AYOKONG manatili sa bahay dahil naroon si Mirabelle. Nagpunta na lang kami ni Shelley ng mall at nag-shopping na rin. Kailangan ko rin ito dahil sa wala kaming masyadong dalang damit and personal things. Biglaan naman kasi itong pag-uwi ko. Binisita ko rin ang branch ng Mirasol’s sa naturang mall. Maayos namang tumatakbo ang branch ko na iyon dahil nakakuha ako ng mga tamang tao na magpapatakbo niyon. After that ay humanap kami ng restaurant dahil parehas na kaming gutom ni Shelley. Nag-skip kasi kami ng breakfast. Ayoko kasing makasabay si Mirabelle sa almusal. Talagang naiirita ako sa kaniya. Wala siyang bukam-bibig kundi ang pagpapakasal niya kay Hideo. Nakakarindi na! Pero siyempre, gusto kong makasabay sina mommy at daddy. I really missed them lalo na’t alam ko na ngayon na kagagawan

