CHAPTER 41 *HULING PAGPAPAHIRAP NG LIHIM* CLYDE'S POINT OF VIEW Akala ko sapat na ang aking naipon at pera hanggang sa ibalik ko na sa Diyos ang hiram kong buhay. Naubos ang aking ipon. Ibinenta ko na ang aming lumang bahay dahil wala na ako halos pantustos sa aking mga gastusin at pagtulong sa mga iba pang may karamdamang kagaya ko. Napakarami ko kasing gustong tulungan at hindi maaring sarili ko lang ang iisipin ko. Mahal ang mga gamot. Hindi ko gustong iasa kay Ken at Bruce ang aking mga gamot kahit pa pinipilit nila akong tulungan. Nilibre na ni Dok Mario at Dok Bryan ang kanilang doctor's fee sa akin dahil naging kaibigan ko na din sila ngunit nakakaramdam ako ng hiya sa tuwing nagpapatingin ako o kaya inaatake ako ng aking sakit. Naging bukas ang condo ko na patirahin ang mg

