CHAPTER 04- Sister’s War

2239 Words
I REALLY don’t know kung makakabalik pa ba ako sa bahay namin. Sige na, tinatanggap ko nang karma itong nangyayari sa akin. Nakarma agad ako dahil sa niligaw ko si Mirabelle. Pero hindi ako nagsisisi na niligaw ko siya. She deserved it! Nilandi niya si Hideo kaya naging sila nito. Si Hideo na nga lang ang crush ko, aagawin pa niya. Wish ko lang talaga ay hindi na siya makabalik sa bahay. Imposible naman kasing makabalik pa siya dahil wala siyang cellphone. And I am so sure na dahil sobra siyang pabebe ay umiiyak na siya ngayon. Kahit papaano naman ay nagtagumpay pa rin ako. Ang kailangan ko lang gawin ay makauwi na para makapag-celebrate na ako. Alam ko naman na nagkukunwari lang mabait ang Mirabelle na iyon para makuha niya ang simpatya ng lahat. That scheming b***h! Para siyang iguana na nagpapapalit-palit ng balat. Ganoon ang tingin ko sa twin sister ko na iyon. Akala ba niya hindi ko alam ang pagbabait-baitan niya? Malakas akong makaamoy sa ugali ng isang tao lalo na at kakambal ko pa siya. Kaya ako inis na inis sa kanya dahil sa ugali niyang iyon. Inaagaw niya ang lahat sa akin with her sweet charm. Magmula kay mommy and daddy. And now si Hideo. Alam ni Mirabelle na crush ko si Hideo kaya gumawa siya ng paraan para mapunta ito sa kanya. Gusto niyang ipakita sa akin na kayang-kaya niyang agawin ang lahat ng mahal ko. She’s a snake! Ano lang ba ang meron siya? Ganda lang naman, a! Ang bobo niya kaya sa lahat ng subjects. Ako kahit pangit ako, consistent ang pagiging first honor ko. Matalino ako. May utak. Aanhin mo naman ang ganda kung bagsak ang grades mo! Hay! Mamaya ko na nga iisipin iyang si Mirabelle. Nawawala ang katinuan ng utak ko kapag iniisip ko ang b***h kong kakambal. Lakad lang ako nang lakad hanggang sa may isang lalaki akong nakasalubong at tinawag ang pangalan ko. Walang iba kundi si Logan! “What are you doing here, Logan? Do you live here?” Nagtatakang tanong ko sa kanya. I did not expect na makikita ko siya sa lugar na ito dahil sa pagkakaalam ko ay same lang ang subdivision kung saan kami nakatira. Sa kabilang block lang siya. “Naliligaw ka rin ba?” tanong ko pa. Ang malas ko naman. Ang pangit na ito pa talaga ang makikita ko sa dami ng pwede kong makitang tao. Hindi pa pwedeng si Hideo na lang? “Hi, Mirasol!” Todo-kaway pa siya. Ngiting-ngiti ang hudas nang makita ako. Itinirik ko ang mata ko. “Answer my question, you stupid! Anong ginagawa mo dito?” “Namamasyal.” “Hindi ka nililigaw?” “Hindi.” Umiling pa siya. “You live here?” Umiling siya. “So, anong lugar ito? Nasaan ako?” “Nasa likod ka ng subdivision natin. Hindi mo ba alam?” “What? Are you kidding me?!” “Hindi. Tingnan mo `yon…” aniya at may itinuro siya. Sinundan ko ang itinuro niya at napanganga na lang ako nang makita ko na sa likod ng mga bahay kubo ay naroon nga ang subdivision namin. Nahaharangan lang iyon ng hindi ganoong kataas na pader. So, all this time ay inisip ko na malayo na ako sa bahay namin na hindi naman pala dahil kaunting lakad lang ay naroon na ako. Natulog-tulog pa ako sa lupa tapos-- ugh! Napagkamalan pa akong thief! Hinding-hindi ko makakalimutan na napagkamalan akong magnanakaw ng mga hampaslupang iyon. “Tinayuan na kasi itong likod ng subdivision ng mga mahihirap na--” Tinabig ko ang mukha ni Logan at dire-diretsong naglakad papunta sa subdivision namin. I need to go home! Alam kong nag-aalala na sina mommy at daddy sa akin. Siyempre, kunwari ay hindi ko alam na naliligaw si Mirabelle at baka makahalata sila na ako ang may kagagawan niyon. “Mirasol!” tawag ni Logan sa akin. “Leave me alone!” bulyaw ko. Walang kahirap-hirap na inakyat ko ang pader at tumalon sa kabila. Sisiw! Ilang minuto lang na paglalakad ay nasa bahay na namin ako. Inihanda ko na ang luha ko para sa fake na pag-iyak. Kailangang ma-convince ko ang lahat na nawala talaga si Mirabelle. Hindi na ako makapaghintay na ideklara nina mommy at daddy na ako na lang ang anak nila. Ang saya siguro ng wala akong kakambal na ubod ng arte at pabebe! Pagbukas