CHAPTER 21 CLYDES POINT OF VIEW Nang lumipat siya sa akin ay naging mas malinis at maaliwalas na ang condo ko. Siya na rin ang naglalaba at namamalantsa ng aking mga damit habang ako naman ang naggo-grocery at namimili ng mga iba pang pang pangangailangan. Luto na ang pagkain naming pag-uwi ko at ako na rin ang nagliligpit ng aming pinagkainan. Walang pag-uusap na nangyayari. Kusa naming iyong ginagawa. We complement each other. Sa umaga masaya akong magigising dahil alam kong pagbukas ko ng aking mga mata ay may Jinx na hahalik at yayakap sa akin para gisingin ako. Nakahanda na ang aking kape, almusal at mga isusuot. Idadaanko muna siya sa pinapasukan niyang university saka naman ako didiretso sa aking ttrabaho. Kahit pa nasa trabaho ako, panay pa rin ang pagpapalita

