CHAPTER 40 PART 1 CLYDE POINT OF VIEW Lumapit siya sa amin. Tinignan niya ako sa mata. "Minahal mo nga ba ako?" inulit niya. “Yung totoong pagmamahal na kahit pa magbago ang panlabas kong anyo, ako pa rin ang ititibok ng iyong puso. Yung pagmamahal na kahit pa hanggang sa pagtanda, you still have that reason to stick and stay with me. Walang pagsasawa, hindi naghahanap ng iba kahit pa sobrang boring na, yung pagmamahal na pipiliing manatili kahit pa anong problema ang darating kasi nga nagmamahal lang.” Napatingin muli ako kay Ken. Ilang saglit lang at ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. "Di na iyon mahalaga pa. Di ba, ikaw din ang nagsabi na kinalimutan mo na ang lahat?" mahinahon ang aking boses.