ko ng main door ay humagulhol na ako ng iyak. Iyong tulo ang uhog at nanginginig pa ang babae para effective talaga. Ngunit muntik na akong manghimatay nang makita ko si Mirabelle na masayang kakwentuhan sina mommy at daddy sa living room. Hindi man lang nila napansin ang pagdating ko sa sobrang busy nila. Ang lakas-lakas ng tawanan nilang tatlo. Nagtataka na nilapitan ko sila at tinitigan si Mirabelle. “Paano ka…” Hindi makapaniwalang itinuro ko pa siya. “Ate! You’re here na pala!” Ngumiti pa siya sa akin na akala mo ay ikinatuwa ko. Mas lalo akong nabwisit. “Anong nangyari sa iyo? Bigla ka na lang nawala sa mall kahapon. Hinanap kita pero hindi kita makita.” Hindi nakaligtas sa kanya ang pagngisi nito. Paanong nandito ang hinayupak na ito? Iniligaw ko na siya sa mall, `di ba? Imposible naman na nakatawag siya kina mommy to seek for help dahil kinuha ko ang phone niya. Lumipad ba siya? “O, Mirasol. Nandito ka na pala. Teka, bakit ang dumi mo? Maligo ka nga. Amoy na amoy ang baho mo dito,” ani daddy. “Yes, daddy…” Iyon na lang ang nasabi ko. Shock pa rin ako na nagawang makauwi ni Mirabelle. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Hindi ako nagtagumpay sa maitim kong balak. Biglang tumayo si Mirabelle at hinawakan ang dalawa kong kamay. “Hinintay kita sa mall, ate, pero hindi ka na bumalik. I can’t call mommy and daddy kasi nasa iyo ang phone ko kaya bumili na lang ako ng bagong phone using my credit card. Memorize ko naman ang phone number nila, e.” “May credit card ka?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango si Mirabelle. “Daddy, may credit card si Mirabelle tapos ako wala?” “Mirasol, alam naman namin na nag-iipon ka ng coins sa piggy bank mo.” “But, daddy, that’s too unfair. You gave my twin sister a credit card tapos ako hindi? Anong reason niyo? Kailan pa may credit card si Mirabelle?” “Last year pa, ate!” Muli akong napatingin kay Mirabelle sa sinagot niya. I look at her with a disgust look on my face. “You’re so lucky!” Sarcastic na sabi ko sabay talikod. Nakakainis! Ang unfair nila! Sobra! Hindi na nakakatuwa! Dumiretso ako sa aking room at nag-shower. After that ay humarap ako sa salamin at may galit na kinuha ang isang mamahaling perfume at ibinato iyon sa salamin. Bumagsak ang piraso niyon sa sahig. Pumulot ako ng isa at tinignan ang aking mukha. Kaya ba hindi ako kayang mahalin ng lahat ay dahil sa pangit kong mukha? Kung naging maganda ba ako ay magiging patas ang trato sa akin ng lahat lalo na ng magulang ko? Hindi ba nararamdaman nina mommy at daddy na sobrang unfair na nila sa akin? Na ang sakit-sakit na ng ipinararamdam nila sa akin? “This is too much! Ayoko na! Ayoko nang maging pangit!” Puno ng galit na sigaw ko sabay bato ng piraso ng salamin sa dingding. Talagang ginigigil lalo ako ng Mirabelle na iyan. Kung wala siya, kahit pangit ako ay wala sana akong kaagaw. Sa akin sana lahat ng dapat ay nasa kanya. Si mommy, daddy at Hideo! PARA kumalma ay tumambay ako sa veranda ng aming bahay ng gabing iyon. Nasa second floor iyon. Wala lang, nakatanaw lang ako sa malayo. Gusto kong i-empty ang aking utak para makapag-isip ako ng susunod kong hakbang. Siyempre, nasa plano ko pa rin ang gawing miserable ang buhay ni Mirabelle. Pero napapansin ko, parang ako ang nagiging miserable. Maya maya ay may naramdaman ako na parang may tao na nakatayo sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko si Mirabelle at may hawak siyang isang baso ng juice. Naningkit agad ang mata ko nang makita siya. “What are you doing here? Umalis ka nga!” Pagtataboy ko sa kanya. Imbes na umalis ay lumapit pa siya sa akin habang ako ay nandidiri. “Juice, ate… Oopss!” Nagulat ako nang biglang ibuhos ni Mirabelle ang juice sa may dibdib ko. Yes, ibinuhos. Hindi naibuhos! “You are a b***h!” galit na sigaw ko. “Sinadya mo `yon!” “Sinadya? Of course… not. Alam mo naman na kung may gagawa man ng ganoong bagay between us, ikaw iyon. Ikaw ang maldita, ate. Not me.” Pangiti-ngiti pa siya na parang nang-aasar. Well, naaasar ako! “Umalis