Chapter 19

1642 Words
Parang lutang ang pakiramdam ni Nickz pagkatapos ng kanilang exam. Parang drain na drain ang energy nya kaya agad nyang niyaya ang kaibigan na kumain muna sila. Dalawa lang naman ang subject nila ngayong araw kaya pwede na silang umuwi. "Hoy ano na. Bat parang namumutla ka?" Tanong ni Paula sa kanya. "Gutom lang siguro ako. Hindi pa kasi ako nag aagahan tapos hapon na." Matamlay nyang sagot sa kaibigan. "O sige order na tayo para makakain na." Sabi naman nito saka na tinawag ang waiter. Nagyaya kasi ito sa restaurant dahil may gusto daw itong kainin doon. Nag kracraving kasi. Pero napatakip sya ng ilong ng ilapag ang order nitong pagkain. "Saglit. Bat parang iba ang amoy nito?" Tanong nya sa waiter. Mabilis naman lumapit ito at kinuha ang tinuro nya. Inamoy nito iyon. "Okey naman po ma'am. At saka bagong luto po ito." Nakangiting sabi nito sa kanya. Kinuha naman ni Paula iyon at inamoy din. "Okey naman a." Sabi nito pero ayaw talaga nya ang amoy. "Pwedeng paki alis nalang. Ayaw ko ng amoy e. Kung may sandwich kayo. Pwedeng sandwich nalang please. Sandwich with catshup kung pwede." Sabi nya sa waiter. "Ho?" Gulat namang tanong nito sa kanya. "Sandwich with catshup then samahan mo na din ng mango juice." Ulit nya. "Catshup lang po talaga ang ilalagay natin sa sandwich nyo ma'am?" Tanong uli ng waiter kaya nairita sya. "Paulit ulit? Mahirap bang intindihin ang sinabi ko?" Inis nyang tanong dito. "Hey Nickz. Easy." Pagpapakalma naman ni Paula sa kanya. Huminga sya ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili. "Go. Paki bigay nalang ang order nya please." Sabi ni Paula sa waiter na parang humihingi ng paumanhin. "Are you sure you're okay? " Her friend asked. Napasapo sya sa kanyang ulo. "Hindi ko nga alam e. Parang nanghihina ako. Ang bilis uminit ng ulo ko tapos Kaninang umaga nahihilo ako tapos nagsusuka ako." Sagot nya sa kaibigan. Hindi ito nagsalita Tinitigan lang sya nito na para bang pinag aaralan ang kanyang itsura. Kinunutan nya ito ng noo. "What?" Tanong nya. "Buntis ka din ba?" Mahinang bulong nito na titig na titig parin sa mukha nya. Natigilan naman sya sa tanong nito. "Hindi siguro. May ginagamit naman si Alex." Sabi nya ng makabawi. Normal nalang sa kanilang pag usapan iyon dahil nga may asawa naman na sya at ito ay buntis na din naman. "Pero Nickz. Hindi naman One hundred percent iyang mga ganyan. Mayroon ding pumapalya." Giit nito. Hindi sya umimik. Parang prenoproseso ng kanyang utak ang sinabi nito. "I feel the same way Nickz. All the sign. Ganyan din" Sabi ng kaibigan "Para makasiguro tayo. Punta tayo sa ob-gyn ko mamaya pagkatapos natin dito." Napatitig sya dito pero parang tumatagos ang kanyang paningin. She felt like she was floating Is she really pregnant? What if she is pregnant? How will her husband react to her pregnancy. Parang wala sa sariling sumunod lang sya kay Paula. Ito na ang nagdrive dahil parang hindi nya kaya. Kinakabahan kasi sya. "Nickz. Relax. Hindi pa naman tayo sigurado e. And Im sure Alex will be very happy if he finds out that you are pregnant." Sabi ni Paula at hinawakan pa nito ang nanlalamig nyang kamay. Hinihintay nalang nila ang kanilang pila. "Mrs. Alvarez. Kayo na po ang susunod." Sabi ng assistant ng doctor. Lalo tuloy kumabog ang kanyang dibdib. "Pwede na po kayong pumasok ma'am." Nakangiting sabi nito. Napahawak