Chapter 18

1653 Words
Dahang dahang lumabas si Nickz sa kwarto nila ni Alex dahil ayaw nya itong magising. Alam nyang pagod ito sa trabaho dahil sa mag oopen na kasi ang branch ng company na hinahawakan nito. At medyo malaki yata ang branch nilang iyon kaya medyo pagod ito pag umuuwi. Pero ang pinagtataka nya sa asawa kahit gaano kapagod ito ay hindi talaga nito nakakaligtaan ang isang bagay na ginagawa ng mag asawa. Sabi nga nito. Hindi makukumpleto ang pahinga nito pag hindi nito iyon nagagawa. Sinindihan na nya ang ilaw sa labas ng bahay bago sya lumabas. Saktong maliliwanagan nito ang mga bunga ng mangga na syang sadya nya sa labas. Para kasing nangangasim syang bigla. Ipagpapabukas nalang sana nya kaya lang hindi sya makatulog kakaisip dito. Apat kasi ang puno ng mangga sa palibot ng bahay nila at paglabas lang ng bahay ay puno na ng mangga. Mayabong iyon at maraming bunga. Inaabot lang nya. Kada umaga nga ay inaamoy amoy nya ang mga iyon. Malapit na ding anihin ang mga bunga nito dahil pahinog na din pero sabi nya sa asawa ay wag muna nyang ipaani ang nasa harapan dahil ang ganda nitong tignan. Tinawagan nya ang kanyang yaya habang pumipili ng pipitasing bunga. Sinisinghot singhot muna nya ang amoy ng mga ito. Ang bango kasi. "Hello anak" sagot ng nasa kabilang linya. "O 'ya. Kumusta po?" Masaya tanong nya sa yaya Sally nya. "Ayos naman anak. Ikaw dyan?" Sagot naman nito na parang inaantok. Nagising lang yata nya. "Ayos lang naman ya. Pasinsya na po nagising ko yata kayo." Nahihiya nyang sabi nya dito. Tumawa ito. "Kow. Itong batang to. Sanay na ako sayo." Biro naman nito. Natawa sya."Ya. Tatanongin ko lang po sana iyong pinapaayos ko sa inyo. Patapos na po ba?" Tanong nya. "Ah gamit nalang ang kulang anak pwede na syang tirhan." Sagot naman ng kanyang yaya. Nakahinga sya ng maluwag. Kailangan na kasi nyang mailayo ang kaibigan habang hindi pa napapansin ng pamilya nitong buntis ito. Baka mas lalo na silang mahirapan pag nalaman ng mga ito na buntis ito at baka ikapahamak pa nito iyon. Pinili nyang ilihim sa asawa ang lahat ng tungkol sa kanyang kaibigan at ang pinapatayo nyang bahay sa lugar ng kanyang yaya Sally. Mas matatahimik kasi sya pag doon tumigil si Paula. Atlest nandoon ang kanyang yaya na gagabay dito. Ginamit nya ang perang iniwan sa kanya ng kanyang lola. Malayo iyon at alam nyang mahihirapan ang pamilya nitong hanapin ito. Maraming pagkukumbinsi ang ginawa nya para mapapayag nya ang kaibigan na sumunod sa plano nya. At nagpapasalamat naman sya dahil kahit papaano ay nakikinig ito sa kanya. "O sige ya. Tulog kana. Tawagan kita pag lilipat na dyan si Paula." Paalam nya sa yaya. "I miss you yaya."Sabi nya bago pinatay ang cellphone. Pumili na sya ng pipitasin dahil nilalamig na din sya. Nakailang amoy pa sya bago nakapili. Pumitas sya ng dalawang bunga na iisa ang tangkay. Napangiti sya at parang naglalaway na sya ng makuha iyon pero biglang may tumikhim sa kanyang likuran kaya napasigaw sya sa gulat at naihagis nya ang manggang napitas. Napasapo pa sya sa kanya dibdib dahil sa sobrang kabog non. "Hey." Natatawang sabi ni Alex. "Nakakainis ka." Mangiyak ngiyak nyang pinagpapalo ito ng makabawi. Tumawa naman nito habang sinasalo ang mga hampas nya. "Sorry. Hindi