ka na, Mirabelle. You’re getting into my nerves!” “Anong feeling na kami na ni Hideo, ate? Does it hurts? Like hell?” Ow… Sinasabi ko na nga ba. Sinadya ng bruhang ito na maging sila ni Hideo para asarin akong lalo. I knew it! Nagbabait-baitan lang ang kakambal kong ito. Nagtatagao ang isang demonyita sa mala-anghel niyang mukha! Hindi ko siya sinagot dahil ayokong ibigay ang satisfaction na gusto niya. Matutuwa siya malamang kapag sinabi kong nasasaktan ako. Ayokong makita niya na talo ako at hindi naman niya ako matatalo kahit kailan. Maybe, nasa kanya ang lahat pero darating ang araw na ang lahat ng iyon ay mapupunta naman sa akin. Pinanlisikan ko lang siya ng mata pero tila hindi siya nasisindak sa akin. Muling nagsalita si Mirabelle. “You hate me, right?” tanong pa niya. Humakbang ako ng isa palapit sa kanya at nakipag-face to face sabay ngisi. “No, no, no, no…” Umiling-iling pa ako na parang malungkot sabay fierce look. “Bakit naman ako magagalit sa nag-iisa kong sister? I don’t hate you, Mirabelle. I am not just happy about your existence!” Mataray kong sabi. Tumaas ang isa niyang kilay sabay hinga ng malalim. “Ako din naman. I am not happy na may kakambal akong pangit. Tinatawanan kaya ako ng friends ko! At akala mo ba, hindi ko alam na sinadya mo akong iwanan sa mall? Ang galing ko, `di ba? Nakabalik ako sa bahay…” Pumalakpak ako at inilagay ko na parang sungay ang dalawa kong hintuturo sa ibabaw ng ulo ni Mirabelle. “Wow! I can see na lumalabas na ang tunay mong anyo, sister. You’re a mapagpanggap na angel. But the truth is isa kang demonyita na kinukuha ang lahat with her charm. Bagay sa iyo ang sungay. Bili kita sa Divisoria? `Yong umiilaw-ilaw? You want?” Pang-aasar ko pa. “E, ikaw nga kahit hindi sungayan mukha ka pa ring demonyo. Effortless!” Hinawakan ko nang mariin ang braso siya. Nanggigigil na talaga ako. “Ano ba talagang gusto mo? Bakit bigla kang nagmamaganda sa akin ngayon? Nasa iyo na ang lahat, `di ba? Pati si Hideo, nilandi mo na!” Nagpipigil ng galit na turan ko. “Gusto mo akong mawala na sa buhay mo kaya mo ako niligaw, right? Ganoon din ang gusto ko, ate. I want you to get lost. Forever! Sawang-sawa na ako na makipag-plastikan sa iyo. Ayaw mo sa akin, right? Well, the feeling is mutual, sis!” Marahan niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya sabay smile. “Good night, ate.” Nang tumalikod na si Mirabelle para umalis ay gustong-gusto ko siyang habulin at sabunutan. Ngunit alam kong kapag ginawa ko iyon ay magsusumbong siya kina mommy at ako ang lalabas na nag-umpisa ng lahat. Tama nga ang hinala ko na nagpapanggap lang na mabait si Mirabelle. Ginagawa niya ang lahat para maging miserable ang buhay ko? Pwes, mas gagalingan ko this time. Maladita to the highest level! She want war? I give her war! Teka, may naisip ako. Kung war ang mangyayari sa amin ni Mirabelle, dapat lang na magpatalbugan ako sa kanya. Alam ko, malapit na ang birthday ni Hideo. Next week na iyon. Every year, kapag birthday ni Hideo ay ini-invite niya lahat ng classmate niya sa bahay nila para sa isang party. Dapat ay paghandaan ko ang party na iyon. Magpapaganda ako kahit parang imposible iyon. Kinuha ko sa aking bulsa ang aking phone at tinawagan si Dyosa. Mabuti na lang may spare phone ako. “Hello, Mirasol? Ano ba? It’s late na kaya! Bakit ka napatawag? Alam mo bang may pasok pa tayo bukas? Nagising kaya ako dahil sa tawag mo!” Halata sa boses niya na nagising siya dahil sa tawag ko. “Kung ayaw mong maistorbo sa pagtulog mo, sana nilagay mo sa silent mode or in-off mo ang phone mo! Gaga!” “Oo na! Oo na! Ano ba kasi iyon? Pakibilisan na lang, please. Tutulog pa ako!” “Listen to me, Dyosa. May kilala ka bang magaling na make up artist?” “Ha? Bakit? Mamamatay ka na ba? Naghahanap ka ng magme-make up sa’yo sa burol mo?” “Baka gusto mong mauna ka, Dyosa? I am serious! Ihanap mo ako ng magaling na make up artist!” sabi ko at in-end ko agad ang tawag para hindi na maka-apela si Dyosa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD