“MOMMY! Daddy!” Talagang humahangos ako pag-uwi ko. Takbo agad ako papasok sa loob para isumbong si Mirabelle na nagpapaligaw na ito at lumalandi lang sa school. Tingnan ko lang kung hindi siya pagalitan.
Nakakairita talaga ang Mirabelle na iyon. Lahat na lang ay inagaw sa akin. Pero kung inaakala niya na magtatagumpay siya? Hindi. Hinding-hindi ako makakapayag na maging masaya siya sa piling ni Hideo. Sa pagkakaalam ko ay ipinagbabawal pa ng parents namin na magpaligaw si Mirabelle. Pero ako? Halos ibugaw na nila ako. Kainis, `di ba? Gusto ko rin naman na ma-feel na pinoprotektahan nila ako, `no! But, kung si Hideo din lang naman ang manliligaw sa akin, kahit hindi sila papayag ay go pa rin ako.
“Mommy! Dad--”
Napahinto ako sa may bungad ng pinto nang makita ko sina mommy at daddy na kausap sina Mirabelle at Hideo. Mukhang ang saya-saya nila. Anong meron? Saka anong ginagawa dito ni Hideo? Bigla tuloy akong kinabahan.
“Basta, alagaan mo ang anak namin, Hideo. At sa studies muna dapat ang focus. Okay?” Tinapik-tapik ni daddy sa balikat si Hideo.
“Okay po, tito. Ngayong girlfriend ko na po si Mirabelle ay mas lalo ko pa siya i-inspire sa pag-aaral. Isa pa, iyon naman po talaga ang goal namin-- ang makatapos ng pag-aaral.”
“Mabuti naman kung ganoon. Aasahan namin iyang sinabi mo, Hideo. Alagaan mo rin sana si Mirasol.”
“Opo--”
“What’s the meaning of this?” Lahat sila ay napatingin sa akin. Gulat na gulat na para bang may isang halimaw na dumating.
Tigalgal ako sa narinig ko. Girlfriend na ni Hideo si Mirabelle? Kailan pa? Sa pagkakaalam ko ay nanliligaw pa lang kanina si Hideo sa kakambal ko. Ano ito? May sagutan agad na naganap? At saka paano pa ako magsusumbong kung ganitong payag na payag na sina daddy sa relasyon nina Hideo at Mirabelle?!
Tiningnan ko ang kakambal ko na para bang gusto ko siyang kainin ng buhay. Gusto ko siyang sugurin ng sampal at sabunot dahil inagaw na naman niya ang isang tao na dapat ay sa akin. Sabagay, ano pa nga ba ang aasahan ko sa kanya?
“O, Mirasol, nandiyan ka na pala. Halika at para naman maipakilala namin sa iyo ang boyfriend ng kapatid mo…” sabi sa akin ni mommy.
“Kilala ko na siya at siya ang crush ko!” Nakakuyom ang mga kamay na nilapitan ko si Mirabelle-- ang malandi at maharot kong sister. Itinaas ko ang kamay ko para sampalin siya pero natigilan ako nang makita kong nakatingin sa akin si Hideo. Hindi niya pwedeng makita na masama ako at baka maturn-off siya sa akin. Ibinaba ko iyon at masama ang loob na pumasok sa aking kwarto sa second floor.
Ibinato ko ang lahat ng mahawakan ko sa sobrang galit ko. Wala akong pakialam kahit may mabasag pa ako. Sa yaman namin, pwede kong mapalitan ang masisira kong gamit. Ang importante ay mailabas ko ang galit at inis na nararamdaman ko ngayon!
“I invested my time and effort to you, Hideo! Pero bakit ang kapatid ko ang nagustuhan mo?! Bakit hindi ako?! Bakit?! Dahil ba pangit ako?!” Nagwawalang sigaw ko. Humihingal akong napatingin sa kawalan.
Tumayo ako ng maayos. Hindi ako makakapayag na maging masaya si Mirabelle. May plano na agad ako and this time, sisiguruhin kong mawawala na siya sa landas ko.
“Hideo is mine!” gigil na sigaw ko.
THE whole weekday is hell for me. Saturday today and this is the right time para gawin ko ang evil plan ko for my twin sister. Ang gagawin ko lang naman ay ililigaw ko siya na parang pusa. Ang bright ng idea ko, right?
Kunwari, okay na kami at ilalabas ko siya para mag-mall. Kunwari, mabait na ako. Hay! Ang challenging naman nito sa akin-- ang maging mabait. Ang hirap!
My plan is dadalhin ko siya sa mall na alam kong hindi pa niya napupuntahan then iiwanan ko siya doon at uuwi ako nang hindi siya kasama. Kapag tinanong ako nina mommy and daddy kung bakit mag-isa lang akong umuwi, sasabihin ko na ang akala ko ay nakauwi na si Mirabelle dahil bigla na lang itong nawala. I know my twin, wala siyang sense of direction. Madali siyang maligaw kaya matutuwa ako kung forever na siyang hindi mahahanap. Or kung mahanap man siya, a couple of days or weeks without her is like a heaven to me!