ko naman alam na magugulat ka." Sabi nito sa kanya. Pero inirapan nya lang ito. Hinanap ng mata nya ang pinitas nya pero nanlumo sya ng makitang naghiwalay na iyon. Dinampot nya iyon at halos mapaiyak sya sa sobrang sama ng loob ng makitang nagkanda bitak bitak ang mga iyon dahil sa pagkakalaglag. Tumulo ang kanyang luha dahil sa sama ng loob. Nagdadabog nyang iniwan ito pero daladala parin nya ang dalawang mangga. "Hey. Wife. Bakit ka umiiyak. Sorry na. Wala naman akong balak na gulatin ka e. Oy saglit lang." habol nito sa kanyang papasok sa bahay pero hindi nya ito pinansin. Ang sama parin ng loob nya dahil naghiwalay at nabitak ang mga pinitas nyang mangga. Dumeretso sya sa kusina at kinuha ang kutselyo. "Baby sorry na oh. Hindi ko naman alam na magugulat ka e." Sabi nito na akma syang yayakapin pero maagap nya itong hinarap at tinutok ang kutselyo dito. "Woooohh" gulat itong napaatras at nagtaas pa ng kamay. "Wag mo akong lalapitan demonyo ka." Halos mapahagulgol na sya sa iyak. "Baby. Wag kang magbiro ng ganyan. Ibaba mo yan." Sabi nito na nakataas parin ang dalawang kamay. "Ayaw ko. Ang sama sama mo. Tignan mo itong mangga ko." Dinampot nya ang manggang bitak at hindi na napigilan ang sarili na mapahikbi. "Alam mo bang ang hirap pumili nito." Sumbat nya dito. Napanganga ito sa sinabi nya at hindi man lang nakapagsalita na lalo nyang ikinainis kaya binato nya iyong isang mangga dito. "Aray." Daing nito ng tumama iyon sa dibdib nito. Parang hindi nito inaasahang ibabato nya iyon. "Baby. Ang sakit non ha. Kung iyan lang ang kinagagalit mo. Papalitan ko nalang." Alo nito at saka lumapit sa kanya. Pero mas lalo syang nainis. "Lang? Lang ha? Hindi mo ba alam na hirap na hirap akong piliin ang mga iyan ha." Sigaw na nya dito dahil sa galit. "Pipili din ako ng kagaya nila." Giit naman nito na parang napakadali lang dito. "Ayaw ko. Hindi mo na iyan mapapalitan." Umiiyak nyang sabi dito. Sobrang sama ng kanyang loob. To the point na gusto nya itong sakalin. "Pero ang daming bunga ng mangga natin baby. Pipi--" "Ayaw ko. Iyon ang gusto ko pero nabitak na. Nakakainis ka talaga!" Gigil nya itong tinulak at tumakbong pumasok sa kwarto nila. Pinag lock-an nya ito ng kwarto. Narinig nyang pinihit nito ang doorknob pero hindi nya iyon binuksan bagkus ay inirapan nya pa ito na para bang nasa harapan nya lang ang kaaway. "Baby. Please. Pagbuksan mo na ako." Pakiusap nito pero nag tungo na sya sa kama nila at humiga na. Bahala ka sa buhay mo bulong nya at umayos na ng higa. Hindi nya akalaing makakatulog sya agad. Kinabukasan Dahan dahang nagmulat ng mata si Nickz ng magising. Parang ang bigat ng pakiramdam nya ngayon at para syang nahihilo kaya kinapa nya ang noo kung mayroon ba syang lagnat. Nakahinga sya mg maluwang dahil wala naman. Final exam pa naman nila ngayon kaya hindi sya pwede mag absent. Napatingin sya sa labas ng bintana. Medyo papaliwanag palang kaya matutulog muna sya. Bumaling sya ng higa para humarap kay Alex pero napakunot sya ng noo ng wala na ito sa higaan. Napanguso sya hmp! Ang aga naman nyang magising. Wala tuloy akong mayakap. Maktol nya sa isip. Kinuha nya ang unan nito at inamoy amoy pa nya iyon bago nya iyon niyakap. Hindi nya namalayang nakatulog uli