PARA akong nalulunod nang magkaroon ako ng malay. Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko sabay balikwas ng bangon. Humihingal na naitukod ko ang dalawa kong kamay sa aking gilid habang humihinga ng malalim. Napatitig ako sa kawalan. Napapikit ako ng biglang sumakit ang aking ulo. Napahwak ako doon at nalaman ko na may benda ako sa ulo. Natataranta akong tumingin sa aking paligid. Nasaan ako? Anong lugar ito? May nakakabit na maliit na tubo sa aking pulso. Tatanggalin ko sana iyon nang isang babaeng nakasuot ng puti ang dumating. “Ma’am, `wag po!” pigil niya sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. “Hindi niyo po pwedeng tanggalin ang dextrose na nakakkabit sa inyo nang kayo lang. Humiga po muna kayo at magpahinga. Mabuti naman po at nagising na kayo. Halos tatlong araw rin po

