CHAPTER 20 CLYDE’S POINT OF VIEW "Hindi ko alam kung tama itong papasukin kong ganito ngunit dahil gusto kita susubukan ko. Gagawin ko." "Sigurado ka na diyan ha? Wala nang bawian" Ayaw kong lalabas na ako lang ang may gusto ng ganitong set-up. "Sige. Papayag ako.” “Yown. So naka-set na tayo ng boundaries kanina. Dapat sundin lang natin lahat iyon para hindi tayo magkakasakitan lalo.” “Okey na ako sa rules at boundaries natin. Siguro kailangan ko lag iwasang mahulog sa iyo ng buum-buo. Iwasan kong mahalin ka para hindi ako masasaktan kapag nakikipagdate ka sa iba o may katalik nang iba." Pinili kong tumahimik na lang. Ako nga mismo ay hindi din tuluyang naniniwala sa mga sinabi ko. Hindi rin ako sigurado kung kaya ko ang mga sinabi niyang boundaries. Ako din ay naguguluhan sa mga