At madali ko namang napaniwala si Mirabelle na mabait na ako sa kanya. May date pa nga daw sila sana ni Hideo today pero she cancelled para sa bonding naming mag-sister.
Oh, well… Tamang-tama naman pala ang napili kong araw para iligaw siya. Hahaha!
“Ate, I am so happy na magba-bonding tayo. This is the first time na inaya mo ako para lumabas.” Masayang sabi sa akin ni Mirabelle habang naglalakad-lakad kami sa mall. “Kaya this deserved a selfie!” aniya sabay labas ng phone niya. Nagpicture kaming dalawa. Siya lang ang nakangiti. Ako? Nakangiwi.
Ang hirap magpaka-plastik! My God!
Sige lang! Magsaya ka lang dahil mamaya aatungal ka ng iyak dahil ililigaw na kitang bruha ka! Tingnan lang natin kung makapag-pabebe ka pa! Tumatawang sigaw ko sa aking utak.
Nag-smile ako sa kanya ng ubod ng plastik. “Uhm, Mirabelle, pwede bang dito ka lang?” Iniupo ko siya sa upuang nasa katabi ng isang store. “Pupunta lang ako ng restroom. Natatae na ako, e.”
“Sure, ate. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ka bumabalik. Basta, bilisan mo lang, ha.”
“Oo naman. Sure! Wait. Can I borrow your phone pala? Lowbat kasi ako. Magse-selfie lang ako sa CR. Pang-feed sa IG. You know…”
Agad naman na ibinigay niya sa akin ang kanyang phone. Kailangan kong kunin ang phone niya para hindi siya makatawag sa bahay. “Here, ate… Ingat ka.”
“Thanks. Bye, Mirabelle!” Mataray akong kumaway sa kanya at lumayo na ako. Asa pa siya na babalikan ko siya!
Nang nasa malayo na ako ay tinanaw ko si Mirabelle mula sa pinag-iwanan ko sa kanya. Nakaupo pa rin siya doon at mukhang tanga na hinihintay ako. Asa pa naman siya na babalik ako. Bahala na siya diyan sa buhay niya.
Wait. Parang nagke-crave ako sa coffee and chocolate cake. Hmm…
AFTER kong mag-coffee ay gumala muna ako sa mall hanggang sa malapit na ang closing. At nakita ko pa rin si Mirabelle sa kung saan ko siya iniwanan. Talagang hindi umalis doon ang gaga! Nakita kong nilapitan na siya ng guard at parang pinapalabas na siya. Haha! Mission accomplished! Makauwi na nga. I miss my bed.
Kailangang ihanda ko na ang sarili ko para sa drama ko pag-uwi. Dapat may tears para convincing. Well, sisiw lang naman iyan sa akin.
Lumabas na ako ng mall at pumara ng taxi. Sinabi ko ang subdivision namin kung saan ako ihahatid dapat ng taxi driver.
“Wow! Pang-mayaman ang subdivision niyo, a. Katulong ka doon?” tanong ng taxi driver sa akin.
“Excuse me?! Do I look like one? Pwede ba? Magdrive ka na lang diyan. Do your job!” singhal ko sa echoserong driver.
“Nagtatanong lang naman ako.”
“Pwes, FYI lang, kuya! Anak lang naman ako ng Pritzker! Alam mo naman siguro iyong sikat na brand ng shampoo, soaps and everything, right? Parents ko ang owner no’n! Kaya `wag na `wag mo akong masasabihan na katulong ako. You’re getting into my nerves!” ani ko sabay tirik ng mata.
Nagulat na lang ako nang ihinto bigla ng taxi driver ang taxi sa isang madilim na kalye. Wait, where are we? Hindi na yata ako familiar sa lugar na ito. Oh no! I think I am in a big trouble!
“Holdap `to!”
Napasigaw ako nang magdeklara ng holdap si kuya. Tinutukan pa niya ako ng baril sa mukha at feeling ko ay hindi fake iyon.
“OMG! Please don’t kill me! Just get all of these!” sabi ko sabay bigay sa kanya ng lahat ng laman ng shoulder bag ko. Money, wallet and cellphones.
“Wow! Mayaman ka nga! Bumaba ka na!”
“What? Hindi mo ako ihahatid sa bahay namin?”
“Tanga ka ba?! Mamaya isumbong mo pa ako sa mga pulis!”
“No, kuya. You have my word. Just drive me home!”
“Sinabi nang bumaba ka! Pangit!”
“Okay! Okay! I’m getting out na just don’t call me pangit!”
Naiirita na bumaba na ako sa taxi at agad iyong humarurot paalis. First time ko na ngang mag-taxi tapos ito pa ang nangyari sa akin. My God!
