CHAPTER 42 CLYDE'S POINT OF VIEW Nang nakahanda na ang aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa organisasyong pinagsilbihan ko ng ilang taon. Gusto ko din kasing ibuhos na ang natitira kong panahon kay Jinx. Alam kong naiintindihan nila ang pasya ko. Tanging kaligayahan ko lang daw ang kanilang hinahangad. "Masaya akong makitang magkasama na kayong muli. Sa kabila ng inyong mga napagdadaanan ay mas pinili ninyong ipaglaban ang inyong pagmamahalan. Pinahanga ninyo kami." Si Bruce. Namumula ang kaniyang mga mata. "Pasyalan ka namin sa tuwing may pagkakataon kaming dalawa. Masayang masaya akong makitang magiging okey ka na sa piling ni Jinx. Ito ang matagal ko ng gustong mangyari, ang magkasama kayong muli sa huling panahon na ilalagi mo pa

