”
“Bagay ba sa akin, ate? Maganda ba?” Kitang-kita ko ang pang-aasar ni Mirabelle sa akin.
But of course, hindi iyon nakikita ng lahat dahil ako pa lang ang nakakaalam ng pagbabait-baitan niyan!
“Alam mo, Mirabelle, umiyak-iyak ka pa kanina sa room nang punitin ko iyong design, e, gawa na pala ang gown mo. Ang galing mo rin talagang magpaawa, `no? Pero, thank you my sis’! Pinagmukha mo na naman akong maldita sa lahat ng nasa school. Alam mo naman na gustong-gusto ko na nakikita ng lahat ang kasamaan ko!” Isang sarcastic na ngiti ang pinakawalan ko at saka ako tuluyang umakyat papunta sa kwarto ko.
I CAN’T sleep. Kanina pa ako hindi mapakali sa bed ko. Iniisip ko pa rin kasi iyong sinabi ni Hideo sa akin kanina. Hindi ko man ipinakita na nasaktan ako pero deep inside ay sobrang sakit.
Lumabas na lang ako ng kwarto ko. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng milk. Baka makatulong iyon para antukin at makatulog na ako. Pabalik na ako sa kwarto ko dala ang isang baso ng gatas ng makita ko ang gown ni Mirabelle sa living room. Nakalagay iyon sa isang mannequin. Isang evil thing ang pumasok sa utak ko. Bumalik ako sa kusina at kinuha ang gunting para sa food. Binalikan ko ang gown. Ang dapat dito ay sirain para mabaliw na ang bruha kong kapatid! Haha!
Pero nang akmang gugupitin ko na ang laylayan ng gown ay napatigil ako. Hindi dahil biglang nagbago ang isip ko kundi may naisip akong mas maganda kong gawin. Tama! Iyon na lang ang gagawin ko kesa sirain ang gown ni Mirabelle!
I am so excited! I am so evil!