“MISS MIRASOL, ang gwapo no’ng classmate niyo dati, `no? Ang lagkit ng tingin niya sa iyo kanina. Ex mo ba siya?” Kung hindi lang nagda-drive si Shelley ay baka nabatukan ko na siya sa dami ng tanong niya. “Shelley, what did I told you before? No personal questions pwera na lang kung ako ang mismong mag-open up sa iyo.” Mahinahon kong sabi. “I’m sorry po. Hindi ko lang talaga maiwasan na magtanong dahil curious lang ako kung ano mo si Logan before.” Pero Shelley is right. Napansin ko rin iyong way ni Logan ng pagtitig niya sa akin. Ayokong mag-assume pero it seems gusto pa rin niya ako. Ganoon kasi ang mga titig niya sa akin noong high school pa lang kami. Isa iyon sa mga hindi nagbago sa kanya. The way he look at me na para bang napakaganda kong babae kahit na ubod naman ako ng pangit.