Pero nasaan na nga ba ako? I am not familiar kung anong klaseng lugar ba ito. Medyo rocky ang road tapos maraming puno. May nakikita akong field at mountains. Madilim at nakakatakot.
Naglakad-lakad na lang ako hoping na may dadaang sasakyan para naman makahingi ako ng tulong. Haaay… Baka naman ito na ang karma ko sa pag-iwan ko kay Mirabelle. No, hindi ito karma. I am sure na mas miserable pa dito ang dinadanas ng kakambal kong iyon. Matatakutin at tanga kaya iyon!
Gosh! `Wag naman sanang may rapist dito, `no.
Dapat pala inipit ko iyong isa kong phone at iyong kay Mirabelle lang ang binigay ko para makatawag ako sa bahay at makapagpasundo ako.
Lakad lang ako nang lakad hanggang sa mapagod na ako. Antok na rin ako at gusto ko nang matulog. Tinignan ko ang aking paligid hanggang sa makakita ako ng isang bahay na may mga nakasampay na damit sa harapan. Kinuha ko ang mga sinampay at inilatag sa lupa. Doon na lang ako humiga upang matulog.
I never imagined na mangyayari ito sa akin. I am so kawawa naman…
Well, I have to sleep para bukas ay may energy ako.
Alam kong makakauwi na ako bukas sa amin. Hindi pwedeng hindi!
UMUULAN. Umuulan ng ihi ng aso sa mukha ko! Agad akong napabangon dahil sa pag-ihi ng aso sa aking mukha. Anong palagay ng walanghiyang dog na ito? Inidoro ang face ko?! Pati ba naman aso ay ipinaparamdam sa akin kung gaano ako kapangit!
Dumampot ako ng bato at babatuhin sana ang aso nang makita ko ang isang matabang ale na galit na galit na sinisigawan ako. May mga kasama pa siyang tanod.
“Iyan! Iyan ang baliw na ginawang higaan ang mga damit kong ibinabad pa sa Downy! Magnanakaw iyan ng sinampay!” Itinuro pa niya ako.
“Me? Baliw? Crazy? Nagkakamali ka matabang ale. Ikaw ang mukhang baliw diyan na sumisigaw accusing me sa bagay na hindi ko ginawa.” Mahinahon kong sabi.
“Hulihin niyo `yan! Nilalait pa ako! Tignan niyo naman ang mukha niyan! Ang pangit!” Patuloy pa ng ale.
Nilapitan na ako ng mga tanod. “Sumama ka na sa amin.”
Hahawakan sana nila ako pero umatras ako. “OMG! I wont let you to touch me with your dirty hands. Sasama ako. Saan ba tayo pupunta?”
“Sa baranggay para makasuhan ka!”
“Kaso? Anong ikakaso niyo sa akin?”
“Bahala na. Mag-iisip pa kami.”
“Okay. Tara na… Take the lead and I will follow.”
“A-ano?”
Itinirik ko ang mata ko. “Ang sabi ko, mauna kayo at susunod ako. Dumb!”
At nauna na nga sila pero ako ay humahanap ng magandang timing para tumakas. Hindi yata nila napansin na hindi ako nakasunod sa kanila kaya naman kumaripas ako ng takbo sa kabilang direksyon.
Paglingon ko sa kanila ay lumingon din iyong matabang ale. “Tumatakas si pangit!!!” sigaw niya.
Naalarma ang mga tanod at hinabol na nga ako.
OMG! Ano ba itong nangyayari sa akin? Kagabi na-holdap tapos ngayon, ito naman! Ano pa kaya ang susunod?
Takbo lang ako nang takbo hanggang sa nasa palayan na ako. Doon na ako nahirapan dahil lumulubog ang paa ko sa nakakadiring malambot na lupa. Naiwanan ko pa iyong isa kong tsinelas nang paghugot ko ng paa ko sa lupa.
“Eww! Gross! Eww!” Iyon ang mga salitang tanging nasabi ko.
Nakakita ako ng kabayo at sinakyan ko iyon. Marunong naman akong mangabayo dahil may hacienda kami sa Quezon Province. Habang tumatakbo ang kabayo sa palayan ay biglang umulan. Ang init-init pero umuulan? Ano `to?
Pero wow lang! Feeling ko ay isa akong sexy star na nakasakay sa kabayo on her wet look. Kaya naman awra ako nang awra na parang kinukunan ako ng pictures. Pak!
Nakalampas na ako sa palayan at sobrang layo ko na sa mga tanod. Mukhang sumuko na nga sila sa paghabol sa akin. Pagbaba ko sa kabayo ay tumigil na rin ang ulan.
Huh?
Nasaan na ba ako? Anong lugar ba ito? Puro kubo na nag bahay na nakikita ko.
Manila pa ba ito?!