sya sa kamay ng kaibigan. Tahimik silang umupo sa tapat ng mesa ng doctor. Binabasa nito ang record nya. "Oh. A first time mommy." Sabi ng doctor habang nakatingin sa record nya na sinulat ng assistant nito kaninang iniinterview sya. "At medyo bata pa ha." Komento nito kaya alanganing syang napangiti. "Doc. Pwede po ba iyon. M-mayroon naman po kaming ginagamit." Alanganin nyang tanong dito. "Mayroon talagang cases na ganyan. Maaaring buntis na bago gumamit. O kaya nagkamali sa paggamit. Kunyari sa pills. Pag nakaligtaan mong uminom. May tendency talaga na mabubuntis ka." Paliwanag ng doctor sa kanya "So bibigyan muna kita ng Pregnancy test kit para makita natin kung positive nga na buntis ka." Sabi ng doctor. Mabilis namang lumapit ang assistant nito at inabutan sya ng pregnancy test kit at iginiya sya papunta sa CR. She feels mixed emotion while she doing the test. She was scared, but at the same time trilled and excited. Her hands trembling. And she almost stopped breathing when she saw the two lines. She gasped as her eyes widened. Her knees seemed to be weakening so she leaned against the wall. "Ma'am. Tapos na po kayo?" Tanong nang assistant na kumakatok sa pintuan. Mabilis nyang inayos ang sarili. At binuksan ang pintuan. May daladala itong tray na maliit. "Ilagay nyo na po dito iyang kit ma'am." Nguso nito sa hawak hawak nya. Napatingin uli sya doon at saka nya iyon inilagay sa tray nito. "Congratulation po ma'am." Nakangiting bati nito ng makita nito ang resulta doon. Kimi syang ngumiti dito. "So, congratulation. Positive. Magkaconduct tayo ng ultrasound para malaman natin kung ilang months na ang baby mo." sabi ng doctor. Sumunod lang sya kung ano ang sasabihin nito sa kanya. Parang hindi pa pumapasok sa isip nya ang lahat. Ramdam nya ang paghawak ng kanyang kaibigan sa kanyang kamay. Nginitian sya nito. Ganito din ba ang pakiramdam nito ng malaman nitong buntis ito? Tanong nya sa isip. "Almost three months na ang baby Misis." Rinig nyang sabi ng Doctor. "Po? Pero dinatnan pa po ako noong nakaraang buwan." Maang naman nyang tanong. "Madami ba iyong lumabas sayong dugo?" Tanong nito. Kaya hindi sya agad nakasagot. Naalala nga nya na patakpatak lang ang period nya noon at noon lang hindi sumakit ang puson nya. "Kunti lang po." Sagot naman nya. "Normal lang iyon lalo na at nasa first trimester ka palang. Pero pag palagi kang dinudugo at madami kailangan mo ng kumunsulta sa doctor. Hindi mapakali si Nickz habang hinihintay nya ang asawa. Wala pa ito at kanina pa nya hinihintay. Lumamig na din ang niluto nyang hapunan nila. Pinaghirapan pa naman nyang ihanda iyon. Kinakabahan sya dahil balak na nyang sabihin agad ang kundisyon sa asawa. Bahala na kung ano ang magiging reaction nito. Basta sya masaya sya dahil magiging ina na sya. Pakamamahalin nya ito at pakaaalagaan. Hinding hindi nya ipaparanas dito ang kanyang naranasan sa kanyang pamilya. Kumabog ang kanyang dibdib ng marinig ang ugong ng sasakyan ng asawa. Mabilis nyang inayos ang sarili para salubungin ito. Pero laking gulat nya ng bumagsak ang pintuan dahil sa lakas ng pagkakatulak nito. Napakunot ang kanyang noo. Agad na nagtama ang mga mata nila ng asawa. Kita nyang namumula ito at parang hinihingal. May naramdaman syang kakaiba sa awra nito. Parang kinikilabotan sya dahil parang galit na galit ito. Dahan dahan syang lumapit dahil