sya. Napabalikwas sya ng bangon ng makitang maliwanag na. Napatingin sya sa orasang nakasabit sa wall bangdang paanan ng kama "Halla tanghali na!" Halos naisigaw nya. Dali dali syang bumangon at hinagilap ang tuwalya. "Tsk! Hindi man lang ako ginising!" Gigil nyang sambit habang papasok sa loob ng banyo pero parang biglang umikot ang mundo nya. Napahawak sya sa wall at dahan dahan umupo dahil parang babagsak sya. "Alex" tawag nya sa asawa pero walang sumagot. "Alex." Tawag nya uli pero wala paring sumagot. Pumasok na ba sya? Bulong nya na nakapikit parin ang mata pero parang hinahalukay na naman ang kanyang sikmura dahil sa sobrang hilo kaya nasusuka sya. Mabilis syang gumapang para makalapit sa bowl ng CR at doon sya sumubsob para magsuka. Hinang hina ang kanyang pakiramdam ng kumalma iyon. Hindi nya alam kung gaano sya katagal sa CR na nakayukyok basta ng kumalma ang pakiramdam ay naghugas nalang sya at hindi na sya naligo dahil malelate na sya pag nagtagal pa sya. Dali dali syang kumilos. Pero may nahagilap ang kanyang mata sa may side table. Tatlong perasong mangga na mayroon pang tangkay at isang note. Dinampot nya iyon. Baby Wife; Sorry kagabi, hindi ko talaga sinasadya. Ayan pinamitas na kita ng mangga mo. Pinili ko yan para sayo. I LOVE YOU. Ps. Sana patawarin mo na ako. Ang sakit ng likod kong natulog sa dofa kagabi e. Your Hubby Nanlaki ang kanyang mata at napatakip sa kanyang bibig nangingilid ang kanyang luha. For the first time ay sinabihan sya ng I love you ng asawa. "Mahal na nya ako?" Parang naninikip ang kanyang dibdib na paulit ulit na tinignan ang I love you na nakasulat. Inagaw ng tunog ng kanyang cellphone ang pag iemot nya. She quickly pulled it out on her bag. "Hello." Sagot nya, si Paula iyon. "Where are you na ba? Malapit ng magtime." Tanong ng kaibigan. "Ay oo nga pala. Nandito palang ako sa bahay. Paalis na. Aabot pa siguro ako." Sabi nya at nagmamadali ng lumabas. Wala syang choice kundi sakyan ang isang sasakyan ng asawa para umabot sya sa oras. Allow naman syang gamitin iyon pero parang nakakatakot lang gamitin dahil mamahalin. Baka magasgasan nya. Mas gusto kasi nitong gamitin ang luma nitong sasakyan dahil iyon daw ang una nitong pundar. Kung hindi naman iyon ang gamit nito ay iyong big bike naman nito lalo na pag nagmamadali. Ilan din ang sasakyan nitong nakaparada doon. Natatawa nga sya dahil ang laki ng garahe nito. Dinaig ang bahay nila. Pero naiintindihan na nya ito kung bakit mas pinili nitong magpatayo ng maliit na bahay. Actually, ginawan na nya ng plano ang bahay nila. Sya mismo ang nagdesign. Siguro pag nagka anak na sila ng mga dalawa tatlo. Babaguhin na nila iyon someday. Marami yatang anak ang gusto ng asawa at ibibigay nya iyon dito hanggat kaya nya. Pero medyo matagal pa iyon kasi third year palang sya sa susunod na school year. Kasi gusto ng asawa ay makapagtapos muna sya sa kanyang pag aaral bago sila mag anak. Nagpaconsult nga sila noon sa OB gyn kung ano ang magandang birth control pero dahil sa narinig ng asawa na mayroong side effect sa babae ang inject at pills ay mas pinili nalang nito ang gumamit nalang ng c****m. At hindi pa naman sila nagkakaproblema doon kaya okey lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD