ISANG maganda at sopistikadang babae ang sumalubong sa amin ni Shelley pagpasok ko sa mansion house na iyon. Nakasuot siya ng gold na gown at kuntodo make-up kahit na nasa bahay lang siya. Ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang pinagkakautangan ko ng loob at ng buhay ko… Walang iba kundi si Madam Pureza Villaversoza! Maganda siya pero hindi niya ikinahihiya na retokada siya from head to toe. Biktima lang din siya ng mapanghusgang at mapanglait na mga tao kaya napilitan siyang magpaganda nang husto. Ginamit niya ang kaniyang pera kaya siya gumanda ng ganoon. Pinipilit nga niya akong magpa-reoke pero… no. Ayoko talaga. Mamamatay ako na itong mukhang ito ang dala ko. “Iha! Mirasol! I really missed you! Finally, you are home!” May ningning sa mata niya nang makita niya ako. Sinalubong niya