hindi agad ito pumasok. nakatayo lang doon at nakatitig sa kanya. "M-mayroon bang problema?" Kinakabahan nyang tanong dito. Lumapit ito sa kanya. Nakita nyang parang lalong bumigat ang paghinga nito. Nagtatakang tiningala nya ito. Nakita nya ang pagguhit ng ngiti nito sa labi pero kakaibang ngiti iyon. "Hindi ko alam kung papaano mo ako nakukuhang titigan sa kabila ng ginawa ng ginawa mo sa akin." Nanunuyang sabi nito sa kanya. "Ha?" Napamaang nyang tanong. Tumawa ito ng mahina. "Bilib din ako sayo ano. Kaya mong gawin ang lahat para makuha lang ang gusto mo huh." Gigil na dinakma nito ang magkabilang braso nya. Kitang kita nya ang pagkislap ng galit sa mga mata nito. "Saglit lang. ano bang pinagsasabi mo?" Takang tanong nya. Hindi nya maiwasang makaramdam ng takot sa nakikita nyang galit sa mga mata nito. Mas hinigpitan nito ang hawak sa kanyang braso kaya napadaing sya sa sakit. Pero ngumisi lang ito at mas hinigpitan pa nito iyon. "Masakit ba ha. Ngayon ipapakita ko sayo kong pano ako maging demonyo. Diba ginawa mo na akong demonyo dati." Sabi nito na halos hindi naghihiwalay ang ngipin nito sa pag sasalita. "Aray Alex. Nasasaktan na ako." Daing nya dito na pilit kumakawala sa pagkakahawak nito sa kanyang braso pero mas masasaktan lang sya dahil mahigpit ang pagkakahawak nito doon. Naluluha na sya dahil sa takot. Hindi nya maintindihan kung bakit ito galit na galit. "Putang*na ka! Hindi mo ba alam kung gaano ako naghirap. Kung papaano ako kinain ng kunsensya ko dahil ang alam ko ay pinilit kita ng gabing iyon ha." Sabi nito na parang nagbubuga ng apoy dahil sa galit. Napaatras sya pero halos dumikit ang mukha nito sa kanya. "Hindi ko alam ang sinasabi mo Alex." Sabi nya na pilit kumakawala dito. Pero napasigaw lang sya ng itinulak sya nito sa pader pero hindi parin sya nito binibitawan. "Aray Alex. Nasasaktan na ako." Daing nya na pilit itong tinutulak. "Talagang masasaktan ka. Dahil ngayon mo matitikman kung gaano ako kademonyo." Sabi nito at saka sya kinaladkad nito papasok sa bahay. Nagpumiglas sya. Pinagsusuntok nya ang braso nito habang hila hila nito ang kanyang kamay pero baliwala iyon kaya gigil na kinakagat nya ito doon. "s**t!" Mura nito ng masaktan dahil sa kagat nya. Mabilis syang tumakbo palabas ng mabitawan sya nito. Pero napasigaw sya ng bigla nitong hilain ang buhok nya. Dahil sa lakas ng paghila nito ay napasaldak syang napaupo. Pero hinila lang sya uli nito patayo at mabilis na sinampa nito sa balikat. Nagsisigaw sya at pinagbabayo nya ito sa likod. "Bitawan mo akong hayop ka." Galit nyang sabi dito. "O yes wife.Nakikita mo ako ngayong maging hayop." Sabi naman nito at pinalo pa sya sa pwet. Isang sigaw uli ang kumawala sa kanya ng bumagsak sya sa kama. Agad syang gumapang para makalayo dito pero nakasunod agad ito sa kanya. Hinila nito ang kanyang paa. Kaya napasigaw siya uli. Nanlaki ang kanyang mata ng makita kung ano ang inilalay nito doon. "Anong ginagawa mo?" Nahintakotan nyang tanong dito. Pilit nyang hinihila ang paang itinatali nito. Pilit nyang inaalis ang taling ipinupulupot nito pero marahas lang sya nito itinulak sa balikat kaya napahiga sya. "Please Alex. Wag mong gawin to." Humahagulgol na sya at nag mamakaawa pero bingi ito. Naitali nito ang magkabila nyang paa na walang syang nagawa. Lumaban sya pero malakas ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD