CHAPTER 43 *PAGTATAPOS NG LIHIM* Jinx Point of View "Bhie, bakit ka huminto?" tanong niya sa akin. Nilakasan ko ang pagkanta ng forevermore ngunit hindi parin niya marinig. Napakarami na niyang sinasabi at lahat naman ay sinasagot ko. Alam kong pagkatapos na bawian siya ng kaniyang paningin ay ang kaniyang pandinig. Nagsisigaw na ako. Humahagulgol na parang hindi ko na alam kung paano kontrolin ang aking sarili. Sa lakas ng iyak ko ay nagsipasukan na ang aking mga kaibigan. Hinahaplos nila ang likod ko. Ang iba naman ay pinalibutan siya at hinawakan bilang pagpaparamdam sa kaniya na naroon kaming lahat. Hinahatid namin siya sa kaniyang napipintong pamamahinga. Tulad ng hiniling niya sa akin noon. Masakit sa aking pakawalan siya ngunit hindi ko na din kayang nak

